Ang Hindi Ko Maintindihan

Iniisip ko, paano kaya, kung sa panahon natin ngayon naging missionary sila Paul, Peter at John?

Sa Starbucks..

Peter: wow! Cinnamon roll! Tsaka mocha frappe, let’s pray for the food.

Paul: teka lang! piktyuran ko muna, ilalagay ko pa ‘to sa instagram, then I’ll caption it “bonding with my kapatid in Christ! #GodTheProvider”

John: anong lugar nga ulit ito?

Peter: Starbucks Fully Booked. Bakit?

John: hinihingi ng Facebook yung lugar kung nasaan tayo eh, teka nag-popost pa ako ng bagong status. hala teka, bumagal yung connection bigla! Tsk!

Paul: ayan marami ng nagla-like!

John: I shared our picture kila Epaphras, Aquila, Priscilla, Silas at Timothy. Nasa Coffee Bean sila sa highstreet ngayon eh, small group din sila, nai-like ko na din yung status nila 5 minutes ago na “Small group with Men of God! #GoAndMakeDisciples”. nahuli na nga ako ng like eh, nai-like na sya ng mga taga-Laodicea, Ephesus at Colossae.

Peter: ahh.. pray na tayo guys?

—————

Wala namang koneksyon yung nakasulat sa itaas sa post na ito. Wala lang. Naisip ko lang talaga. Haha.

Pagbigyan mo na, para sa huling hirit, at magtatapos na ang taon, gusto ko lang magpasalamat ngayon sa iilang tao. Game!

Kay Garfield Zabala. Sobrang weird mo! Haha! Joke lang. Yung deep love mo para sa Gospel ang nagtutulak sa akin minsan kapag nanghihina ako para magpatuloy. Maraming salamat dre. Salamat din sa pagsagot mo sakin lagi ng mami sa Guadalupe.

Sa mga artista kong kapatid, Katrina Dayrit, Reysalyn Abapial, Jannien Ibaniez. Makulimlim pa lang dumadami na kayo. Haha!Image

Kay Jayson Lintao, Randy Camba at Paolo Diomampo. Mga tunay kayong mandirigma. Ginamit kayo ni God para matutunan ko ang humility. Srsly.Image

Au Palma. Salamat sa pasensya, sa lahat ng tulong at lahat ng correction. Hayaan mo at babawi din ako.

Kristene Marize Silvero. Sa lahat ng mga aksidenteng simpleng kwentuhan. Marami akong natutunan.

Grace Soriano. Salamat din sa pasensya at pagtitiwala! Kasama mo ko sa mga prayers mo.

Jerome Caynila. Mataba ka pa rin. Marami pa tayong adventure na tatahakin!Image

Marky Cardinal at Harold Sistoso. Lagi kayong nasa news feed ko sa Facebook!

J3 Payongayong, James Macariola, Jay-Arr Estrada. Manhood? Wisdom? Purity? Leadership? Presence of God Inside (POGI)? We look up to you guys.

Kay Piolo Pascual Coach Robert Gonzalez. Ang aming Tito in Christ! Hehehe.Image

Amira Ramlee Sial. Sa pagiging hyper mo sa faith in times of testing.

Bethel Mercado, Cholo Caliwagan, Ron Mendoza, Jamille Jamito, Paula Antalan. Nakita ko sa buhay nyo kung gaano mag overflow ang grace ni God. #Bangon

Image

MJ Labang, Chuck Crisostomo, Aaron Bagang, JR Mercado, RJ Frias, Jappet Tan, Jeff Falco, Jayson Hermano. Marami kaming natutunan sa faith nyo. At sa mga kalokohan nyo. Haha!

Eleine Ordinado, Erica Gonzaga, Denielle Magsisi, Jessica Villavicencio, Jessica Verzon, Junize San Diego, Raxx Espedido, Czariena Secondez, Ansherina De Vera, Mabel Enriquez at Yhe Dorado. Marami kaming natutunan sa faith nyo. At sa kakulitan nyo. Haha. (paulit ulit)Image

Cato Dumlao. Nagsisimula pa lang si Lord sa miracles Nya!

