Sonship 0.0

 

Image

Note: Prequel post ito sa Sonship 1.0 at Sonship 2.0 ni Randy Camba:

https://www.facebook.com/notes/randy-camba/sonship-10/10151308432807651

https://www.facebook.com/notes/randy-camba/sonship-20/10151419946812651

Game.

This is the starting point of everything. We are all longing for a Father. Period.

Many of the youth today are fatherless.

And it’s heart breaking.

We are all fighting for true intimacy. When our Father is not present, our heart rebels.

We are all fighting for true intimacy. When our Father is not present, our heart rebels. (basahin ng paulit-ulit, importante yan.)

Good news, God is there.

Nandiyan si God na nagsasabi na “I am father to the fatherless” at nagpaparamdam sa akin kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal ng isang Ama.

Yung Tatay na naghanap sa’kin noong nawawala pa ako at nag-eenjoy sa putik. (Luke 15:4)

Yung Tatay na nakakita at pumulot sakin. (Luke 15:5-6)

Yung Tatay na nagpatawad ng mga kasalanan ko. (Acts 5:31)

Yung Tatay na nagsasabing: “huwag kang matakot.” (John 14:27)

Yung Tatay na sumasalo sa akin kapag hindi ko na kaya. (Psalm 34:18)

Yung Tatay na natatakbuhan ko kapag wala na kong pag-asa. (Psalm 18:2)

Yung Tatay na nagbibigay sa akin ng lakas para harapin ang bagong umaga. (John 16:33)

Yung Tatay na nagtuturo sa akin kung ano ang nakakabuti sa hindi. (Psalm 32:8)

Yung Tatay na nagpupunas ng mga luha ko kapag nasasaktan ako. (Luke 7:13, Revelation 21:4)

Yung Tatay na bumubuo at nag-aayos ng sira kong buhay. (Isaiah 57:18)

Yung Tatay na nakangiting sumasalubong sa akin sa umaga at nagpapatulog sa gabi. (Psalm 90:14)

Yung Tatay na namatay dahil yun lang ang tanging paraan para makasama ko Siyang muli. (Colossians 1:20)

 

And then, everything melted.

My pride and arrogance.

My sin, shame and guilt.

My unforgiveness and hatred.

My past.

Everything.

 

“Na-experience kong ma-accept at mahalin ng paulit-ulit kahit ang dami at paulit-ulit din yung mga failures ko. yung kahit anong gawin ko, Tatay ko Siya eh, at hindi yun mababago ng tingin sa akin ng mga tao or tingin ko sa sarili ko. constant at consistent Siya magmahal as a Father, pero grabe din Siya magdisiplina. Kung gaano Niya ko kamahal, ganun din Niya ko dinidisiplina. He has the best intentions for me kaya ganun. He is a loving yet protective Father. He will do everything para nasa way Niya tayo palagi.”

-Junize S.D.

“Saan ka ba makakakita ng love na ohh so true and perfect? Yung He will accept you kahit pa ang pangit pangit mo (not literally :P) kahit na di ka lovable dahil sa mga ginawa mo. Yung love na will make you feel secured and assured, kahit na you are not worthy to receive those? Yung love na di mo na kailangan magpa-impress at gumawa ng kung ano-ano para lang di ka Niya iwan? Lahat ng yun na kay God lang, kay God ko lang na-experience.”

-Bethel M.

“The fact that He can provide no matter what, you just need to trust and depend on Him. Even you failed a hundred times, He will always forgive you and love you. At tsaka yung sonship sobrang laking privilege nun kasi you can come to Him anytime. #UnconditionalLoveIsHartHart”

-Cholo C.

 

This is the starting point of everything. God is our Father. Period.

Advertisements

Kapag Naging OK Ako, “HU U” Ka Sakin.

Bitterness.

 

Hindi naman masarap pero bakit gustong gusto natin balikan minsan? oo, ang sakit at ang hirap pero bakit minsan sa gabi kapag mag-isa na tayo, gusto natin itong yakapin at balikan? dahil nakakamiss? i don’t think so. wala namang nakatikim ng Toblerone na gustong bumalik sa Chocnut.

