Paano Magtapon ng Basura as Easy as 1, 2, 3!

Part 2 ito ‘nong una kong blog post tungkol sa pagtatapon ng mga basura ng puso natin, o in short pagko-confess kay Lord ng mga naging kasalanan natin. Pero na-realize ko na it’s not enough na mag-confess lang tayo kay God.  May nagsabi sa akin dati na,

If you confess your sins to God, guilt and shame were taken away, but if you confess to your accountable friends, there’s healing.

Lakas di’ba? Sabi sa James na i-confess daw natin ‘yung mga sins natin sa bawat isa at ipag-pray natin para ma-heal tayo. Healing saan? Para ma-heal ka emotionally at spiritually sa naging damages ng sin sa buhay mo. So paano ‘yung confession? Eh nakakahiya di’ba? Tapos “leader” ka pa. Pero kailangan eh, kasi unless you confess, paulit-ulit ka lang lagi sa cycle of sin na ‘yan at di mo mae-experience ‘yung power ng cross ni Jesus. Kaya heto ang 3 easy steps how to throw away the garbages of your heart:

1. The Struggle is Real.

First you have to admit that there is a struggle in your heart. Wag mo balewalain, walang ignore button para sa mga struggle. You have to face it. Ire-reveal naman ‘yan ng Holy Spirit sa’yo eh. ‘Yung ayaw mo na gawin ‘yung isang bagay pero patuloy mo pa ding nagagawa kasi na-fall ka sa temptation. Confront it face to face. Ipag-pray mo, ano ‘yung mga pumipigil sa’yo para maging sold out ka sa relationship mo with God? But remember, God already loved you kahit ano pang nagawa mo.

 2. Sabihin Mo Sa Kasalanan Na ‘Yan Break Na Kayo, Pak! Ganern!

So na-identify mo na ano ‘yung mga bagay na  dapat mong i-surrender kay Lord. This time, you have to decide. Look at the dirtiness of your sin. Tignan mo ‘yung mga nagawa nitong damage sa buhay mo at sa buhay ng mga taong malapit sa’yo. Kitams? Halukatin mo na ‘yung puso mo, kahit gaano kaliit na kasalanan, ilista mo na, sabi sa Proverbs, it’s the little foxes that ruins the vineyard. I-confess mo na muna kay Lord. Let His love saturate you and cleanse you from the sin na nagawa mo.

3. Tag Mo ‘Yung Mga Kaibigan Mong Di Ka Iiwan

This is the bloody part. I-open up mo na sa mga accountable friends mo na ‘yung mga nagawa mo. Yup. Gaano man kapangit ‘yan. Unless you confess kasi, the stronghold of the enemy will be there. Kumbaga, may kapit pa. Tama na. Itigil mo na ‘yung cycle ng sin sa buhay mo. You’re not made for that. So it’s one way to destroy the work of the enemy in your life, by confession. Ask them to pray for you. Wala namang perfect sa atin, kaya lahat tayo nangangailangan ng accountable people to stand side by side with us on this thing called life. In our vulnerability and weakness, the Cross is powerful. Jesus is powerful enough to destroy that bondage, that sin. Jesus is enough.

Lastly, I believe that God’s grace is sufficient in every situation. I believe din na doon pa lang sa unang part nang pag-aadmit ng struggle natin, nagwowork na ‘yung Holy Spirit. In fact, Siya yung nagpapa-realize sa atin ng mga nagawa nating mali at Siya din ang nag-oopen ng eyes natin sa truth. The truth that He loves us unconditionally and there’s nothing, absolutely nothing, that will separate us from His love.

But if we walk in the light, as he is in the light, we have fellowship with one another, and the blood of Jesus his Son cleanses us from all sin.

-1 John 1:7

 

Hindi Bawal Magtapon Ng Basura

“Anong laman ng basurahan niyo?”

Weird na tanong di’ba?

Pero siyempre hindi mo isasagot na sa basurahan mo nilalagay ang toothbrush mo, o kaya ‘yung mga damit mo. Dahil ang tanging laman ng basurahan ay basura.

Mga pinagkainan.

Mga bote, plastik, at karton.

Mga walang laman na sachet ng shampoo, conditioner, at detergent powder.

Mga pinunit mong sulat sa’yo ng ex mo.