Ryan Pagsuyoin, Aquiee Villar, Joseph Boticario, Jam Martin, Patrick Hermo, Nikko Abella, Rusty Lope, Benjo (anong apelyido mo bro?)  at Stephen Quevedo. Ako ang mas maraming natututunan sa inyo.

Sa marami pang iba. Nagets ko na bakit ganun ang Romans 16. Sa buhay natin kasama si God, hindi pwedeng wala tayong kasama (basahin mo ulit). Dahil ang uling, mananatiling mag-aapoy kung may kasama ring iba pang uling.

At kay Jesus. Dahil ang hindi ko maintindihan, bakit ganito ka-intense at kalalim ang pagmamahal Mo sa amin? Bakit yung pagmamahal mo Jesus yung gumigising sa amin sa umaga, nagpapatahan ng luha namin, nagpapasigla ng araw namin, nagpapaikot ng buhay namin? Bakit hindi Ka nagsasawa na habulin kami, pulutin kami pag bumabagsak at itayong muli. Sa tingin ko kailanman hindi namin maiintindihan ng buo, hanggang sa makasama Ka na namin. Sa ngayon, magtitiwala kami sa pag-ibig mo Lord na pinatunayan mo sa Cross 2,000 years ago. Yun lang ang tanging panghahawakan namin sa lahat ng oras, bagay at sitwasyon. Maraming salamat Lord!

Para sa huling pagkakataon, heto na muna ang huli kong post. Maraming salamat sa mga nakasama ko sa kwentuhan at sa mga nagtiyagang nagbasa. Sa nakiiyak, nakitawa at nakipagkwentuhan, maraming salamat. 🙂

Mawawala muna ang nagsusulat at nagkukwento sa lugar na to. Wag mo lang kakalimutan uminom ng Vitamin C sa umaga, paghiwalayin ang de-kolor sa puti at magexercise para lumusog. Yun lang. haha. Godbless.

Advertisements

Discipleship Like The Avengers

John the Baptist: Bro, eto na yung mga aplikante natin.

Jesus: Sige papasukin mo na.

(pumasok si Peter)

Jesus: Simon, hmm.. sabi dito sa resume mo mangingisda ka. Anong quality ang meron ka na wala ang ibang tao para maging disciple Ko?

Peter: Humble po ako. At tsaka hindi ako marunong magtraydor sa isang kaibigan.

Jesus: based on My omniscience, hindi. Okay next!

(pumasok si Judas)

Jesus: Judas Iscariot, tama ba?

Judas: Opo.

Jesus: so Judas, tell me something about yourself.

Judas: maingat po ako sa salapi.

Jesus: hmm, mukha nga, sabi dito sa resume mo treasurer ka since kinder. Pero handa ka bang traydurin ang kaibigan mo para sa 30 silver coins?

Judas: hmm.. pwidi, pero dipindi..

Jesus: okay, next.

(pumasok si Thomas)

Thomas: hello po. Jeje

Jesus: okay Thomas. bakit mo naisip na maging disciple Ko?

Thomas: hmm.. kasi marami po akong matututunan Sa’yo.

Jesus: ahh.. pero alam mo ba na lagi ko ipupush yung faith mo, kaya mo ba na hindi magdoubt?

John: opo naman!

Jesus: again, based on my Omniscience, hindi. Okay next!

Buti nalang talaga hindi ganyan si Jesus. Hindi Siya like a boss. Isipin mo kung gaano tayo kamahal ni Jesus sa gitna ng lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang natin sa pagsunod sa Kanya. Jesus does not call the qualified, kasi kung ganun, e di wala na sa atin ang naging disciple Nya! Rather, HE QUALIFIES THE CALLED.

A few months ago, God broke my mindset about discipleship. All this time, I thought it was something clean, organized and perfect. At ano? Isang malaking NO ang isinagot sa akin ni Lord. Isipin mo nung panahon ni Jesus, kung paano Nya hinawakan yung makukulit na labindalawang disciple. May nagyayabang, may nagdududa, may madaling mabadtrip, at kahit na 3 years na nilang nakasama si Jesus with all His miracles, nagtatanungan pa din sila kung sino ba ang magiging pinakadakila sa kanila. Ngayon napapansin mo ba na wala rin tayong pinagkaiba sa kanila? Pero regardless of it all, Jesus loved all of them.