 

Pero may mga panahon na talagang gusto mong umpugin ang ulo mo sa pader sa bitterness na nararamdaman mo. Dahil ba sa nakaraan natin na pilit tayo binabalik balikan? siguro. dahil sa mga takot na nararamdaman natin sa mga bagay-bagay? siguro. o hindi kaya dahil apart from the grace and unconditional love of God, we’re going to be bitter for the rest of our lives. oo. hindi mo ramdam? That is why we are craving and so desperate for a Savior, aminin man natin o hindi, it is because deep inside we are bitter and broken people.

 

The heart is deceitful above all things and beyond cure. Who can understand it?

-Jeremiah 17:9.

Deceitful above all things. beyond cure. Nobody can understand it. parang mapapaisip ka “ganyan ba kabobo yung puso ko?” isa pa, isa pa. “ganyan ba kabobo yung puso ko?” isa pa ulit? naalala ba natin kung saan saan na tayo dinala ng puso natin?

 

wrong decisions. wrong relationships. wrong way of life. wrong emotions. ending up bitter. that’s why i think, even for those who are Christians already, that being bitter is simply LOSING SIGHT OF OUR PURPOSE IN CHRIST.

 

STOP.

now let me shift gear. let’s take a look at a different perspective: on God’s relentless, passionate pursuit of a bitter and deceitful heart of you and me.

 

Episode 1:

God the Father: hmm.. sigurado Ka na ba dito?

Jesus: oo. alam Ko na.

GTF: eto, pinapatay na nya sa isip nya yung kaklase nya dahil sa galit nya sa tao na yun.

J: oo nakita Ko yun.

GTF: kagabi umuwi syang lasing sa bahay, nagpakalasing dahil sa sakit na naramdaman nya nung nagbreak sila ng girlfriend nya. dahil sa kalasingan nya, namura nya na yung nanay nya pag-uwi.

J: oo, nakita Ko din yun.

GTF: galit na galit na sya sa sarili nya, sa umiwan sa kanya. hindi nya alam sa sarili nya, pero nagiging bitter na sya. sigurado Ka na ba?

J: oo, hindi nya pa ginagawa ang kahit alin man dyan. nagdesisyon na ko.

GTF: ibubuhos ko Sayo lahat ng galit Ko para sa ginawa ng tao na to.

J: oo, handa na Ako.

GTF: alam Mo na kung bakit diba?

J: dahil para magkaroon ng kalayaan sa bitterness, kailangan merong magbayad. hindi nya kaya magbayad. wala akong pakialam kung madumi sya ngayon at galit. hindi noon mahahadlangan pagmamahal Ko para sa kanya.

GTF: mapuputungan Ka ng koronang tinik. paglalakarin Ka ng pagkalayo-layo habang pasan-pasan ang mabigat na Krus. maduduraan Ka. mahahampas Ka ng latigo. maipapako Ka sa Krus at mamamatay.

J: kung iyon ang kabayaran na kailangan Ko gawin para Mapasaakin sya muli at mabayaran lahat ng kasalanan nya, handa akong languyin ang pinakamalalim na putik para lang mahanap sya at kunin sya.

GTF: dahil?

J: dahil mahal Ko siya.

 

cut.

But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us.

-Romans 5:8

 

Jesus crucified bitterness on the Cross. Noong hindi pa natin Sya kilala dahil bitter, broken at lost pa tayo, He already died on the Cross. He made a way para yung bitter nating puso ay magkaroon ng healing. and yes, that we may see our purpose in Him.

 

Noong hindi pa natin Sya kilala, this “Stranger” died, and set us free. Finally we can live a life of freedom, only if we accept Him as our personal Lord and Savior.

 

I pray that the eyes of your heart may be enlightened, in order that you may know the hope to which he has called you,

-Ephesians 1:18

 

no more bitterness, because there is hope.