Paano Magtapon ng Basura as Easy as 1, 2, 3!

Part 2 ito ‘nong una kong blog post tungkol sa pagtatapon ng mga basura ng puso natin, o in short pagko-confess kay Lord ng mga naging kasalanan natin. Pero na-realize ko na it’s not enough na mag-confess lang tayo kay God.  May nagsabi sa akin dati na,

If you confess your sins to God, guilt and shame were taken away, but if you confess to your accountable friends, there’s healing.

Lakas di’ba? Sabi sa James na i-confess daw natin ‘yung mga sins natin sa bawat isa at ipag-pray natin para ma-heal tayo. Healing saan? Para ma-heal ka emotionally at spiritually sa naging damages ng sin sa buhay mo. So paano ‘yung confession? Eh nakakahiya di’ba? Tapos “leader” ka pa. Pero kailangan eh, kasi unless you confess, paulit-ulit ka lang lagi sa cycle of sin na ‘yan at di mo mae-experience ‘yung power ng cross ni Jesus. Kaya heto ang 3 easy steps how to throw away the garbages of your heart:

1. The Struggle is Real.

First you have to admit that there is a struggle in your heart. Wag mo balewalain, walang ignore button para sa mga struggle. You have to face it. Ire-reveal naman ‘yan ng Holy Spirit sa’yo eh. ‘Yung ayaw mo na gawin ‘yung isang bagay pero patuloy mo pa ding nagagawa kasi na-fall ka sa temptation. Confront it face to face. Ipag-pray mo, ano ‘yung mga pumipigil sa’yo para maging sold out ka sa relationship mo with God? But remember, God already loved you kahit ano pang nagawa mo.

 2. Sabihin Mo Sa Kasalanan Na ‘Yan Break Na Kayo, Pak! Ganern!

So na-identify mo na ano ‘yung mga bagay na  dapat mong i-surrender kay Lord. This time, you have to decide. Look at the dirtiness of your sin. Tignan mo ‘yung mga nagawa nitong damage sa buhay mo at sa buhay ng mga taong malapit sa’yo. Kitams? Halukatin mo na ‘yung puso mo, kahit gaano kaliit na kasalanan, ilista mo na, sabi sa Proverbs, it’s the little foxes that ruins the vineyard. I-confess mo na muna kay Lord. Let His love saturate you and cleanse you from the sin na nagawa mo.

3. Tag Mo ‘Yung Mga Kaibigan Mong Di Ka Iiwan

This is the bloody part. I-open up mo na sa mga accountable friends mo na ‘yung mga nagawa mo. Yup. Gaano man kapangit ‘yan. Unless you confess kasi, the stronghold of the enemy will be there. Kumbaga, may kapit pa. Tama na. Itigil mo na ‘yung cycle ng sin sa buhay mo. You’re not made for that. So it’s one way to destroy the work of the enemy in your life, by confession. Ask them to pray for you. Wala namang perfect sa atin, kaya lahat tayo nangangailangan ng accountable people to stand side by side with us on this thing called life. In our vulnerability and weakness, the Cross is powerful. Jesus is powerful enough to destroy that bondage, that sin. Jesus is enough.

Lastly, I believe that God’s grace is sufficient in every situation. I believe din na doon pa lang sa unang part nang pag-aadmit ng struggle natin, nagwowork na ‘yung Holy Spirit. In fact, Siya yung nagpapa-realize sa atin ng mga nagawa nating mali at Siya din ang nag-oopen ng eyes natin sa truth. The truth that He loves us unconditionally and there’s nothing, absolutely nothing, that will separate us from His love.

But if we walk in the light, as he is in the light, we have fellowship with one another, and the blood of Jesus his Son cleanses us from all sin.

-1 John 1:7

 

Hindi Bawal Magtapon Ng Basura

“Anong laman ng basurahan niyo?”

Weird na tanong di’ba?

Pero siyempre hindi mo isasagot na sa basurahan mo nilalagay ang toothbrush mo, o kaya ‘yung mga damit mo. Dahil ang tanging laman ng basurahan ay basura.

Mga pinagkainan.

Mga bote, plastik, at karton.

Mga walang laman na sachet ng shampoo, conditioner, at detergent powder.

Mga pinunit mong sulat sa’yo ng ex mo.

