The 6th

I’m a reader. Nakakapagbasa naman ako ng at least isang libro kada taon kaya kahit papaano matatawag ko ang sarili ko na mambabasa. Pero sobrang dalang ko lang magustuhan ang isang libro. Ewan. Depende. Pihikan yata talaga ako. For the record, heto ang top 5 books na gumawa ng malaking impact sa Christian life ko.

  1. Your Jesus Is Too Safe (Outgrowing A Drive-Thru, Feel Good Savior) by Jared Wilson – Real talk plus humor plus Jesus.

toosafe-765013

2. Jesus for President (Politics for Ordinary Radicals) by Shaine Claiborne and Chris Haw – The book was a gift from my girflfriend when I was sick last year. Mindblowing revelations of the Gospel and Jesus as a leader.

51oMyY4EFEL._SX372_BO1,204,203,200_

3. Searching For God Knows What by Donald Miller – I know. Miller is a fundamelist. Sa tingin ko nga parang christian version sya ni Bob Ong sa paraan na magsulat siya. Nagustuhan ko tong libro niya kasi engrossing. As in. Lalo na sa pagkaka-explain niya sa pagiging God ni Jesus. 17839_large

4. Case for Christ by Lee Strobel – Bias ‘tong isang ‘to kasi I just love the stories of Atheist/Agnostics turned Christian. Haha. Pero ‘yung narrative at extensive research on all facets of investigation proving Jesus is the true Son of God impressed me. Seeking Allah, Finding Jesus by Nabeel Qureshi might replace this when I finished reading it.

71aY1rn0raL

5. 100 Years From Now by Steve Murrell – Simple. Clear. Concise. First missionary book I’ve ever read.

100-Years-from-Now-Cover-Cropped-FB

But wait, last week, merong nadagdag sa list ko. Nah, hindi si Steven Furtick, John Ortberg, Max Lucado, Perry Noble, Jerry Bridges, Tullian Tchividjian, Bill Hybels, o Joshua Harris. The unexpected 6th book to influence my life is..

6. Praying God’s Word by Beth Moore – Beth Moore is a gifted writer. Authentic and empowered ng Holy Spirit yung mga books niya kaya nagsisimula pa lang akong basahin siya.

41rVPBROQaL._SX301_BO1,204,203,200_

 

Ikaw? I’d like to hear your top 5 books as well. Comment below and we’ll see. 🙂

Hindi Ka Na-Orient? (An Open Letter To All YPs)

Night lights. Smoke machine. Loud music. Word of God. Sarap sa youth service ‘no? Tapos fellowship hanggang to the ends of the earth. Bonding sa mcdo market, mcdo 32nd, mcdo forum, mcdo kidzania, mcdo aura, mcdo forbes. Tapos sharing na ‘yan. Sarap maging parte ng spiritual family ‘no?

Tapos grumaduate ka na. Nag-apply. Nagkatrabaho. Monday to Friday. 8AM-5PM. Minsan may OT pa. Minsan na lang maka-check ng phone at Facebook kasi busy sa deliverables. Uuwi ka na lang. Kakain. Magbabasa ng Bible. Tutulog. Sabado, gusto mo munang magpahinga. Ops, teka, may youth service nga pala!

Dumaan ang ilang linggo at buwan. Pakiramdam mo hindi ka na masyado nakaka-relate sa mga naririnig mo, parang masyado nang pambata. Medyo dumadami na din ang mga bagong mukhang nakikita mo.  Mapapatanong ka na lang sa sarili mo, “Teka, di yata ako na-orient na ganito pala ang mangyayari ah?”

53706502

Kung isa ka sa mga naka-relate sa mga nabasa mo sa itaas, malamang isa ka siguro sa mga dumadaan sa adjustment season ng pagiging young pro. Oo, ikaw muna ang kausap ko sa post na ito. Hindi mo kailangan maging awkward sa youth service o sa mga leaders nito dahil lang sa hindi ka na nakaka-relate sa kanila. Kaya kung hindi ka nila nasabihan ahead of time o na-orient, ito ang dalawang malaking bagay na natutunan ko sa bagong season ng pagiging young pro, na pwede mo tandaan as you go into your new season of life. Relax, hinga malalim. Fasten your seatbelt.

