Paano Magtapon ng Basura as Easy as 1, 2, 3!

Part 2 ito ‘nong una kong blog post tungkol sa pagtatapon ng mga basura ng puso natin, o in short pagko-confess kay Lord ng mga naging kasalanan natin. Pero na-realize ko na it’s not enough na mag-confess lang tayo kay God.  May nagsabi sa akin dati na,

If you confess your sins to God, guilt and shame were taken away, but if you confess to your accountable friends, there’s healing.

Lakas di’ba? Sabi sa James na i-confess daw natin ‘yung mga sins natin sa bawat isa at ipag-pray natin para ma-heal tayo. Healing saan? Para ma-heal ka emotionally at spiritually sa naging damages ng sin sa buhay mo. So paano ‘yung confession? Eh nakakahiya di’ba? Tapos “leader” ka pa. Pero kailangan eh, kasi unless you confess, paulit-ulit ka lang lagi sa cycle of sin na ‘yan at di mo mae-experience ‘yung power ng cross ni Jesus. Kaya heto ang 3 easy steps how to throw away the garbages of your heart:

1. The Struggle is Real.

First you have to admit that there is a struggle in your heart. Wag mo balewalain, walang ignore button para sa mga struggle. You have to face it. Ire-reveal naman ‘yan ng Holy Spirit sa’yo eh. ‘Yung ayaw mo na gawin ‘yung isang bagay pero patuloy mo pa ding nagagawa kasi na-fall ka sa temptation. Confront it face to face. Ipag-pray mo, ano ‘yung mga pumipigil sa’yo para maging sold out ka sa relationship mo with God? But remember, God already loved you kahit ano pang nagawa mo.

 2. Sabihin Mo Sa Kasalanan Na ‘Yan Break Na Kayo, Pak! Ganern!

So na-identify mo na ano ‘yung mga bagay na  dapat mong i-surrender kay Lord. This time, you have to decide. Look at the dirtiness of your sin. Tignan mo ‘yung mga nagawa nitong damage sa buhay mo at sa buhay ng mga taong malapit sa’yo. Kitams? Halukatin mo na ‘yung puso mo, kahit gaano kaliit na kasalanan, ilista mo na, sabi sa Proverbs, it’s the little foxes that ruins the vineyard. I-confess mo na muna kay Lord. Let His love saturate you and cleanse you from the sin na nagawa mo.

3. Tag Mo ‘Yung Mga Kaibigan Mong Di Ka Iiwan

This is the bloody part. I-open up mo na sa mga accountable friends mo na ‘yung mga nagawa mo. Yup. Gaano man kapangit ‘yan. Unless you confess kasi, the stronghold of the enemy will be there. Kumbaga, may kapit pa. Tama na. Itigil mo na ‘yung cycle ng sin sa buhay mo. You’re not made for that. So it’s one way to destroy the work of the enemy in your life, by confession. Ask them to pray for you. Wala namang perfect sa atin, kaya lahat tayo nangangailangan ng accountable people to stand side by side with us on this thing called life. In our vulnerability and weakness, the Cross is powerful. Jesus is powerful enough to destroy that bondage, that sin. Jesus is enough.

Lastly, I believe that God’s grace is sufficient in every situation. I believe din na doon pa lang sa unang part nang pag-aadmit ng struggle natin, nagwowork na ‘yung Holy Spirit. In fact, Siya yung nagpapa-realize sa atin ng mga nagawa nating mali at Siya din ang nag-oopen ng eyes natin sa truth. The truth that He loves us unconditionally and there’s nothing, absolutely nothing, that will separate us from His love.

But if we walk in the light, as he is in the light, we have fellowship with one another, and the blood of Jesus his Son cleanses us from all sin.

-1 John 1:7

 

Advertisements

Hindi Bawal Magtapon Ng Basura

“Anong laman ng basurahan niyo?”

Weird na tanong di’ba?

Pero siyempre hindi mo isasagot na sa basurahan mo nilalagay ang toothbrush mo, o kaya ‘yung mga damit mo. Dahil ang tanging laman ng basurahan ay basura.

Mga pinagkainan.

Mga bote, plastik, at karton.

Mga walang laman na sachet ng shampoo, conditioner, at detergent powder.