Noong nakaraang linggo, naging pabaya ako sa pagtatapon ng basura. Dumadaan ang trak ng basura sa labas ng bahay gabi-gabi kada alas nuebe-imedya (9:30PM), ang mga oras kung kailan masarap manood ng teleserye o maglaro ng pokemon o kahit ano basta nakakatamad lumabas at magtapon.

‘Yung isang malaking garbage bag namin, naging dalawa. Lagi ko sinasabi sa sarili ko na “Hindi, mamayang gabi magtatapon na talaga ako.” tapos hindi ko magagawa kaya matatambak na naman ang panibagong garbage bag kinabukasan. ‘Yung dalawang garbage bag, naging tatlo. Apat. Lima. Hanggang sa bumaho na ‘yung likuran ng bahay namin at may mga *gulp* puting uod na yung basurahan. Totoo. Gumagapang gapang pa.

Nakakadiri. Nakakasuka. Ganu’n pala nangyayari kapag pinabayaan mo ang basura na dapat matagal mo nang itinapon.

Naramdaman mo na din ba ‘yung ganito sa walk mo with God? Na ang dami dami mong hinohold back kay Jesus na dapat sinurrender mo na, kasi basura ‘yun, pero di mo ginagawa kasi baka..

a. Natatakot ka.

b. Nahihiya ka o kaya;

c. Makapal na ‘yung kalyo ng puso mo kaya di mo maramdaman si God.

Kaya ang bigat ng feeling mo ngayon. Parang may burden kasi di mo ma-let go. Di mo maitapon. Na-realize ko ang effect kapag di tayo nagtatapon ng basura ng puso natin, o sa ibang salita, kung di tayo nagrerepent kay God at sinusurrender ‘yung mga bagay na dapat nang isuko. Lumalaki lang lalo ‘yung sin. Bumabaho. Nagkaka-uod.

Binigyan naman tayo ni Lord ng promise na “If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.” (1 John 1:9) sa pagtatapon ng mga basura natin sa puso.

Sige na, wag ka na matakot o mahiya. Alam naman ni Lord ang lahat at kilala ka Niya. Magtapon ka na, hindi naman bawal.

The 6th

I’m a reader. Nakakapagbasa naman ako ng at least isang libro kada taon kaya kahit papaano matatawag ko ang sarili ko na mambabasa. Pero sobrang dalang ko lang magustuhan ang isang libro. Ewan. Depende. Pihikan yata talaga ako. For the record, heto ang top 5 books na gumawa ng malaking impact sa Christian life ko.

  1. Your Jesus Is Too Safe (Outgrowing A Drive-Thru, Feel Good Savior) by Jared Wilson – Real talk plus humor plus Jesus.

toosafe-765013

2. Jesus for President (Politics for Ordinary Radicals) by Shaine Claiborne and Chris Haw – The book was a gift from my girflfriend when I was sick last year. Mindblowing revelations of the Gospel and Jesus as a leader.

51oMyY4EFEL._SX372_BO1,204,203,200_

3. Searching For God Knows What by Donald Miller – I know. Miller is a fundamelist. Sa tingin ko nga parang christian version sya ni Bob Ong sa paraan na magsulat siya. Nagustuhan ko tong libro niya kasi engrossing. As in. Lalo na sa pagkaka-explain niya sa pagiging God ni Jesus. 17839_large

4. Case for Christ by Lee Strobel – Bias ‘tong isang ‘to kasi I just love the stories of Atheist/Agnostics turned Christian. Haha. Pero ‘yung narrative at extensive research on all facets of investigation proving Jesus is the true Son of God impressed me. Seeking Allah, Finding Jesus by Nabeel Qureshi might replace this when I finished reading it.

71aY1rn0raL

5. 100 Years From Now by Steve Murrell – Simple. Clear. Concise. First missionary book I’ve ever read.

100-Years-from-Now-Cover-Cropped-FB

But wait, last week, merong nadagdag sa list ko. Nah, hindi si Steven Furtick, John Ortberg, Max Lucado, Perry Noble, Jerry Bridges, Tullian Tchividjian, Bill Hybels, o Joshua Harris. The unexpected 6th book to influence my life is..

6. Praying God’s Word by Beth Moore – Beth Moore is a gifted writer. Authentic and empowered ng Holy Spirit yung mga books niya kaya nagsisimula pa lang akong basahin siya.