  1. God is still the center & the master of my new season, and He is in control.

Hindi mo kailangan mag-panic dahil hindi mo na madalas nakakasama ‘yung mga friends mo sa service. May sarili silang buhay kay Lord at ganun ka rin. Wag ma-insecure kapag nakikita mo ‘yung mga Facebook post nila na may hashtag na #SaturdayBondingWithMenOfGod #QualityTimeWithPrincessesOfGod #UsapangCrush #Saya #Enjoy . May sarili silang buhay kay Lord at ganun ka rin. May nagbago ba sa relationship mo kay Lord ngayon na young pro ka na? Kristiyano ka pa din naman di’ba? So okay lang ‘yan. Si Lord pa din naman ang sine-serve natin kahit nasaang season man tayo. At tsaka, being a YP is a gift. Tignan mo:

Mga benefit ng pagiging YP:

  1. May sarili ka nang sahod, di ka na hihingi kay mother earth ng pang-starbucks at pampanood mo ng mga pelikula ni John Lloyd.
  2. New learnings sa bagong environment sa workplace.
  3. Dahil may sarili ka nang sahod, pwede ka mag-invest sa mga nili-lead mo na youth at sasabihin mo sa kanila ang super legendary line na “Bro, someday gagawin mo din ‘to sa iba.” Ma-iinspire mo din sila na someday kapag nagtrabaho na sila, magiging blessing din sila at;
  4. Pwede ka na mag boyfriend/girlfriend. (Joke lang)

 

Kitams? At ang pangalawa..

  1. Being a Young Pro is a season to seek God for your calling.

Kung nako-confuse ka kung saan ka na pupunta ngayon, pwede mong gamitin ang season ng pagiging YP mo to seek God kung saan ka nga ba Niya tinatawag. Called ka na ba mag-transition sa adult service? Called ka ba mag-full time ministry? Called ka pa din ba to invest sa youth? Kung nahihirapan ka pa sagutin ‘yan sa ngayon, okay lang ‘yan. May grace si Lord para sa’yo at para i-direct ka Niya sa calling mo. Bakit? Para hindi tayo naii-stuck up. Para hindi natin nami-miss out ‘yung purpose ni God sa season natin ngayon. Walang pinagkaiba ang pagiging called sa ministry sa pagiging called sa corporate world. Lahat ng calling, holy.

Sana nakatulong ang post na ito sa’yo at sa bagong season mo. Kaunting adjustment lang ‘yan. Hindi ka pababayaan ni Lord. At ang prayer ko, kung saan ka man ilagay ni Lord, masasabi mo na “I’m grateful I’ve been part of the youth ministry.” Baka sa susunod, ikaw na ‘yung sinasabi nila na, magbabago ng mundong ginagalawan mo.

“Therefore I, the prisoner of the Lord, implore you to walk in a manner worthy of the calling with which you have been called.”

-Ephesians 4:1

Jesus, 2015 And Everything In Between

Isa na yata ako sa may pinakamalakas ang tama na blogger o writer sa earth. Siguro pinaka-corny na din. Hindi ko nga alam bakit nag-yes sa akin si Mich eh. (So far, masaya naman siya ngayon) Hindi ako si Randy Camba, hindi si Junize San Diego, lalong hindi si Joe Bonifacio (mas holy ‘yung mga blog nila, ‘yun na lang basahin mo). Noong mga unang post ko dito sa blog, puro tungkol lang sa lovelife at gospel sinusulat ko. Ewan. Halos puro si Amira nga lang nagbabasa ‘nun dati eh, hanggang sa na-realize ko na may ibang tao pala na nakaka-relate din sa mga sinasabi ko. Kahit papaano, na-extend ko ‘yung love ni Lord sa kanila.

Tsaka ‘uy ah, kahit papaano may mga natutunan din ako ngayong taon, di lang halata. Eto ‘yun:

21111

Sa dubsmash, pwede natin gayahin ang itsura ng taong gusto nating gayahin at magiging kaboses pa natin sila. Pero sad to say, hindi  ‘to applicable sa totoong buhay. Hindi mo pwede gayahin ang faith ng ibang tao dahil hindi naman ikaw sila. Pero honestly, ilang beses ko na sinubukan, at kahit isang beses, hindi nagwork-out. Narebuke ako. Bakit ko kinukumpara ‘yung buhay ko sa kanila? Kaya araw-araw na akong nareremind na PERSONAL ang relationship ko with God. Wala dapat na involved na ibang tao o bagay. Parang ang sarap ng ganun. ‘Yung kayo lang ni Lord, tapos ‘yung sobrang intimate niyo na wala kang ibang mas pinapakinggan at mas pinaniniwalaan kundi Siya lang. Bakit? Kasi mahal mo eh, at mahal ka rin Niya.