He loves the mess and imperfectness of His disciples. Parang yung gulo lang din noong hindi pa nagkakaintindihan sila Tony Stark, Captain Steve Rogers, Dr. Robert Banner at Thor Odinson. kaya sa huli, nung natuto sila, naging isa sila. Si Jesus, Even to the point of dying on the Cross, loves His followers. kasama tayo doon.

2 bagay lang na sobrang obvious na katangian ni Jesus pagdating sa discipleship: PATIENCE (Mapagtiis) at UNCONDITIONAL LOVE (Walang pasubaling pagmamahal)

Patience– sabi sa Bible, the fruit of the Spirit is love, at ang kauna-unahang nabanggit na katangian ng love ay patience (love is patient. love is kind.) alam na ni Lord kung kalian, saan at paano tayo mabibigo sa pagsunod sa Kanya. Pero grabe yung patience Nya sa atin diba? grabe yung patience Nya sa pag-grow natin. Lalo na sa mga issues na struggle pa din natin hanggang ngayon kahit ilang taon na tayong Christian. Kasama na doon lahat ng sobrang weird na tanong natin sa Kanya (Lord, totoo bang may mga sirena?) Sobrang patient Nya sa pagbabago ng puso natin.

Unconditional Love– reality check when it comes to Christianity: walang pinipili si Jesus para maging disciple Nya, kapag sinabi Nya na gagamitin ka Nya, prepare your heart, gagamitin ka talaga Niya! Makikita mo na God is beyond your limitations! Hindi Sya tumitingin sa kung anong imperfectness na meron ka, sa halip, His grace and power is sufficient to use you sa lahat ng sitwasyon na hindi mo ineexpect. At wala Siyang boundaries sa pagmamahal sayo. Mahal ka Nya at your best, as well as your worst. Unconditional nga e.

Naalala ko yung eksena na nangigigil si Dr. Banner, sabi nya: “That’s right Captain, I’m always angry.”

Ikaw, nanggigigil ka na din ba to share the story of Jesus sa ibang tao? Remember, when Jesus called His disciples?

“Come, follow me,” Jesus said, “and I will make you fishers of men.”

-Mark 1:17

 

Let’s fix our eyes on Jesus. Siya na ang bahala sa atin. 🙂

JSSLVS U. K?

“palagi ka bang napapaligiran ng good people?”

 

napatigil ako. para niya kong tinanong ng: “close ba kayo ni Coco Martin?”. hindi ko alam paano sasagutin ang tanong ng isang kaibigan.

checkpoint 2013.

 

malapit na matapos ang taon at marami akong natutunan. sobrang dami. at bago ko man lang sila makalimutan, gusto ko na sila ikwento, yung iba dito galing din naman sa ibang tao pero lahat galing kay Lord. tandaan lang ang acrostic na BGC dahil dyan iikot ang kwento na to, hindi yan Bonifacio Global City. BGC stands for B-rokenness, G-race at C-ross. hehe, gusto ko lang makasubok gumamit ng acrostic. Game!

 

on Brokenness.

Siguro ang pinakapunto lagi ng brokenness, ay nawalan ka. Noong highschool ako namatay yung pusa kong tatlo yung kulay, nawalan ako ng kaibigan na lagi kong katabi matulog sa gabi kahit na nagliliparan lahat ng balahibo nya pag bumabangon sa kama. nawalan ka, aminin mo man o hindi naging parte yun ng buhay mo. at aminin mo man o hindi, napalitan nun si Jesus sa puso mo.

…at kaya nabe-break yung heart natin, dahil nabe-break din nito yung heart ni Jesus.

oh, how God loves a broken heart.

