Hindi Ka Na-Orient? (An Open Letter To All YPs)

Night lights. Smoke machine. Loud music. Word of God. Sarap sa youth service ‘no? Tapos fellowship hanggang to the ends of the earth. Bonding sa mcdo market, mcdo 32nd, mcdo forum, mcdo kidzania, mcdo aura, mcdo forbes. Tapos sharing na ‘yan. Sarap maging parte ng spiritual family ‘no?

Tapos grumaduate ka na. Nag-apply. Nagkatrabaho. Monday to Friday. 8AM-5PM. Minsan may OT pa. Minsan na lang maka-check ng phone at Facebook kasi busy sa deliverables. Uuwi ka na lang. Kakain. Magbabasa ng Bible. Tutulog. Sabado, gusto mo munang magpahinga. Ops, teka, may youth service nga pala!

Dumaan ang ilang linggo at buwan. Pakiramdam mo hindi ka na masyado nakaka-relate sa mga naririnig mo, parang masyado nang pambata. Medyo dumadami na din ang mga bagong mukhang nakikita mo.  Mapapatanong ka na lang sa sarili mo, “Teka, di yata ako na-orient na ganito pala ang mangyayari ah?”

53706502

Kung isa ka sa mga naka-relate sa mga nabasa mo sa itaas, malamang isa ka siguro sa mga dumadaan sa adjustment season ng pagiging young pro. Oo, ikaw muna ang kausap ko sa post na ito. Hindi mo kailangan maging awkward sa youth service o sa mga leaders nito dahil lang sa hindi ka na nakaka-relate sa kanila. Kaya kung hindi ka nila nasabihan ahead of time o na-orient, ito ang dalawang malaking bagay na natutunan ko sa bagong season ng pagiging young pro, na pwede mo tandaan as you go into your new season of life. Relax, hinga malalim. Fasten your seatbelt.

  1. God is still the center & the master of my new season, and He is in control.

Hindi mo kailangan mag-panic dahil hindi mo na madalas nakakasama ‘yung mga friends mo sa service. May sarili silang buhay kay Lord at ganun ka rin. Wag ma-insecure kapag nakikita mo ‘yung mga Facebook post nila na may hashtag na #SaturdayBondingWithMenOfGod #QualityTimeWithPrincessesOfGod #UsapangCrush #Saya #Enjoy . May sarili silang buhay kay Lord at ganun ka rin. May nagbago ba sa relationship mo kay Lord ngayon na young pro ka na? Kristiyano ka pa din naman di’ba? So okay lang ‘yan. Si Lord pa din naman ang sine-serve natin kahit nasaang season man tayo. At tsaka, being a YP is a gift. Tignan mo:

Mga benefit ng pagiging YP:

  1. May sarili ka nang sahod, di ka na hihingi kay mother earth ng pang-starbucks at pampanood mo ng mga pelikula ni John Lloyd.
  2. New learnings sa bagong environment sa workplace.
  3. Dahil may sarili ka nang sahod, pwede ka mag-invest sa mga nili-lead mo na youth at sasabihin mo sa kanila ang super legendary line na “Bro, someday gagawin mo din ‘to sa iba.” Ma-iinspire mo din sila na someday kapag nagtrabaho na sila, magiging blessing din sila at;
  4. Pwede ka na mag boyfriend/girlfriend. (Joke lang)

 

Kitams? At ang pangalawa..

  1. Being a Young Pro is a season to seek God for your calling.

Kung nako-confuse ka kung saan ka na pupunta ngayon, pwede mong gamitin ang season ng pagiging YP mo to seek God kung saan ka nga ba Niya tinatawag. Called ka na ba mag-transition sa adult service? Called ka ba mag-full time ministry? Called ka pa din ba to invest sa youth? Kung nahihirapan ka pa sagutin ‘yan sa ngayon, okay lang ‘yan. May grace si Lord para sa’yo at para i-direct ka Niya sa calling mo. Bakit? Para hindi tayo naii-stuck up. Para hindi natin nami-miss out ‘yung purpose ni God sa season natin ngayon. Walang pinagkaiba ang pagiging called sa ministry sa pagiging called sa corporate world. Lahat ng calling, holy.

Sana nakatulong ang post na ito sa’yo at sa bagong season mo. Kaunting adjustment lang ‘yan. Hindi ka pababayaan ni Lord. At ang prayer ko, kung saan ka man ilagay ni Lord, masasabi mo na “I’m grateful I’ve been part of the youth ministry.” Baka sa susunod, ikaw na ‘yung sinasabi nila na, magbabago ng mundong ginagalawan mo.

“Therefore I, the prisoner of the Lord, implore you to walk in a manner worthy of the calling with which you have been called.”

-Ephesians 4:1