At may mga panahon na, sisirain talaga ni God ‘yung plano mo. Kasi baka mapalayo ka sa Kaniya. Baka mawala ka sa will Niya. Masakit? Oo. Pero buti na lang si Lord ‘yan at hindi ibang tao.

222222

Noong bata pa tayo, sa tuwing nasusugatan tayo, anong unang reaksyon? Wala namang natutuwa makakita ng hiwa at umaagos na dugo, di’ba? Kaya umiiyak tayo. Bakit? Kasi natural sa nasasaktan ang umiyak. Kaya OK lang umiyak pag may hardship, pain o struggle, iiyak mo lang kay Lord ‘yan. Hindi madali, wala namang nagsabi na madali eh, pero worth it lahat. Ibigay mo lang lahat sa foot ng Cross. Naiintindihan ni God ‘yung emotions mo kahit na hindi mo ito naiintindihan.

23333

Alam mo ba na on-fire christian ka man o hindi, eh hindi nagbago pagmamahal ni Lord sa’yo? Oo naman ‘no! Miski ako, patuloy pa ding natututo sa ganito. Kailangan ko pa ding i-preach ‘yung gospel sa sarili ko. Mga 10000 times raised to the 100th power. ‘Yung tipong ang kahit na awkward mo na, ang pangit mo na, tapos minsan nadi-disobey mo na si Lord, ‘yun ‘yung mga panahon na ang hirap sabihin na “Wala akong ginawa para mahalin ako ni Lord.” Pero ‘yun ang totoo. At ang prayer ko, na sana di tayo magsawa o maging familiar sa ganitong klaseng love ni Lord.

244444

Sabi ni Pastor Steve Murrell,

Processing pain alone is always a bad idea, you need people around you.

Pamilya. Sila ‘yung mga tao na kasama mo anuman ang pinagdadaanan mo, pamilya eh. Sila ‘yung kasama mo tumawa, ‘yung walang pakialam kung sino ka o ano nagawa mo, tanggap ka pero at the same time pino-point out ka kay Jesus, ‘yung mga tao na hindi natatakot sabihin sa’yo ‘yung mali mo anuman ang kapalit nito. ‘Yung iiyak kasama ka, dadamayan ka at mamahalin ka gaya ng pagmamahal sa’yo ni Jesus. Kaya’t maituturing na blessing talaga ang spiritual family. Heto ang mga minsan baliw pero madalas na masayahing spiritual family ko:

12463950_1244728558874471_1805652884_n

These are the real treasures.

———————————————————

Sa December 2016 babalikan ko ulit itong post na ‘to. Kasi pakiramdam ko ang daming mangyayari sa 2016 eh. More stories. More learnings. More memories. Pero same Jesus.

Ikaw? Gusto mo din ba ikuwento ang 2015 mo? Sundin lamang ang madali at mabisang steps na ito para maikuwento mo din ang iyong nakaraang taon:

  1. Isalaysay paano ka naging martir sa mga sitwasyon mo sa buhay na sinabi mong “I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason.”
  2. Iguhit ang mga larawan ng mga taong ayaw mong makalimutan. Gumamit ng malalaking crayola.
  3. Ano ang mga naging theme song ng 2015 mo? Wala na bang iba bukod sa nae-nae, sorry at dessert?
  4. Ano ang mga itinuro sa’yo ni God ngayon taon? 1,000 words. Times new roman. Size 8. Single spaced.

 

P.S.

May nakilala din pala akong babae last year na nagpakita sa akin ng ibig sabihin ng tunay na pagmamahal ni Lord. Next blog ko na ikukuwento. 🙂

There’s a lot more coming this 2016. And here’s a glimpse of it. 🙂

12476283_1244603438886983_838119714_n

Fiction, Wattpad & Why Jesus Is The Only Reality

#randomthoughts ko lang naman.