41rVPBROQaL._SX301_BO1,204,203,200_

 

Ikaw? I’d like to hear your top 5 books as well. Comment below and we’ll see. 🙂

Hindi Ko Ma-Feel si Lord, Help!

Na-realize ko na meron tayong mga ilang kinatatakutan bilang isang Kristiyano:

  1. Magkasala.
  2. Ma-reject ng mga kaibigan o pamilya dahil sa relationship kay Lord.
  3. Walang mag-like sa pinost na astig na quote sa Facebook.
  4. Hindi makita ang crush na worship leader sa service.

facebook15

Ilan lang yan, pero wala na yatang mas titindi pa sa pinakakinatatakutan ng lahat:

Ang hindi ma-feel si God.

Ewan ko pero nasabi mo na din ba ‘yan one point in your life? ‘Yung tipong hype na hype ang faith mo at on fire ka kay Lord (‘yung iba mong kaibigan nakikita ka nang lumiliyab minsan), tapos isang araw, hindi mo alam bakit bigla ka na lang nakaramdam ng kakaibang emosyon. Tinatamad ka mag-quiet time. Tinatamad ka mag-pray. Masarap muna mag sarili, bumalik sa dating gawi. Hanggang sa nababaling na ‘yung atensyon mo sa ibang bagay, hindi na kay Lord. Tapos pagkagising mo isang araw, wala na ‘yung passion mo kay Jesus.

Nalungkot ka. Na-frustrate. Na-disappoint sa sarili mo.

Kaya sinubukan mong ibalik ang lahat sa dati: basa ng Bible, dasal, dasal, dasal, nood ng God’s Not Dead at The Encounter ng apat na beses, maging full time volunteer sa church from 3PM-8PM, magpost ng Bible verses sa Facebook, etc.

Pero wala. Empty pa din ‘yung emotions mo. Naging religious ka lang.

Mas lalo kang na-frustrate, kasi for some reason, hindi mo ma-feel si God. As if kaya nating ikahon si Lord at diktahan base sa emosyon natin.

So pag di natin ma-feel si Lord, hindi na din natin Siya kasama? Pag cold ka, wala na ding sense ‘yung cross Niya?

Buti na lang lumapit sa’yo ang isang kaibigan at ni-remind ka na God is always greater than what we feel. Nanlalamig ka man kay Lord dahil may pinagdadaanan ka ngayon na season, wag agad mag-panic. Wag mo na ulitin ‘yung mga ginawa mo dati.

Di mo kailangan ma-frustrate sa sarili mo. You are still loved, accepted and pursued kahit ano man ang pinagdadaanan mo ngayon.

Hinga malalim. Pray ka lang. Hayaan mong yakapin ka ni Lord sa gitna ng coldness ng puso mo ngayon. Hayaan mong iguhit Niya ang ngiti sa labi mong matagal na ding nawala. Mag-surrender kung meron mang kailangang isuko. Mag-tiwala sa grace Niya. Magtiwala na alam Niya kung nasaan ka ngayon.  The Cross declares it is done. Hindi mo na kailangan mag-perform.

Ano pa ang dapat katakutan? Ano pa?

For whenever our heart condemns us, God is greater than our heart, and he knows everything.

-1 John 3:20

Jesus, 2015 And Everything In Between

Isa na yata ako sa may pinakamalakas ang tama na blogger o writer sa earth. Siguro pinaka-corny na din. Hindi ko nga alam bakit nag-yes sa akin si Mich eh. (So far, masaya naman siya ngayon) Hindi ako si Randy Camba, hindi si Junize San Diego, lalong hindi si Joe Bonifacio (mas holy ‘yung mga blog nila, ‘yun na lang basahin mo). Noong mga unang post ko dito sa blog, puro tungkol lang sa lovelife at gospel sinusulat ko. Ewan. Halos puro si Amira nga lang nagbabasa ‘nun dati eh, hanggang sa na-realize ko na may ibang tao pala na nakaka-relate din sa mga sinasabi ko. Kahit papaano, na-extend ko ‘yung love ni Lord sa kanila.