Noong nakaraang linggo, naging pabaya ako sa pagtatapon ng basura. Dumadaan ang trak ng basura sa labas ng bahay gabi-gabi kada alas nuebe-imedya (9:30PM), ang mga oras kung kailan masarap manood ng teleserye o maglaro ng pokemon o kahit ano basta nakakatamad lumabas at magtapon.

‘Yung isang malaking garbage bag namin, naging dalawa. Lagi ko sinasabi sa sarili ko na “Hindi, mamayang gabi magtatapon na talaga ako.” tapos hindi ko magagawa kaya matatambak na naman ang panibagong garbage bag kinabukasan. ‘Yung dalawang garbage bag, naging tatlo. Apat. Lima. Hanggang sa bumaho na ‘yung likuran ng bahay namin at may mga *gulp* puting uod na yung basurahan. Totoo. Gumagapang gapang pa.

Nakakadiri. Nakakasuka. Ganu’n pala nangyayari kapag pinabayaan mo ang basura na dapat matagal mo nang itinapon.

Naramdaman mo na din ba ‘yung ganito sa walk mo with God? Na ang dami dami mong hinohold back kay Jesus na dapat sinurrender mo na, kasi basura ‘yun, pero di mo ginagawa kasi baka..

a. Natatakot ka.

b. Nahihiya ka o kaya;

c. Makapal na ‘yung kalyo ng puso mo kaya di mo maramdaman si God.

Kaya ang bigat ng feeling mo ngayon. Parang may burden kasi di mo ma-let go. Di mo maitapon. Na-realize ko ang effect kapag di tayo nagtatapon ng basura ng puso natin, o sa ibang salita, kung di tayo nagrerepent kay God at sinusurrender ‘yung mga bagay na dapat nang isuko. Lumalaki lang lalo ‘yung sin. Bumabaho. Nagkaka-uod.

Binigyan naman tayo ni Lord ng promise na “If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.” (1 John 1:9) sa pagtatapon ng mga basura natin sa puso.

Sige na, wag ka na matakot o mahiya. Alam naman ni Lord ang lahat at kilala ka Niya. Magtapon ka na, hindi naman bawal.

Hindi Ko Ma-Feel si Lord, Help!

Na-realize ko na meron tayong mga ilang kinatatakutan bilang isang Kristiyano:

  1. Magkasala.
  2. Ma-reject ng mga kaibigan o pamilya dahil sa relationship kay Lord.
  3. Walang mag-like sa pinost na astig na quote sa Facebook.
  4. Hindi makita ang crush na worship leader sa service.

facebook15

Ilan lang yan, pero wala na yatang mas titindi pa sa pinakakinatatakutan ng lahat:

Ang hindi ma-feel si God.

Ewan ko pero nasabi mo na din ba ‘yan one point in your life? ‘Yung tipong hype na hype ang faith mo at on fire ka kay Lord (‘yung iba mong kaibigan nakikita ka nang lumiliyab minsan), tapos isang araw, hindi mo alam bakit bigla ka na lang nakaramdam ng kakaibang emosyon. Tinatamad ka mag-quiet time. Tinatamad ka mag-pray. Masarap muna mag sarili, bumalik sa dating gawi. Hanggang sa nababaling na ‘yung atensyon mo sa ibang bagay, hindi na kay Lord. Tapos pagkagising mo isang araw, wala na ‘yung passion mo kay Jesus.

Nalungkot ka. Na-frustrate. Na-disappoint sa sarili mo.

Kaya sinubukan mong ibalik ang lahat sa dati: basa ng Bible, dasal, dasal, dasal, nood ng God’s Not Dead at The Encounter ng apat na beses, maging full time volunteer sa church from 3PM-8PM, magpost ng Bible verses sa Facebook, etc.

Pero wala. Empty pa din ‘yung emotions mo. Naging religious ka lang.

Mas lalo kang na-frustrate, kasi for some reason, hindi mo ma-feel si God. As if kaya nating ikahon si Lord at diktahan base sa emosyon natin.

So pag di natin ma-feel si Lord, hindi na din natin Siya kasama? Pag cold ka, wala na ding sense ‘yung cross Niya?