 

naalala mo noong time ni Jesus, the woman with the Alabaster Jar? naalala mo kung paano binuhos nung babae yung pabango sa paa ni Jesus at ginamit na pamunas yung buhok nya? She’s giving her everything to Jesus, and He was so pleased with that. solid picture ng love ni Jesus para sa broken people! sa brokenness, everything is so sweet kasi kasama mo si Jesus sa journey. may mga oras talaga na kailangan mo na bitawan kasi unless na broken tayo sa harap ni Jesus, hindi natin maisusuko yung mga bagay na matagal na nating gustong iwan kasi sinisira nun yung puso natin.

*Psalm 51:17, John 6:37, Psalm 147:3

 

on Grace.

sinong nagsabi na hindi mahal ni Jesus yung mga taong nabigo sa pagsunod sa Kanya? si Jesus na alam lahat mula simula hanggang katapusan, sino nagsabi, kapitbahay mo? isang encouragement lang: ang pinagkaiba ng isang taong bitter at taong nakapagmove-on sa kabiguan nya, ay hindi niresist ng huli yung grace ni Lord. kaya sya nakapagmove-on dahil hindi nya niresist yung love ni God, yung Cross. kung nabigo ka, that doesn’t mean na pinabayaan ka na ni Lord, kagaya ng mga naiisip natin (Ayan! ayan! sinabi ng wag makikipaglaro sa apoy, ayan! nag-stumble tuloy!) NO. nandun yung grace Nya nung mismong time na nag-repent ka, and that grace will teach you to say no to ungodliness para hindi ka na ulit mahulog sa kasalanan. kaya ang tanong ay, may galit o bitterness ka pa din bang tinatago? i-surrender mo na sa foot of the Cross. wag mo na iresist yung love ni Lord. 🙂

kaya mo na umasa ngayon dahil may grace si God! And i am talking about real people with real issues and a REAL GOD. nakita ko kung paano nag-overflow yung grace sa buhay ng mga taong ‘to, kung paano sila nakabangon mula sa kabiguan at kung paano sila nababago, lahat dahil sa GRACE.

*2 Corinthians 12:9, Romans 8:1, Ephesians 1:6-7

 

On Cross.

kapag gabi at medyo pagod, madalas akong kumakain sa karinderya sa Guadalupe na napapalibutan ng mga club at bar. nung nakaraan habang kumakain ako, naalala ko yung tinanong sakin nung kaibigan ko na ‘yun. napapaligiran ba ako ng good people? nag-isip ako saglit. humigop ng sabaw. sumubo ng ulam at kanin. uminom ng RC, at nag-isip ulit.

at ang sagot ko: HINDI.

Hindi, dahil hindi naman to tungkol sa akin, sa’yo o sa atin. sabi nga sa narinig ko dati sa isang missionary: “the gospel does not change us from bad to good, rather, from DEAD to LIFE.”

most of the time, aminado ako, I’m not good, apart from the saving grace ni Jesus, siguro patapon pa din yung buhay ko.

dahil ang Cross ay istorya ng isang Tatay na pumunta sa putikan para iligtas ang anak Niyang nalulunod at namamatay. dahil ang Cross ay tungkol sa isang taong grasang kagaya natin na nakatanggap ng pagmamahal at grace kay Jesus, at dahil nag-uumapaw lang yung pag0ibig Nya sa puso natin, naipapasa natin ito sa mga kapwa taong grasa, at nababago din ang buhay nila.

dahil ang Cross ang sentro ng puso ni God. dito mo sukatin ang pagmamahal ni Lord sayo kahit na hindi mo to kaya sukatin. dito mo ilagay ang security mo, identity, hope, at ang buong pagkatao mo. dito mo makikita na ang tunay na nagmamahal ay handang mamatay kahit na alam Nyang may mga taong tatanggi sa pagmamahal Nya. dahil ang Cross ang nagsasabi sayong may nagmamahal sayo kahit pakiramdam mo wala.

*John 3:16, Romans 5:8, 1 Peter 2:24

 

 

thank you Lord for everything. all praises, glory and honor goes to You. di ko na kailangan pa iexplain.

—-

december na! woohoo! yesss!

*Cue what the fox say*

Pare, I THERE YOU.

Hindi ka kailanman iniwan ni God.

 

Sarap pakinggan? Oo, kasi simple AT totoo.