So ngayong gabi, binilhan ako ng kapatid ko ng libro galing NBS pambayad utang daw nya sa mga araw na tinulungan ko sya. Binilhan nya ko ng youth fiction na Class 3-C Has A Secret. mukhang masikreto nga, kasi pati book cover, black lang eh. Galing wattpad yung kwento at isinalibro. Nakabili ba din ako ng ganto dati, yung Diary ng Panget na binabasa ko pagkatapos ko mag quiet time, at yung Talk Back And You’re Dead na hanggang ngayon di ko pa nababasa, kasi kaya ko lang naman to dati binili para mapa-autograph kay nadine lustre yung libro sa market market (utos ng nanay ko. maniwala ka).

Masaya ko sa mga wattpad stories na na-publish bilang libro, bumabalik na kasi ang hilig ng mga tao sa pagbabasa IN PRINT. magandang simula na yun. pagkatapos ay maaappreciate na din nila ang mga obra nila jun cruz reyes, atalia, arceo, bautista, cruz, at iba pa. Hindi na lang puro korean drama ang inaatupag ng mga bata.

Pero bigla akong nagkaroon ng tanong na talagang nagpatigil ng panonood ko ng “how to jerk dance” sa youtube: bakit bumebenta tong mga gantong istorya? SRSLY, bakit?

at narealize ko: dahil madaming kabataan ang nakakarelate. at bakit sila nakakarelate? dahil sa tingin ko meron tayong gustong maging reality, may tinatakbuhan tayo. gusto natin makaranas ng adventure, ng thrill, ng romance sa buhay natin. pero hindi natin maranasan kaya nafufrustrate tayo. kaya tumatakbo tayo sa mga kathang kwento, kasi doon para tayong nabubuhay. parang nagigising yung puso nating gutom sa pagmamahal at adventure. because I think, God placed that desire in our hearts: to long for beauty, love and adventure sa buhay.
Si God ang master story teller, ang original Author ng story na hinahanap hanap natin, ang Choreographer ng sayaw na matagal na nating gustong sayawin. Pero hindi natin magawa kasi tumatakbo tayo sa mapait na katotohanan ng buhay natin.

I was reminded that the only true thing in this world is the Cross. Sa Cross, lahat ng broken story, nagiging story of redemption. sa Cross, lahat ng tumatakbo, lumalapit. Sa Cross, lahat ng mapait, tumatamis. That’s the beauty of the Gospel, hindi tayo worthy of a beautiful story, yet God chose us. yung mapait nating buhay, dahil may Jesus, nagiging sweet reality. That’s why wala na tayong time para tumakbo pa sa old stories natin, the Word that spoke and gave meaning to everything bought us with a price. That Word shed blood and life, para makasama ka sa biggest story ever. That’s the beautiful reality. That’s Jesus.

Anong Hanap Mo?

Happy new year! 2015 na pala. at meron akong bagong discovery sa wordpress. ang search terms! ito yung mga terms na sinesearch sa internet tapos ang lumabalas sa resulta sa google ay yung blog mo. heto ang ilan sa mga nakita ko sa search terms ko.

1. teletubbies

hindi ko alam kung bakit ito ang top search term. 

2.radical love lyrics

hehe ay sorry. walang lyrics dito. google mo na lang ulit.

3. dennis ghost fighter ang tunay na katauhan ni dennis

ito ang katotohanan: lalaki siya.

4. ano ang reaksyon mo kapag hindi mo kontrolado ang sitwasyon

ganito.

gulat

5. hu u ka sakin

hu u ka din! 😦

6. ang pag-ibig ko sayo ay parang

oatmeal. good for your heart.

7. posible bang mag move on ng hindi nagiging bitter?

hindi. stay bitter. forever. haha joke lang. syempre posible.

8. paano kung may lihim palang pagtingin sayo ang barkada mo

patay tayo diyan!

9. paano ba malalaman kung ano ang calling sayo ng lord

mag-usap kayo ni Lord. 🙂

10. totoo bang mahal ako ni hesus

oo! maniwala ka!

11. pano maibabalik ang taong backslider

ipag-pray natin siya. at ilibre natin ng mcfloat.

12. nacondemn?

romans 8:1 

13. istorya ng buhay kung saan nakabangon ka sa iyong nakaraan

MMK. Every saturday. ABS-CBN.