Buti na lang lumapit sa’yo ang isang kaibigan at ni-remind ka na God is always greater than what we feel. Nanlalamig ka man kay Lord dahil may pinagdadaanan ka ngayon na season, wag agad mag-panic. Wag mo na ulitin ‘yung mga ginawa mo dati.

Di mo kailangan ma-frustrate sa sarili mo. You are still loved, accepted and pursued kahit ano man ang pinagdadaanan mo ngayon.

Hinga malalim. Pray ka lang. Hayaan mong yakapin ka ni Lord sa gitna ng coldness ng puso mo ngayon. Hayaan mong iguhit Niya ang ngiti sa labi mong matagal na ding nawala. Mag-surrender kung meron mang kailangang isuko. Mag-tiwala sa grace Niya. Magtiwala na alam Niya kung nasaan ka ngayon.  The Cross declares it is done. Hindi mo na kailangan mag-perform.

Ano pa ang dapat katakutan? Ano pa?

For whenever our heart condemns us, God is greater than our heart, and he knows everything.

-1 John 3:20

Tama Na Ang Drama!

2 years ago, naisulat ko ang blog na “Dito ka magmove-on” para sa mga taong may matinding pinagdadaanan dahil nakakalimutan nila ang purpose nila.

https://heislessthan3.wordpress.com/2013/06/05/dito-ka-magmove-on/

88888

At isa ko sa mga tao na ‘yun. Kung hindi dahil sa grace ni Lord at sa pagmamahal Niya, siguro patapon na talaga ‘yung buhay ko. Na-experience ko ang healing na binigay ni Lord sa akin, pero hindi ko sinasabi na fully healed na ko, kasi healing is a process, at araw-araw dumadaan tayo sa  mga scalpel ng Great Physician. Healing saan? Sa unforgiveness, insecurities, pride, at brokenness. Wala akong nakitang naging strong christian na petiks ang buhay, lahat dumaan sa matitinding hardship. Nag-aasam ka din ba ng healing at freedom sa buhay mo? ‘Yung talagang napapaiyak ka na lang sa gabi dahil paulit-ulit na lang ‘yung struggle mo? Pwes, para sa’yo to.

Pero bago ang lahat tandaan mo na,

Hindi bingi si God. Hindi Siya bulag. Alam Niya lahat. Kilala ka Niya. Hindi Siya napapagod, at kailanman hindi Siya tumigil na mahalin ka.

Heto ang ilan sa mga bagay na narealize ko sa mga panahon na ‘yun dati:

Jesus makes the broken beautiful.

Sabi ni Alyssa Joy Bethke, “If I had really believed that God loved me. If I had really believed that God pursued me and wanted me regardless of what I looked like, what I did, or what I didn’t do, I think I would be drastically different.”

See? Iba mag-isip si Jesus. Iba. Sobrang iba. Kahit ako na ‘yung mali, Siya yung unang nanuyo para bumalik ako sa Kaniya. At tinatawag Niya pa din akong anak. At kahit na ang messed-up ko na, kahit na ang pangit na ng tingin ko sa sarili ko, He is there to make the broken beautiful.

Duct tape won’t fix anything.

Kahit kailan hindi naging solusyon ang magtago. Hindi sagot ang magagandang facebook status na madaming likes. Hindi solusyon ang maging peymus o magkaroon ng maraming kaibigan. Healing comes when we stop covering up ourselves, and start running to Jesus. Last February, napunta ako sa ER ng isang ospital dahil sa matinding atake ng asthma. Sobrang sikip nang paghinga ko na parang bibigay na ‘yung baga ko. Lumapit sa’kin ‘yung doktor, chineck ang breathing ko, at binigyan ako ng isang round ng ipra-salbutamol, pagkatapos ng 40 minutes,  chineck niya ulit ‘yung breathing ko at tsaka niya sinabi na “tsk. tsk. hindi pa clear ang pathway ng breathing mo. isang round pa.” pagkatapos ulit ng 40 minutes, bumalik siya at chineck ang breathing ko. hindi pa din daw clear ang pathway. isa pa ulit na round. hanggang sa nakalimang round ako, bago tumino ‘yung paghinga ko.

Parang si Jesus. Parang sinasabi Niya na, “Tsk. tsk. barado pa ang buhay mo anak. ang dami pang sins at idolatry. isurrender mo na ‘yan? oh eto ‘yung cross, ‘yung gospel, tanggapin mo. mahal na mahal kita.” stop running. stop covering up. let Him embrace you.