Mga pinunit mong sulat sa’yo ng ex mo.

Noong nakaraang linggo, naging pabaya ako sa pagtatapon ng basura. Dumadaan ang trak ng basura sa labas ng bahay gabi-gabi kada alas nuebe-imedya (9:30PM), ang mga oras kung kailan masarap manood ng teleserye o maglaro ng pokemon o kahit ano basta nakakatamad lumabas at magtapon.

‘Yung isang malaking garbage bag namin, naging dalawa. Lagi ko sinasabi sa sarili ko na “Hindi, mamayang gabi magtatapon na talaga ako.” tapos hindi ko magagawa kaya matatambak na naman ang panibagong garbage bag kinabukasan. ‘Yung dalawang garbage bag, naging tatlo. Apat. Lima. Hanggang sa bumaho na ‘yung likuran ng bahay namin at may mga *gulp* puting uod na yung basurahan. Totoo. Gumagapang gapang pa.

Nakakadiri. Nakakasuka. Ganu’n pala nangyayari kapag pinabayaan mo ang basura na dapat matagal mo nang itinapon.

Naramdaman mo na din ba ‘yung ganito sa walk mo with God? Na ang dami dami mong hinohold back kay Jesus na dapat sinurrender mo na, kasi basura ‘yun, pero di mo ginagawa kasi baka..

a. Natatakot ka.

b. Nahihiya ka o kaya;

c. Makapal na ‘yung kalyo ng puso mo kaya di mo maramdaman si God.

Kaya ang bigat ng feeling mo ngayon. Parang may burden kasi di mo ma-let go. Di mo maitapon. Na-realize ko ang effect kapag di tayo nagtatapon ng basura ng puso natin, o sa ibang salita, kung di tayo nagrerepent kay God at sinusurrender ‘yung mga bagay na dapat nang isuko. Lumalaki lang lalo ‘yung sin. Bumabaho. Nagkaka-uod.

Binigyan naman tayo ni Lord ng promise na “If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.” (1 John 1:9) sa pagtatapon ng mga basura natin sa puso.

Sige na, wag ka na matakot o mahiya. Alam naman ni Lord ang lahat at kilala ka Niya. Magtapon ka na, hindi naman bawal.

Hindi Ka Na-Orient? (An Open Letter To All YPs)

Night lights. Smoke machine. Loud music. Word of God. Sarap sa youth service ‘no? Tapos fellowship hanggang to the ends of the earth. Bonding sa mcdo market, mcdo 32nd, mcdo forum, mcdo kidzania, mcdo aura, mcdo forbes. Tapos sharing na ‘yan. Sarap maging parte ng spiritual family ‘no?

Tapos grumaduate ka na. Nag-apply. Nagkatrabaho. Monday to Friday. 8AM-5PM. Minsan may OT pa. Minsan na lang maka-check ng phone at Facebook kasi busy sa deliverables. Uuwi ka na lang. Kakain. Magbabasa ng Bible. Tutulog. Sabado, gusto mo munang magpahinga. Ops, teka, may youth service nga pala!

Dumaan ang ilang linggo at buwan. Pakiramdam mo hindi ka na masyado nakaka-relate sa mga naririnig mo, parang masyado nang pambata. Medyo dumadami na din ang mga bagong mukhang nakikita mo.  Mapapatanong ka na lang sa sarili mo, “Teka, di yata ako na-orient na ganito pala ang mangyayari ah?”

53706502

Kung isa ka sa mga naka-relate sa mga nabasa mo sa itaas, malamang isa ka siguro sa mga dumadaan sa adjustment season ng pagiging young pro. Oo, ikaw muna ang kausap ko sa post na ito. Hindi mo kailangan maging awkward sa youth service o sa mga leaders nito dahil lang sa hindi ka na nakaka-relate sa kanila. Kaya kung hindi ka nila nasabihan ahead of time o na-orient, ito ang dalawang malaking bagay na natutunan ko sa bagong season ng pagiging young pro, na pwede mo tandaan as you go into your new season of life. Relax, hinga malalim. Fasten your seatbelt.