14. hinahabol kita dahil mahal kita.quotes

eto.

boy banat

15. mapanlinlang ang puso

oo. nalinlang ka na din ba niya?

16. paano gawing kakaiba ang araw ko

gumapang ka lang ngayong araw parang si spiderman.

17. pabalik ka palang sa kaniya tumatakbo na sya

awts. sakit niyan. </3

18. anong verse ba yun malapit ng lord sa broken hearted?

psalm 34:18 🙂

19. pag-ibig,sex story

what?!

20. kasi pornography

what?!

21. paano mag quiet time?

basa ka ng bible. tas pray ka. 🙂

22. kumanta si matthew kay grace

nice one matt. nice one.

23. ano ang fatherless

walang tatay..?

24. bakeeet

bakit ka kasi umibig sa basagulero?

25. nakakamatay ba ang paglalaslas

oo. kaya wag mo na ituloy. 

26. alamin ang bagong pag ibig para sa mga broken hearted ngayong october 2014

uhmm. hindi po ito horoscope..?

27. nakakakilig na mga bible verses

romans 5:8, ephesians 2:4-5, romans 8:37-39, zephaniah 3:17, psalm 86:15

28. 2014 songs para sa mga umasa

Hinahanap ng puso. Gloc 9.

Iyan at marami pang iba. nakakatuwa man ang mga ito, pero isa lang ang narealize ko: magbago man ang taon, people are still searching. people are still looking for something. people are still searching for answers. people still have questions. At sunod na narealize ko: kung hindi tayo tatakbo kay Jesus, hindi natin makukuha ang tamang sagot. Kasi MADALAS, sobrang distracted na tayo sa mga bagay na gusto natin gawin at gusto natin makuha at gusto natin ma-achieve at sa mga bagay na pinagpepray natin na nawawala na si Jesus sa puso natin, na hindi na Siya yung nagiging desire natin.

Talking about the authenticity of our faith, Ano ang hanap mo?

Happy new year ulit. Have a great 2015. 🙂

Scratch

I’m writing this for future purposes. This is written to establish this blog’s purpose and identity. Nagsimula akong magkuwento last year na puro kadramahan at Gospel at kadramahan at Gospel at kadramahan sa mundo. Binura ko na ang ibang post sa personal na kadahilanan. Sa kasamaang palad, may kopya si Amira ng mga ‘to na pwede mo pa mabasa.

Heto ang mga ilang bagay tungkol sa blog na ‘to:

1. Why I write what I write.

This blog is a tool being used to share the Gospel to the next generation. Minsan ang mga current issue sa Christianity ay napag-uusapan din dito. 90% ng blog na ito, kausap ko ang kabataan kaya makakabasa ka ng mga salitang “Boom Peyns!” at “OK lang yan Beh, move-on na tayo.” at makakakita ka ng mga retrato katulad ng:

GGTFTFZPitch Perfect

2. Gospel-centered theology versus personal opinion and experience.

Sa blog din na ‘to nagkukuwento ako ng mga personal kong karanasan at mga naiisip at nararamdaman. Pero hindi sa punto na natatakpan na si Jesus. This is still about God, His glory, and His love. Kaya kahit may mga personal na istorya, tinitignan pa din natin ano nga ba ang sinasabi ng Bible sa isyu na to o ano ang sinasabi ng Bible sa atin ngayon. It’s my hope and prayer for us, and I try my best to keep this blog Gospel-centered.

 

3. Not Perfect. Just Forgiven.

You’ll get to see a lot of transparent stories here as well. People who have failed but found love and forgiveness in Jesus. You see, If we become real to our pains and struggles, the love of God through Jesus is also becoming real to us. Mas totoo pa sa hininga mo ngayon.

 

4. Disclaimer.

I do not own any images or videos that is being used in this blog, except the personal ones . The copyright still remains to the source.

 

5. Ghost Fighter.

Ginamit kong display photo si Eugene ng Ghost Fighter dahil, uhmm, style ko lang. hehe

Chapter 2

myvictorystory

Salamat kay Bethel Ann Mercado sa pagsulat nito! 🙂

-Following Jesus as Lord is the attitude of complete surrender and obedience to Jesus Christ.

Ito yung line na sobrang nag-struck sa akin.

