The God who can’t be moved

Kakatapos ko lang panoorin ang kalahating parte ng bagong bagong pelikula ngayon na pinagbibidahan nila Lito Lapid at Perla Bautista na “San Basilio”. Isang masayang kwento ng kung paano nabubuhay ang pag-asa at saan nahuhugot ang tapang. (bakit ang lalim ng mga sinasabi ko?)
Isang kalaban ang nagtangkang sakupin ang lugar ng San Basilio! at.. at.. pinatay niya ang pag-asa ng bayan na si Julio Valente! (tunog telenovela na pangalan) pero ang katauhan ni Julio Valente ay nabuhay sa katawan ni Islaw. hehe, parang ghost fighter. si Islaw ay isa lamang sakristan na nakatanggap ng tawag mula sa yumaong tagapagligtas na iligtas ang mga mamamayan ng San Basilio.
Ordinaryong sakristan. tawag. ligtas.
Katulad din sa buhay natin, siguro ang tingin mo sa sarili mo ay isang ordinaryong estudyante, o kaya ordinaryong tao o kahit anong ordinaryo na naiisip mo,pero hindi kalang basta nandito.
“everything happens for a purpose” – paulit ulit na sinasabi ni jovilyn nina sa klase namin.
lahat ng bagay, maliit o malaki, may purpose kung bakit nasa harapan mo. maybe you see yourself as ordinary, but God looks at you everyday as an extraordinary person with extraordinary identity.
Why? kasi you’re created in His image.
Kahit gaano ka pa kaordinaryo, the moment God stepped into your life, everything’s going to be possible.
Gaya kanina, habang nagkukwentuhan kami ni Harold habang hinihintay ang prof. na hindi na dumating, kinukwento niya kung paano, unti unti ng nagbabago yung relationship ng mga tao sa pamilya niya, o yung kwento ni Paolo kung paano binago ni God yung identity nya?  kung paano nalibre ni Jerrom ang 32 na tao sa mcdo? bakit? because God is extraordinary.
He defeated a giant, He parted a sea, His shout collapsed a city, He ate with the least people.
when you look at life using the eyeglasses of God, you’ll see the impossible takes place.
but wait:
He is not done with you yet!
ang dami pa Niyang ibibigay at babaguhin sayo. everything para sa ikabubuti mo.
kaya bukod sa panghihingi mo ng bente sa mga kaklase mo, ano pa ang mga bagay na sa tingin mo ay dapat na ibigay mo na sa kamay ng may hawak ng destiny mo?
He will turn you into a person na hindi mo naisip na magiging ikaw.
Yun ang nangyari kila John, Peter, James, Paul, Timothy at marami pang iba.
The race isn’t finished yet, but it has been won by Someone. so don’t give up! your destiny lies within you.
He started and He is faithful to finish.
fixing our eyes on Jesus, the pioneer and perfecter of faith. For the joy set before him he endured the cross, scorning its shame, and sat down at the right hand of the throne of God.
-Hebrews 12:2
you’re extraordinary because He is extraordinary.

By heislessthan3

California Maki. Pizza. Ice Cream

Leave a comment