 

Ngayon, Guhitan ang mga pangungusap na naglalarawan ng iyong mga pinagdaanan sa buhay:

  • Iniwan ng minamahal (wag na mag-deny).
  • Mga taong may ayaw sayo.
  • Nabigo sa isang partikular na aspeto ng buhay (kasama ang mathematics).
  • Pinanghihinaan ng loob sa sitwasyon.
  • Nawawalan ng pag-asa.
  • Kuntento sa buhay ngayon.

 

Okay, para sa’yo to.

 

Hindi ka kailanman iniwan ni God.

 

Sa hirap o ginhawa, Sobrang daming panahon na siguro ang inakala natin-pati ako-na pinabayaan na tayo ni Jesus. Pero ang totoo, andun Sya, kasama natin.

 

Kaya dude, keep your heads up, kasama mo si God. Magiging okay din ang lahat kasi kasama mo si God. Takbo ka lang sa Kaniya, hindi Sya nabigo sa’yo. Things will get better soon, kasi kasama mo si God. Claim whatever promise God has for you.

 

Oo, may mga tinuturo Siya sayo ngayon, pero makakaya mo ‘yan, kasi kasama mo si God! Minsan masakit yung process of change, pero mababago ka, kasi kasama mo si God. Maaakyat mo ang bundok, kasi kasama mo si God. Actually, Siya nga yung unang nakaakyat dun eh.

 

So ano yung kulang sa pamagat ng post na ito?

I THERE YOU.

I (AM) THERE (WITH) YOU.

 

Noun yung ‘I AM’ sa itaas. Natandaan mo ba nung ni-reveal ni God yung sarili Nya kay Moses? “I AM WHO I AM.” Si God yun, Siya ‘yung the Great I AM. Big words.

Kaya kapag nanghihina ka, lagi mo lang tatandaan, I AM is there with you.  Jesus is there with you: protecting you, loving you, and pouring out His grace upon you. Sabi ng kaibigan kong oras-oras kung mag-group message sa text, 365 times daw binanggit sa Bible ang salitang “do not be afraid.” Sarap magmahal ni Lord di’ba? Di na natin kailangan matakot kasi kasama na natin Sya. Kaya ngayon, may lakas ka na para harapin ulit ang mga bagay-bagay, at tsaka, magiging galak na ‘yung lahat ng bagay kasi kasama na natin Sya!

 

Lastly, wherever you are right now and whatever you’re going through, I dare you; believe and be convinced that I AM is there with you.

 

“I can never escape from your Spirit! I can never get away from your presence!”

-Psalm 139:7 NLT

Time Travel

Image

 

Kapag ganyan na ang eksena, alam na alam na natin kung anong ginagawa ni Doraemon: Time travel! sobrang exciting diba?

 

Pati si Einstein at ibang mga scientists, merong theory tungkol sa time travel, pero sa tingin ko, isang time travel lang naman ang pinakagusto ng mga tao. Iscroll down mo nalang pababa, hehe, nahirapan ako mag paliwanag.

 

“I’m afraid that there will be a day that God had to wipe away tears of regret from my eyes because I had lost the opportunity to obey Him.”

-Mary Malinao

 

Nahiwa ang puso ko noong narinig ko ‘tong mga salita ‘to.

Sana kung mababawi ko lang yung mga salitang nabanggit ko na nakaoffend o nakasira ng isang pagkakaibigan at buhay. Sana kung kaya kong irewind yung mga nagawa ko na nakasira ng tiwala ng isang kaibigan. Sana kung pwede ko lang ibalik para maitama.

Sana mas matalino ako nung panahon na ‘yun.

Sana may conviction ako nung panahon na ‘yun.

Sana.

 

Salamat sa grace ni God through Jesus, pwede na magkaroon ng restoration. Salamat sa grace ni God, pwede na mag-reset at magmove-on, at itong parehong grace na ‘to ang magtuturo satin “to walk in wisdom and say no to ungodliness.”

 

Salamat sa Cross ni Jesus, nakuha na ng Grace Niya yung mga nangyari sa nakaraan, at oo, hindi man natin maibabalik ang lahat pero dahil sa Cross ni Jesus, we’re forgiven and redeemed. We don’t deserve any of this, but because of His unfailing love, He gave it to us.