  1. God is still the center & the master of my new season, and He is in control.

Hindi mo kailangan mag-panic dahil hindi mo na madalas nakakasama ‘yung mga friends mo sa service. May sarili silang buhay kay Lord at ganun ka rin. Wag ma-insecure kapag nakikita mo ‘yung mga Facebook post nila na may hashtag na #SaturdayBondingWithMenOfGod #QualityTimeWithPrincessesOfGod #UsapangCrush #Saya #Enjoy . May sarili silang buhay kay Lord at ganun ka rin. May nagbago ba sa relationship mo kay Lord ngayon na young pro ka na? Kristiyano ka pa din naman di’ba? So okay lang ‘yan. Si Lord pa din naman ang sine-serve natin kahit nasaang season man tayo. At tsaka, being a YP is a gift. Tignan mo:

Mga benefit ng pagiging YP:

  1. May sarili ka nang sahod, di ka na hihingi kay mother earth ng pang-starbucks at pampanood mo ng mga pelikula ni John Lloyd.
  2. New learnings sa bagong environment sa workplace.
  3. Dahil may sarili ka nang sahod, pwede ka mag-invest sa mga nili-lead mo na youth at sasabihin mo sa kanila ang super legendary line na “Bro, someday gagawin mo din ‘to sa iba.” Ma-iinspire mo din sila na someday kapag nagtrabaho na sila, magiging blessing din sila at;
  4. Pwede ka na mag boyfriend/girlfriend. (Joke lang)

 

Kitams? At ang pangalawa..

  1. Being a Young Pro is a season to seek God for your calling.

Kung nako-confuse ka kung saan ka na pupunta ngayon, pwede mong gamitin ang season ng pagiging YP mo to seek God kung saan ka nga ba Niya tinatawag. Called ka na ba mag-transition sa adult service? Called ka ba mag-full time ministry? Called ka pa din ba to invest sa youth? Kung nahihirapan ka pa sagutin ‘yan sa ngayon, okay lang ‘yan. May grace si Lord para sa’yo at para i-direct ka Niya sa calling mo. Bakit? Para hindi tayo naii-stuck up. Para hindi natin nami-miss out ‘yung purpose ni God sa season natin ngayon. Walang pinagkaiba ang pagiging called sa ministry sa pagiging called sa corporate world. Lahat ng calling, holy.

Sana nakatulong ang post na ito sa’yo at sa bagong season mo. Kaunting adjustment lang ‘yan. Hindi ka pababayaan ni Lord. At ang prayer ko, kung saan ka man ilagay ni Lord, masasabi mo na “I’m grateful I’ve been part of the youth ministry.” Baka sa susunod, ikaw na ‘yung sinasabi nila na, magbabago ng mundong ginagalawan mo.

“Therefore I, the prisoner of the Lord, implore you to walk in a manner worthy of the calling with which you have been called.”

-Ephesians 4:1

Faith Sessions

1409300904144

I’m taking this blog to the next level! Faith Sessions is a blog series where I will feature testimonies and life stories of people who encountered Jesus and were radically changed-inside and out. I just realized, after watching Heneral Luna, that stories like that are meant to be shared. Oo, kailangan na marinig ng generation natin ang love story ni God para sa’tin!  At gagamitin kong platform itong blog ko para ikuwento ang buhay nila. Exciting ba? I’ll be posting new stories every Thursday night!

Bakit?

Kasi, “We live by faith, not by sight.” -2 Corinthians 5:7

Anong Hanap Mo?

Happy new year! 2015 na pala. at meron akong bagong discovery sa wordpress. ang search terms! ito yung mga terms na sinesearch sa internet tapos ang lumabalas sa resulta sa google ay yung blog mo. heto ang ilan sa mga nakita ko sa search terms ko.

1. teletubbies

hindi ko alam kung bakit ito ang top search term. 

2.radical love lyrics

hehe ay sorry. walang lyrics dito. google mo na lang ulit.

3. dennis ghost fighter ang tunay na katauhan ni dennis

ito ang katotohanan: lalaki siya.

4. ano ang reaksyon mo kapag hindi mo kontrolado ang sitwasyon

ganito.

gulat

5. hu u ka sakin

hu u ka din! 😦

6. ang pag-ibig ko sayo ay parang

oatmeal. good for your heart.