Tsaka ‘uy ah, kahit papaano may mga natutunan din ako ngayong taon, di lang halata. Eto ‘yun:

21111

Sa dubsmash, pwede natin gayahin ang itsura ng taong gusto nating gayahin at magiging kaboses pa natin sila. Pero sad to say, hindi  ‘to applicable sa totoong buhay. Hindi mo pwede gayahin ang faith ng ibang tao dahil hindi naman ikaw sila. Pero honestly, ilang beses ko na sinubukan, at kahit isang beses, hindi nagwork-out. Narebuke ako. Bakit ko kinukumpara ‘yung buhay ko sa kanila? Kaya araw-araw na akong nareremind na PERSONAL ang relationship ko with God. Wala dapat na involved na ibang tao o bagay. Parang ang sarap ng ganun. ‘Yung kayo lang ni Lord, tapos ‘yung sobrang intimate niyo na wala kang ibang mas pinapakinggan at mas pinaniniwalaan kundi Siya lang. Bakit? Kasi mahal mo eh, at mahal ka rin Niya.

At may mga panahon na, sisirain talaga ni God ‘yung plano mo. Kasi baka mapalayo ka sa Kaniya. Baka mawala ka sa will Niya. Masakit? Oo. Pero buti na lang si Lord ‘yan at hindi ibang tao.

222222

Noong bata pa tayo, sa tuwing nasusugatan tayo, anong unang reaksyon? Wala namang natutuwa makakita ng hiwa at umaagos na dugo, di’ba? Kaya umiiyak tayo. Bakit? Kasi natural sa nasasaktan ang umiyak. Kaya OK lang umiyak pag may hardship, pain o struggle, iiyak mo lang kay Lord ‘yan. Hindi madali, wala namang nagsabi na madali eh, pero worth it lahat. Ibigay mo lang lahat sa foot ng Cross. Naiintindihan ni God ‘yung emotions mo kahit na hindi mo ito naiintindihan.

23333

Alam mo ba na on-fire christian ka man o hindi, eh hindi nagbago pagmamahal ni Lord sa’yo? Oo naman ‘no! Miski ako, patuloy pa ding natututo sa ganito. Kailangan ko pa ding i-preach ‘yung gospel sa sarili ko. Mga 10000 times raised to the 100th power. ‘Yung tipong ang kahit na awkward mo na, ang pangit mo na, tapos minsan nadi-disobey mo na si Lord, ‘yun ‘yung mga panahon na ang hirap sabihin na “Wala akong ginawa para mahalin ako ni Lord.” Pero ‘yun ang totoo. At ang prayer ko, na sana di tayo magsawa o maging familiar sa ganitong klaseng love ni Lord.

244444

Sabi ni Pastor Steve Murrell,

Processing pain alone is always a bad idea, you need people around you.

Pamilya. Sila ‘yung mga tao na kasama mo anuman ang pinagdadaanan mo, pamilya eh. Sila ‘yung kasama mo tumawa, ‘yung walang pakialam kung sino ka o ano nagawa mo, tanggap ka pero at the same time pino-point out ka kay Jesus, ‘yung mga tao na hindi natatakot sabihin sa’yo ‘yung mali mo anuman ang kapalit nito. ‘Yung iiyak kasama ka, dadamayan ka at mamahalin ka gaya ng pagmamahal sa’yo ni Jesus. Kaya’t maituturing na blessing talaga ang spiritual family. Heto ang mga minsan baliw pero madalas na masayahing spiritual family ko:

12463950_1244728558874471_1805652884_n

These are the real treasures.

———————————————————

Sa December 2016 babalikan ko ulit itong post na ‘to. Kasi pakiramdam ko ang daming mangyayari sa 2016 eh. More stories. More learnings. More memories. Pero same Jesus.

Ikaw? Gusto mo din ba ikuwento ang 2015 mo? Sundin lamang ang madali at mabisang steps na ito para maikuwento mo din ang iyong nakaraang taon:

  1. Isalaysay paano ka naging martir sa mga sitwasyon mo sa buhay na sinabi mong “I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason.”
  2. Iguhit ang mga larawan ng mga taong ayaw mong makalimutan. Gumamit ng malalaking crayola.
  3. Ano ang mga naging theme song ng 2015 mo? Wala na bang iba bukod sa nae-nae, sorry at dessert?
  4. Ano ang mga itinuro sa’yo ni God ngayon taon? 1,000 words. Times new roman. Size 8. Single spaced.

 

P.S.