Forgiveness is free. And it’s for you.

To forgive the person who hurt you is to finally free yourself from bitterness and anger. To forgive yourself from the wrong things you have done is to free yourself from guilt and shame. The chains have been broken sa cross. You are no longer defined by your past or by any other person. No. You are now defined by Jesus, by His love. Ang galing ‘no? Wala nang hold sa’yo yung past o yung mga taong nanakit sa’yo dahil ngayon na kay Jesus ka na. And this is not easy. Jesus is the one who enables us to forgive. Kasi kung base lang sa strength natin, hindi natin kaya. Gusto mo makarinig ng isang story? Heto.

And lastly, this.

May forever.

Oo. Kaya tama na ang drama. God loves you so much. You are more than who you think you are! You are loved, forgiven, and accepted. Drop the act. Tanggalin mo na ‘yung maskarang matagal mo nang sinusuot kapag lumalabas ka ng bahay. The cross declares it is done. Ngit na, mahal ka kaya ni Lord!

Aldub-Movie-Yaya-Dub-Alden-Film

I met Junize tonight

Teary-eyed. We need radical stories like this.

one step at a time

Pauwi ako galing sa fellowship with the Team Vision. Sobrang fired up ako sa mga plans namin and plans ni God sa buhay namin to the point na nagutom ako. Buti na lang may madadaanan akong tindahan ng pizza, sabi ko sa sarili ko. Mag isa na lang akong naglalakad pauwi, dumaan ako sa stall ng Pizza Hut para bumili ng pizza. Thank God sa 2-in-1 nila.

Pagkakuha ko ng pizza ko, naisip ko na agad na dadaan ako sa area na may nangunguha ng pagkain pauwi, kaya tinago ko agad yung pizza ko. Habang naglalakad, may nadaanan akong namamalimos. Siya yung usual na nakikita kong namamalimos. Hindi ko alam kung bakit pero sa heart ko ayaw kong magbigay, parang may nagwiwithhold sa akin. Sabi ko sa sarili ko, “..pero gusto kong magbigay.” Pero parang may nagsasabi sakin na huwag. Natalo ako ng boses na yun. At kahit konti palang…

View original post 832 more words

Everyday I Die.

Ang gusto ko sa pagbablog ay mas tinuturuan ako nito maging transparent sa mga bagay-bagay. hehe eto ang isa sa mga ‘yun. Because i am sick and tired of people covering things up, na hindi naman talaga yun ang totoo. To my surpise, ako pala ‘yun. i am tired of myself pala. i want nothing but Jesus. i want everything of Jesus.

beautiful-tumblr-photos-205034-421158-475-316

Hanggang sa pina-realize sa akin ni Lord na ang nakakaharang pala sa growth ko sa Kaniya ay ang sarili ko. Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong maabot at maachieve, ni hindi ko na nga naririnig ano ba yung gusto Niya sa buhay ko. Tsaka Niya ako ibabalik sa lugar kung saan kami unang nagkita, sa brokenness ko. At ipapakita Niya sa akin na brokenness is beautiful.

I’ve learned a lot through my painful failures.

At naisip ko na, minsan kapag hindi mo na chine-check yung heart mo at hindi mo na chine-check yung walk mo with God, prone ka sa self-deception.

Akala mo okay ka, pero hindi.

Hindi ko alam if you can identify with me pero minsan ang judgmental ko sa mga wala pang relationship kay Jesus, minsan ang judgmental ko din sa mga christian. Naiinis ako minsan sa mga kapwa ko leader. Bakit? Dahil ‘yung mali na nakikita ko sa kanila, ay yung parehas na mali na hindi ko napapansin sa sarili ko.

And it breaks my heart to know all of this. I realized then, grace lang ni Lord makakabago nito. Holy Spirit na lang ang may kakayahan para baguhin to.

Itong traydor kong puso.

Pero.

Here’s the irony of the story.

Jesus says He loves me kahit na nakakainis na yung mga struggle ko. Kahit mukha na kong ewan kakaiyak dahil paulit-ulit na lang yung tumutusok sa puso ko. Kahit na minsan nakakabaliw na hindi ko na maintindihan ‘yung sarili ko. Sabi nya, mahal Niya pa din daw ako. I guess you would never know true love unless you experience it firsthand. My goodness. Nakakatunaw.