 

“I remember it all-oh, how well I remember- the feeling of hitting the bottom. But there’s one thing I remember, and remembering, I keep a grip on hope: God’s loyal love couldn’t have run out, His merciful love couldn’t have dried up. They’re created new every morning. How great your faithfulness! I’m sticking with God (I say it over and over) He’s all I’ve got left.”

-Lamentations 3:21-24 MSG

 

——-

Kaya sa susunod talaga hindi na ko masyado manonood ng mga pang tanghaling drama sa TV, puro drama din sa buhay nakukuha ko e. haha! Pero thank you sa grace mo Lord! Sobra!

Helpless Monster, Glory Robber.

Image

yep, monsters.

Okay, when I say monster, hindi yan yung nasa taas, na kamukha ni Mike Wazowski, James Sullivan o Pikachu. Halimaw (sa tagalog), in a sense, kung paano mo ilalarawan ang isang totoong Halimaw..

 

ito ba ay mapanlilang? magaling manloko ng tao dahil sa kanyang labas na kaanyuan?

ito ba ay malakas? yung wala kang kalaban-laban kapag nakakaharap mo kaya tumatakbo ka na lang?

ito ba ay hindi napipigilan sa kung anong gusto nyang gawin? hindi kayang kontrolin ng kahit sino o kahit ano?

baka ito yung kaharap mo sa salamin araw-araw?

 

Yes, we’re monsters inside. mapapansin mo yan kapag hindi mo na kasama yung mga kaibigan mo sa church o hindi ka nakapag quiet time, may monster sa loob mo. apart from Jesus, we’re all wasting internally. at Oo, helpless monster ang tawag sa atin (Ironic diba?), dahil kahit anong pilit natin, hindi natin maaalis yung monster sa loob-loob natin.

For I do not do the good I want to do, but the evil I do not want to do—this I keep on doing. Now if I do what I do not want to do, it is no longer I who do it, but it is sin living in me that does it… What a wretched man I am! Who will rescue me from this body that is subject to death? Thanks be to God, who delivers me through Jesus Christ our Lord!

-Romans 7:19-20,24-25

 

Nitong nakaraan, kausap ko yung ilan kong kaibigan tapos kinukwento ko kung sino ako dati, paano ko nakilala si God, at kung sino na ko ngayon. sa gitna ng paglagok nila ng Red Horse, at Jack Daniels, (nakabottomless iced tea ako), sinabi ng isa na kailangan lang talaga natin minsan ng medical at psychological help. natawa ako, naisip ko, psychological help? pinag-aralan ko ‘yun. at oo, masasabi ko na hindi kaya sagutin ng psychotherapy ang butas ng puso natin.. yung Gospel lang ni Jesus makakagawa nun. pero iniisip ko pa din yung sinabi ng kaibigan ko na yun tungkol sa psychological help na parang..

“pare, ang galing! hindi na ko naghahanap ng kung ano anong relationship para masatisfy ako, I AM TITANIUM! salamat sa pusong bato na binigay sakin ng vulca seal therapy, every week umiinom kami ng nakablender na vulca seal.”

 

Itong monster na to, mahilig din magpity-party kapag hindi napapansin, naaapreciate o napapakinggan kasi insecure.

wala na din tong ginawa kundi magreklamo minsan. tapos ang lakas pa magyabang. aray.

Itong monster na to, Glory Robber na din. Magnanakaw ng glory, attention, purity, joy, at pride.

 

 

rewind.

2,000 years ago. sa gitna ng tirik na araw, nagsisigawang mga tao na puro pang-iinsulto ang isinisigaw (kung ikaw ang Messiah, patunayan mo, bumaba ka dyan!) at mga matang walang ibang sinasabi kundi ‘buti nga sayo.’, Merong nagsalita.. nagbabaka-sakali na marinig sya, umaasa, nagbabaka-sakali..

 

“Jesus, remember me when you come into your kingdom.”