May nakilala din pala akong babae last year na nagpakita sa akin ng ibig sabihin ng tunay na pagmamahal ni Lord. Next blog ko na ikukuwento. 🙂

There’s a lot more coming this 2016. And here’s a glimpse of it. 🙂

12476283_1244603438886983_838119714_n

Faith Sessions With Nica Agpawa

Raw. Radical. Hardcore.

Warning: This ain’t ordinary story you’ll be reading. And I hope and pray, that through her story, God will minister to your heart, and that we will be reminded of who we are in God and how much he loved us.

——

Usually insecure ako, lalo na sa family. Apat kaming magkakapatid and naiko-compare ako sa mga mas matanda sa akin. Ako kasi ‘yung pangatlo. So there are times I feel unloved. Kaya naiinsecure ako. Kaya I craved for people’s acceptance. Nag-start ‘yun nung high school ako. Talagang nagsisinungaling ako sa parents ko para makasama lang ako sa mga friends ko, kasi I feel accepted doon sa mga friends ko na ‘yun, kahit na kung saan saan kami nagpupunta. Dahil I want affirmation sa tao, talagang mag-aayos ako, mag e-excel ako sa studies ko, kasi doon na lang ako kumukuha ng affirmation ng tao.

NICA 3

Noong first year college ako, ininvite ako ni Randy, binabasa ko noon ‘yung Purpose Driven Life, di ko natapos kasi hiniram agad niya. Nalaman ko na christian siya, nagkakuwentuhan kami, tapos ininvite niya ako sa youth service. Ang dami kong excuses dati pero noong first time kong umattend, ‘yung Crossaholic series pa ‘yun. Talagang na-feel ko lang si God. Nag altar call ako ‘nun, November 12, 2011.

Si Ate Rona ‘yung nag-approach sa akin ‘nung altar call. Ayoko pa dati mag 121 kasi sabi ko, commitment ‘yan eh, kailangan ng time. Pero hanggang sa na-touch na lang ni Lord ‘yung heart ko. Na-121 ako, nagla-lifegroup. From that time, na-gain ko ulit ‘yung trust ng parents ko sa akin.

Noong nakilala si God, narealize ko na, hindi ko kailangan gawin ‘yung mga things that doesn’t honor God para lang ma-accept ako ng tao, kasi I am already accepted. Thankful din ako na maaga kong nakilala si Lord kasi ang laki ng effect ‘nun ngayong young professional na ko.

Kasi may mga bagay na hindi ko alam kung paano idi-deal ngayon kung hindi ko nakilala si God.

Noong college days na naging Christian ako, na-prepare ako para sa work ko ngayon. Things like being excellent and working with integrity kahit na nakakapressure. Pati ‘yung pagiging humble. ‘Yun yung tinuturo sakin nung estudyante ako. Ang laking bagay nun kasi kahit na nakakapressure na minsan, ngayon i know how to respond na.

nica 1
Yung first thing na nabago sa akin dati, ay yung mindset ko when it comes to acceptance. Kasi its a big deal for me eh, ‘yung malaman ko na hindi ko kailangan gawin yung mga bagay, ‘yung hindi ko na kailangan pa silang i-please para makuha ko attention nila. Binago sa akin ni God yung heart ko na, alam ko na ngayon na I am chosen, I am royal, and I don’t have to perform. I am already accepted. Kasi it affects kung pano ako kumilos, especially sa bahay, at sa office.

I usually want the acceptance of people noon pero noong nakilala ko  si God, pina-realize Niya sakin kung gano Niya ko ka-love!
Another is ‘yung handling my finances din. Noong di ko pa kilala si God, mahilig ako manguha nang di akin. At pati yung forgiveness, para sa Father ko. Noong nag-start ako magchurch, ‘yung din ‘yung ‘yung same time na iniwan kami ng Dad namin. Noong nag attend ako, doon ko natutunan mag-release ng forgiveness.

na kahit na ang lalim ng sugat, kahit na minsan paulit ulit nyang gagawin , natuto akong mag-forgive.

I’m still on the process, pero kahit paano natuto akong i-handle ito though lagi akong nasasaktan, pero God is still teaching me to forgive me everyday of my life. At Noong 2013, doon ko fully na-forgive ang Dad ko. God is faithful.
At para sa girls, make time to really know more about God. Christianity is not a game or a joke para maging cool. Stop mo na yung pity party, usually ganun ang nangyayari sa girls eh, and know your season. Kung nararamdaman mo na in a hurry ka, remind yourself of your identity, be reminded kasi at the end of the day ‘yun ‘yung totoo. Focus on Jesus kasi He knows who you are.