7. posible bang mag move on ng hindi nagiging bitter?

hindi. stay bitter. forever. haha joke lang. syempre posible.

8. paano kung may lihim palang pagtingin sayo ang barkada mo

patay tayo diyan!

9. paano ba malalaman kung ano ang calling sayo ng lord

mag-usap kayo ni Lord. 🙂

10. totoo bang mahal ako ni hesus

oo! maniwala ka!

11. pano maibabalik ang taong backslider

ipag-pray natin siya. at ilibre natin ng mcfloat.

12. nacondemn?

romans 8:1 

13. istorya ng buhay kung saan nakabangon ka sa iyong nakaraan

MMK. Every saturday. ABS-CBN.

14. hinahabol kita dahil mahal kita.quotes

eto.

boy banat

15. mapanlinlang ang puso

oo. nalinlang ka na din ba niya?

16. paano gawing kakaiba ang araw ko

gumapang ka lang ngayong araw parang si spiderman.

17. pabalik ka palang sa kaniya tumatakbo na sya

awts. sakit niyan. </3

18. anong verse ba yun malapit ng lord sa broken hearted?

psalm 34:18 🙂

19. pag-ibig,sex story

what?!

20. kasi pornography

what?!

21. paano mag quiet time?

basa ka ng bible. tas pray ka. 🙂

22. kumanta si matthew kay grace

nice one matt. nice one.

23. ano ang fatherless

walang tatay..?

24. bakeeet

bakit ka kasi umibig sa basagulero?

25. nakakamatay ba ang paglalaslas

oo. kaya wag mo na ituloy. 

26. alamin ang bagong pag ibig para sa mga broken hearted ngayong october 2014

uhmm. hindi po ito horoscope..?

27. nakakakilig na mga bible verses

romans 5:8, ephesians 2:4-5, romans 8:37-39, zephaniah 3:17, psalm 86:15

28. 2014 songs para sa mga umasa

Hinahanap ng puso. Gloc 9.

Iyan at marami pang iba. nakakatuwa man ang mga ito, pero isa lang ang narealize ko: magbago man ang taon, people are still searching. people are still looking for something. people are still searching for answers. people still have questions. At sunod na narealize ko: kung hindi tayo tatakbo kay Jesus, hindi natin makukuha ang tamang sagot. Kasi MADALAS, sobrang distracted na tayo sa mga bagay na gusto natin gawin at gusto natin makuha at gusto natin ma-achieve at sa mga bagay na pinagpepray natin na nawawala na si Jesus sa puso natin, na hindi na Siya yung nagiging desire natin.

Talking about the authenticity of our faith, Ano ang hanap mo?

Happy new year ulit. Have a great 2015. 🙂

I Hate Being OK.

Okay.

“Bro, kamusta?” Tanong sa akin ni Kuya James.

“Ahh. OK lang naman.” sagot ko.

Hindi siya kuntento sa sagot ko, parang ‘yung itsura mo kapag nagpa-load ka ng P50 tapos P30 lang yung dumating, “Paanong OK? Ok na hindi, o OK na maayos naman?” tanong niya.

Nahirapan ako sumagot, sabi ko, “OK na sakto lang.”

Napaisip ko, bakit ako nahihirapan sumagot? At na-realize ko, dahil:

  1. Takot ako malaman niya na hindi talaga ako OK.
  2. Nagli-lead na ako kaya dapat maging OK ako.
  3. Hindi ako nag-quiet time kanina, nagbasa lang ako ng Diary ng Panget.

Kaya napatanong ako, “Ano namang problema kung hindi ako OK?”, at tinuro ng Holy Spirit ang sagot, kasi insecure ako. Na-iinsecure ako sa mga tao, kaya dapat I have to look good, I have to be the best, pero deep inside, hindi na pala ako nag go-grow.

”It is for freedom that Christ has set us free! Stand firm, then, and do not let yourself be burdened again by a yoke of slavery.”

-Galatians 5:1

Kadalasan alam na natin na pinalaya na tayo ni Jesus, pero hindi natin alam kung saan tayo naka-stand. Bakit? Kasi “OK lang” tayo.