-Luke 23:42

 

humihingal-hingal dahil sa pagod at sakit na pinagdaanan, humarap sa kanya ang Savior na to, hindi nya to inaasahan kahit kelan. isa syang maduming magnanakaw na katabi ngayon ang tao na ito. hindi lang siya magnanakaw panlabas, pero sa panloob din. magnanakaw ng buhay, puri, kasiyahan. punong-puno ng pride at galit ang buhay nya. at katabi nya ang tao na to na matagal na nyang naririnig na magliligtas sa lahat. nagulat sya, hindi pinansin ng tao na ito ang katauhan nya, o yung mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya.

 

tinitigan sya ng Savior na to, mata sa mata.. at sa pagitan ng paghinga ay sumagot:

 

“Truly I tell you, today you will be with me in paradise.”

-Luke 23:43

 

tumulo ang luha.

 

napatawad na ako?

 

magnanakaw ako.

kilala ko yung sarili ko, halimaw ako!

pero, pero..

 

ssshhh… you heard that right.

 

Jesus is really Lord and Savior.

——————————

For I am not ashamed of the gospel, because it is the power of God that brings salvation to everyone who believes: first to the Jew, then to the Gentile.

Romans 1:16

 

..neither death nor life, neither angels nor demons, neither the present nor the future, nor any powers, neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God that is in Christ Jesus our Lord.

Romans 8:38b-39

 

The MOST DANGEROUS people The Enemy Has Ever Seen

Yes, the church.

Kasing tindi tayo nila Eugene, Alfred, Dennis at Vincent. Imagine, para tayong mga Ghost Fighters (Sorry Naruto, Goku and Luffy), pumupunta sa kabilang mundo ng mga halimaw para puksain ang kasamaan! at oo, yun yung purpose ni God sa atin, hindi para pumuksa ng halimaw, pero i-share ang Gospel na matagal ng tumalo sa lahat ng mga Taguro sa buhay natin (walumpung porsyentooo!), at oo, binigyan tayo ni God ng mga kasama para sa misyon na to. Sobrang exciting diba?!
The church[people of God] is the most threatening people the enemy will ever see.
 Ang gusto ko sabihin, ang dahilan kung bakit natin sila kasama, ay hindi lang para may kakulitan ka pag wala yung prof. mo o kaya kakuwentuhan pag bored ka o kaya hinihingian mo ng bente. These people will help you stand up, be strong, walk, run, jump, and fly in your relationship with God.
I just want to share the most dangerous people na kasama ko ngayon: MY LIFEGROUP.
J3.
MY LEADER. the man who taught me that God is BIG. 

REALLY REALLY BIG.

His own testimony blew me when I first heard it, kahit SINO KA PA, kahit NASAAN KA PA, kahit ANO PANG GINAWA mo, mahal ka ni GOD, at sobrang laki Niya na kaya Niyang icover lahat ng nakikita mo sa sarili mo. Kuya j3 would always speak to me words of encouragement everytime we would see each other, I warn you, the last sentence was deadly. Sa tuwing may encouragement na sasabihin sayo ang isang tao, maboblown-up ka, mararaamdaman mo mismo si God nasa harapan mo, maaalis ang mga stress mo. Kuya j3 would always teach us din that “God gives grace to the humble.” it’s not about ME, or US. never. its always about God who works through us. hindi naging magaling si God dahil sa mga ginagawa natin, No, it’s the other way around. God is great that’s why we can do many things.
CHUCK
Kapag may nakita kang naglalakad na nag-aapoy, siya yun. This man was soooo on FIRE! at sobrang transparent din niya, wait. that was dangerous. kapag transparent ang isang tao before God, His grace will just flow like a raging river in a person’s heart and He will be filled with the love of God. Kaya hindi nakakapagtaka na ang daming testimony ng tao na ito, 2 years ago, He went on a mission trip to share the Gospel. Kapag nag-usap kayo ng tao na to, malalaman mo nalang, na si God, sobrang lapit lang sa’yo. mas malapit pa sa hininga mo. Chuck simply enjoys God’s presence around him.
MJ
Laging swak ang pasok ng banat ni MJ. yung tipong hindi nakakatawa pero matatawa ka sa mga pinagsasabi niya kahit seryoso na pala siya. When we talk, I really felt God is moving in His life. Ito lang yung salita na makakapaglarawan sa kanya: PASSION. hindi downy.
HE just allowed GOD to move in HIS life.
Tapos malalaman nalang namin na umiiyak na pala kami kasi nararamdaman namin kung gano kagaling si God. it feels like your heart is melting when a special someone told you that He loves you. ganoon lang kasimple. He’s just overwhelmed by God’s love, which is a deadly key. When you realize how much God loves you. ay gosh, sumasabog.
GARFIELD