—-

Christine Veronica Agpawa

Computer Science

University of Makati

nica 2

Faith Sessions With Michelle Ares

Raw. Radical. Hardcore.

Minsan sobrang kakaiba lang mag-work si God sa buhay natin. Pansin mo, madalas kung sino pa yung mahina, kung sino yung takot, kung sino yung nasa ilalim, siya pa madalas ang ginagamit ni Lord para ipakita ‘yung greatness Niya.

I will let Mich tell how God turned her world upside down.

—-

Napaka-emo ko dati. Broken ako ‘nun kasi lumaki ako sa broken family. Punong puno ako ng hatred. Hatred sa tao at sa buhay. Tsaka mahilig ako magtago ng pain. Sobrang incomplete kasi di ko alam sino ba ang paniniwalaan ko.  Lagi akong confused, sa personality ko, sa identity ko. Basta, ang dami. Lahat dahil sa kahirapan. Pero kahit na ganun, lagi pa din kaming lumalaban ng mommy ko sa mga struggles namin.

Noong 18 years old ako, niyaya ako ni ate keith na pinsan ko, sa church. Ayaw ko nun kasi feeling ko di ko magagawa ‘yung mga bagay na gusto ko, feeling ko pag christian ka na kasi, sobrang holy mo na. Sabi ko ‘nun, “Tsaka na, pag 20 years old na ko.”

mich 4

Eksakto 20 years old ako, ininvite ulit ako ni ate keith sa church non, tapos ang tahimik ko lang, May 13, 2012. Tahimik lang ako nun kasi feeling ko pag nagsalita ako, iiyak na ko. Sa mismong araw din na ‘yun nameet ko yung leader ko na si Nika at yung mga ka-lifegroup ko. At magulo sa bahay namin ‘nung mga time na yun. Doon ko unang naexperience si Lord. Nakilala ko Siya deeper ‘nung time na ‘yun.

May point na walang wala na kami, yung tipong faith ko na lang ‘yung natitira. Ang dami naming utang ni mommy ‘nun, sobrang dami. Tapos every night kukulitin kami ng mga inutangan namin tapos mumurahan kami kasi di kami makabayad. Tapos umiiyak na lang kami. Buong bahay namin nawala, para lang makabayad. ‘Yung 2013 ko, puro struggles, puro hardships, pero doon ko sobrang naexperience si Jesus.

Pag may nangyaring ganito, nandiyan si Jesus. Never ko nakitang iniwanan Niya ko. 1 week na lang graduation ko na, gusto na magpakamatay ni mommy, pumunta sa bahay namin yung leader ko, sila Nika. Pinagpray nila si Mommy. Sobrang radical nila kasi di ko naman sila ka-close, pero dahil may Jesus sila, pinuntahan nia ko. At dahil dun, mas nag-trust ako kay Lord.

Pumupunta na lagi sa bahay namin si Nika noon para i-121 ako. As in. Pinupursue niya ako. Kahit na kakakilala lang namin. Tapos ‘yung prayer ko ‘nun habang naghihirap kami, sinagot Niya in His time. Doon ko nakita na pag nagpromise si God, gagawin Niya. Nakapasa ako ng board exam. Nakapagturo ako. Nabayaran namin lahat. Nirestore Niya yung buhay namin. More than enough pa!

mich 1

Hindi man ako milyonaryo, pero masasabi ko na, noong nagkaroon ako ng Jesus, ok na eh.

‘yung mga unang nabago sa akin dati, ‘yung mindset ko eh. Kasi lumaki ako na perfectionist ‘yung environment. Nabago ‘yun.

Pangalawa, ‘yung lakas. Dati kasi ‘yung lakas ko nangagaling lahat sa sarili ko eh, pero ngayon na kay Lord na ‘yung strength ko.

Pangatlo, mas nakikilala ko kung sino ba talaga ako. ‘yung value ko as a person.

Sa mga nakakaranas ng hardships ngayon, just believe in Him. Kasi hahayaan ni Lord mangyari ‘yung mga bagay bagay,

na mabreak ‘yung life mo para makapag break in Siya sa buhay mo.

And believe that God will restore you.

—-

Michelle Jane Ares

Bachelor of Science in Secondary Education, English Major

Taguig City University

mich 3