If you’re a human, that’s a hard pill to swallow. I can’t even chew the thought.

The Bible calls it, yes, grace.

Heto pa ang isang plot twist.

Kung sinabi Niya na mahal Niya ako. Then, totoo din ‘yung iba Niyang mga sinabi at ipinangako.

Na broken na yung chains.

Na may freedom na talaga ako.

Na dumugo man ako, ito ay para sa aking ikabubuti.

Na hawak Niya na yung kamay ko,

at hindi na kami maghihiwalay pa.

That is why masaya ako to take up my own cross everyday just to follow Him. If carrying my cross means to be broken, to be empty, and to die.

It will be joyful. Because in my brokenness, I am beautiful.

“I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me.”

-Galatians 2:20

And everyday, yes, I die to myself. Because in Him, I live.

tumblr_mkg0llWYcM1rbopkso1_500

Wala Akong Maisip Na Title Nito, So Yeah, Tungkol Pa Din Naman ‘To Kay Jesus.

Nakakita ka na ba ng heart surgery? Ako hindi pa. At parang ayaw ko makakita.

Heart Surgery

At hindi na rin ako magpo-post ng totoong litrato ng inooperahan na puso.

Pero one thing is for sure.

It’s bloody.

It’s messy.

It’s painful.

‘Yan ang process ni God sa ating mga anak Niya na kung tawagin ay “sanctification”. To sanctify means to set apart, to purify, to cleanse. Jesus is the Great Physician, and He is in the process of purifying us.

May pinapa-surrender ba Siya sa’yo ngayon?

May tinatanggal ba Siya sa buhay mo ngayon?

May dine-delay ba Siya sa season mo ngayon?

Nasasaktan ka ba sa ginagawa Niya ngayon?

Ahh oo, ang tawag diyan, open heart surgery. Bubuksan ng Holy Spirit ang buhay mo, hahalughugin ito, at i-eexpose ang mga basura sa puso mo. Direkta Niyang ipo-point out at sasabihin, “anak, nabe-break ang puso Ko sa bagay nito, hindi Ako nito nago-glorify. Isuko mo na. Tara na.” That’s what the Gospel does, it directly confronts everything in our lives.

“The cross is offensive, because it directly confronts the evils that dominate so much of this world.”

-Billy Graham

There will be a time that we’ll be knocked down on our knees. We will cry in pain. We will mourn the loss. Even the strongest and most courageous warrior cries at the feet of his Commander. Until we see that apart from Jesus’ saving grace, we are nothing.

Bakit?

Pag-ibig.

‘Yan ang dahilan bakit ni Lord ginagawa ‘yun. Dahil mahal ka Niya. Ako. Tayo. At darating ang panahon na masasabi rin natin, “Lord salamat at ginawa Mo to, kasi kung hindi <insert emo quote noong hindi ka pa christian>.” Pag-ibig din ang dahilan kung bakit Siya bumaba para mamatay sa Cross at iligtas tayo. Pag-ibig ang dahilan. Pag-ibig ang nagsimula. Pag-ibig din ang magbubuo. Sa process na ‘to, hindi Niya lang tatanggalin ang basura sa puso natin, bibigyan Niya tayo ng bagong puso. ‘Yung tuimitibok para sa Kaniya lang. Para kay Jesus lang.

Sa libro niya na “When bad things happen to good people”, sinabi ni Harold Kushner (Isang Jewish Rabbi, pero nagustuhan ko ‘yung point niya sa book) na (i-paraphrase ko na lang ha?) kapag naglakad ang isang tao sa ospital, at napadaan sa isang operating room, hindi siya magtataka kapag nakakita siya ng taong binubuksan ang dibdib ng isa pang tao at tinatahi ang puso nito, dahil alam niya na doktor ang taong iyon at nasa kalagitnaan siya ng heart surgery. Not unless hindi niya alam na siya ay nasa OSPITAL at DOKTOR ang taong ‘yun. ganun din kay Lord, mahihirapan tayong i-surrender ang puso natin sa Kaniya unless malaman natin na nasa ospital Niya tayo, Siya ang doktor at inooperahan Niya tayo. Dahil mahal Niya tayo.