The man who always cherish GOD’S ULTIMATE PRESENCE. why is the sky blue? the grass green? bakit gumagalaw ang ulap? bakit hindi nakikita ang hangin? Garfield would always see God in His creation. amazing! sobrang simple. when you want to see God’s beauty, just look up, (o kaya pag bumabagyo, makikita mo rin yung patak ng ulan sobrang ganda!) God’s creation is His CREATIVITY IN MOTION. This man loves it. makikita mo ‘yun sa mga artworks niya at sa mga surreal niyang short stories. I love spending quality time with this guy, maglalakad lang kami, magkukwentuhan tungkol sa mga ginawa ni God at mararamdaman na lang namin yung overflowing love ni God within our hearts.
JERROM
I eat with him, I sleep beside him, He’s my classmate, in short, lagi kami magkasama. I am really amazed with this guy, because he is one of the most relational person I’ve ever seen. Halos lahat ng nasa college service kakilala siya (pati EGSI ba? hehe) pag hiniwa mo yung puso nito, you’ll see the word DISCIPLESHIP.

to LEAD one high school student to Christ, that EVENTUALLY turned OUT to be MORE THAN 20 HIGH SCHOOL STUDENTS. I love sharing time with this man, and lately, magkasama kaming naglalaro ng counter strike. point? God loves sharing time with you even in the simplest way. a big GOD is also a GREAT and AWESOME God.
JR
When God gave you a gift, fan it into flame. kaya makikita mo lagi nasa stage to, Bakit? God’s gift for JR is to glorify Him with his music. plucking, strumming, kahit ihampas mo sa kanya yung gitara, maayos niya pa ring matutugtog yun. pero hindi lang yun, this man loves to spends time with people. He simply loves the present time and enjoys it.
ENJOY GOD. enjoy EVERYTHING ABOUT HIM.

..that is what you will see in his life. He pours it out on the One the holds everything.
RJ
Call him Sharon, Willie Wonka, or whatever. usap lang kayo tapos mamaya maya bigla mo nalang malalaman na nagkakaroon na pala kayo ng revelations tungkol sa pagmamahal ni God. simple lang: mahal ka ni Jesus, and his transparency always changes the set-up. I discovered, na the more na totoo yung struggles, trials and problems natin sa buhay, ay proof lang na totoo lahat ng sinasabi ni Jesus. simple lang: mahal ka ni Jesus.
AARON
Bali.. bali ang galing ni God! ops ops. He’s not your ordinary tech guy. Tanggalin natin yun. He’s a warrior of God, at ang tunay na warrior, umiiyak sa harapan ni Jesus. no more, no less. God is so amazing in this man’s life. our growth in the Gospel does not depend on us, it depends on Him. Jesus be the center.
JEFF, CONS, JEREMIAH, CHAD, JAAY, NIKKO,TOLITS, PAUL, MC.
I had a lot to say, but this simple word describes them: BOND. the stronger the bond, the more it will not easily be broken. this people loves to walk with God, and are very humble, creative, and responsible people. God was so evident on their lives. ‘yung parang pag nakasalubong mo hindi mo aakalaing Kristiyano palang ‘tong mga to. hehe.
GOD is BIG. I am SMALL.
“and being small feels surprisingly good.”
-Louie Giglio. I AM NOT BUT I KNOW I AM.
the Bible says every child of God conquers the world, eh lalo na kaya pag nagsama sama tong mga to. how about you? who are the most dangerous people na kasama mo?
“By yourself you’re unprotected,with a friend you can face the worst. can  you round up a third? a three-stranded rope isn’t easily snapped.”
 -Ecclesiastes 4:12