Figure 1

Katulad ng graph sa itaas, as the time goes by, our passion and God’s lordship in our lives grow as well. Pero at a certain point, tumitigil na yung pag-grow ng passion at Lordship ni Jesus sa buhay natin. Kelan nangyayari to? Kapag nagiging “OK lang” tayo. OK lang sa lugar kung nasaan tayo, komportable naman e.

Kasi minsan alam na natin lahat. Alam na natin kung paano ngumiti, paano mag-pray, mag-encourage, magstatus ng bible verse sa facebook, mag-lead ng small group, mag-facilitate ng one2one, alam na natin kung paano laruin ang lahat. Alam natin ang chapter 1 to 3 ng one2one pero hindi natin ‘to na-e-experience.

Pero good news: Hindi mo mapepeke si Jesus.

Heto ang natutunan ko: Kapag mas nagiging totoo tayo sa mga struggles at sa sarili natin, mas nagiging totoo din ang pag-ibig ni Jesus sa atin, mas totoo pa sa hininga mo ngayon.

Eh ano kung may mga oras na hindi tayo OK? It does not define us. The Cross defines us. We are all a work in progress, and you and I are going to fight this good fight of faith.

Anong pipiliin mo, ang mamuhay ng nagtatago sa “safe” na maskara ng peke mong pagiging kristiyano, o ang mamuhay sa freedom at shameless life under God’s unconditional love?

God loves real and imperfect people. He loves Martha, Zacchaeus, Nicodemus, Peter, John, Paul, Cholo, Bethel, Paolo, Randy, Amira, Sacha, Jerrom, Au, Marize, Grace. He loves you.

To lead is to follow, and to follow is to be real.

To lead others is to follow Christ, and to follow Christ is to be real.

“But, “Let him who boasts boast in the Lord.”

-2 Corinthians 10:17

P.S.

Dahil sa Cross ni Jesus, you can now be real! Yey! Heto ang ilang practical ways na maaaring makatulong sa’yo sa step of faith na ito:

  1. Get a small group of people or a lone accountable person whom you can be accountable with.
  2. Be honest with yourself and to God during your quiet times, and ask Him to point things in your life that you need to surrender to Him.
  3. Ask grace (His undeserved favor) and receive grace. Yes! Because you are His son/daughter! And let His grace change you.

 

Scratch

I’m writing this for future purposes. This is written to establish this blog’s purpose and identity. Nagsimula akong magkuwento last year na puro kadramahan at Gospel at kadramahan at Gospel at kadramahan sa mundo. Binura ko na ang ibang post sa personal na kadahilanan. Sa kasamaang palad, may kopya si Amira ng mga ‘to na pwede mo pa mabasa.

Heto ang mga ilang bagay tungkol sa blog na ‘to:

1. Why I write what I write.

This blog is a tool being used to share the Gospel to the next generation. Minsan ang mga current issue sa Christianity ay napag-uusapan din dito. 90% ng blog na ito, kausap ko ang kabataan kaya makakabasa ka ng mga salitang “Boom Peyns!” at “OK lang yan Beh, move-on na tayo.” at makakakita ka ng mga retrato katulad ng:

GGTFTFZPitch Perfect

2. Gospel-centered theology versus personal opinion and experience.

Sa blog din na ‘to nagkukuwento ako ng mga personal kong karanasan at mga naiisip at nararamdaman. Pero hindi sa punto na natatakpan na si Jesus. This is still about God, His glory, and His love. Kaya kahit may mga personal na istorya, tinitignan pa din natin ano nga ba ang sinasabi ng Bible sa isyu na to o ano ang sinasabi ng Bible sa atin ngayon. It’s my hope and prayer for us, and I try my best to keep this blog Gospel-centered.

 

3. Not Perfect. Just Forgiven.

You’ll get to see a lot of transparent stories here as well. People who have failed but found love and forgiveness in Jesus. You see, If we become real to our pains and struggles, the love of God through Jesus is also becoming real to us. Mas totoo pa sa hininga mo ngayon.

 

4. Disclaimer.

I do not own any images or videos that is being used in this blog, except the personal ones . The copyright still remains to the source.

 

5. Ghost Fighter.

Ginamit kong display photo si Eugene ng Ghost Fighter dahil, uhmm, style ko lang. hehe