Sabi nga doon sa one2one, if may bagay pa sa life natin na di pa totally surrendered, then we are not living under His Lordship. Kumbaga all or nothing lang yun eh, it’s either Jesus is Lord over your life or not at all.

Naisip ko lang,

Paano ba tayo hindi mahihirapan i-surrender yung mga bagay na dapat ng i- surrender?

For me, it is knowing kung Sino ba yung nagsasabi.

It is knowing na hindi naman yun pinapa-surrender sayo para saktan ka e.

It is knowing na God has the best  intentions for you and me and he wants you to surrender those things to protect you.

Pero yun nga, binibigyan tayo ni God ng free will to choose kung ano ang gusto natin gawin sa buhay natin.

Then dun papasok yung isa pang attitude na obedience.

Oo mahirap yun, hindi kaya madaling mag-obey lalo na kapag yung isang bagay ay nakasanayan mo na. Yung  tao o bagay na di mo kakayaning I-surrender?

Ako sobrang na disregard ko yung word na Lordship. Feeling ko noon basta okay naman kami ni Lord okay na lahat kahit alam ko na kung bubuksan ni Lord yung heart ko, sobrang daming hidden agenda, sobrang daming unsolved issues. Sobrang waley ng heart ko.

empty pero puno, alam mo ‘yun, puno ng basura.

Mahirap naman talaga i-surrender minsan eh. yung feeling na “Lord naman eh, okay naman tayo diba? Every Sunday nagsisimba naman ako, may time naman ako sayo noon oh.” like duhhh, naririnig ko ba sarili ko non? Tuwing lingo may time naman ako? Parang ako pa lugi eh noh? pero ‘yung totoo, ilalaban ko lagi yung gusto ko kesa sa gusto ni God na gawin ko. (E bakit ba, masaya ako don eh).

Walang Lordship, ang galing ko tumawag na Lord noon pero alam ko ba talaga yung salitang yun? Alam ko ba talaga yung meaning nun? Hindi e. Sa salita lang. Pero in terms of Lordship, yung Siya yung mag hohold ng buhay ko? Ayoko. Feeling ko di yun Masaya e, puro bawal.

Pero nung naintindihan ko kung ano ba talaga yung Lordship, yung di lang base sa salita at nararamdaman ko? Boom, as in na challenged ako. Kasi mas pinakita sa akin ni God yung mga bagay na dapat ko i-surrender at mahirap talaga. I am being transparent here, mahirap siya, oo pero may grace si God.

One time, a struggle knocked on my heart again, and na-surrender ko na yun kay Lord. So that time I was able to say no to that sin again,

not because malakas ako, but it is by His grace and power to give me the power to say no and to overcome that sin.

And alam mo yun, ngayon kapag naiisip ko yun, naiiyak ako, dahil sa joy. Nakita ko yung power ni God when we are FULLY surrenderded.

 Lordship

Pero kaya lang naman tayo nahihirapan mag obey dahil wala tayo sa center ng will ni God. Di natin nakikita yung sobrang awesome na life ahead of us na naghihintay. Yun kasi yung result ng obedience kay God,

lahat GOOD, lahat AWESOME, lahat BEAUTIFUL.

So in terms of surrender and obedience, babagsak lang naman yun sa kung anong relationship meron kayo ni God eh.

Kasi sa relationship trust matters, madali kang sumunod at gawin yung bagay kapag alam mo ma trustworthy at kilala mo talaga kung sino yung ka relasyon mo. So kung may surrendering at obedience issues pa tayo, balik tayo kung kamusta ba yung relationship natin kay God, kamusta ba yung pagkakakilala natin sa Kanya. Bakit ba mahirap i-surrender, bakit mahirap sumunod if alam mo naman kung sino ang nagsasabi sayo ‘nun?

Our church is currently having a series about our Core Values. Check out these other cool blogs about Lordship:

http://www.brokenmindset.org/when-obeying-meant-letting-go/ by Val Baguios III.

http://www.josephbonifacio.com/2014/07/06/jesus-is-lord-over-my-love-life/ by Joseph Bonifacio.

http://www.actlikeaman.org/tough-decision/ by Dennis Sy.

http://www.gannsdeen.com/2014/07/07/myvictorystory-passion-for-passion/ by Ganns Deen

http://iamjekker.com/blog/lordship-big-word by Jekoy Valle