Fiction, Wattpad & Why Jesus Is The Only Reality

#randomthoughts ko lang naman.

So ngayong gabi, binilhan ako ng kapatid ko ng libro galing NBS pambayad utang daw nya sa mga araw na tinulungan ko sya. Binilhan nya ko ng youth fiction na Class 3-C Has A Secret. mukhang masikreto nga, kasi pati book cover, black lang eh. Galing wattpad yung kwento at isinalibro. Nakabili ba din ako ng ganto dati, yung Diary ng Panget na binabasa ko pagkatapos ko mag quiet time, at yung Talk Back And You’re Dead na hanggang ngayon di ko pa nababasa, kasi kaya ko lang naman to dati binili para mapa-autograph kay nadine lustre yung libro sa market market (utos ng nanay ko. maniwala ka).

Masaya ko sa mga wattpad stories na na-publish bilang libro, bumabalik na kasi ang hilig ng mga tao sa pagbabasa IN PRINT. magandang simula na yun. pagkatapos ay maaappreciate na din nila ang mga obra nila jun cruz reyes, atalia, arceo, bautista, cruz, at iba pa. Hindi na lang puro korean drama ang inaatupag ng mga bata.

Pero bigla akong nagkaroon ng tanong na talagang nagpatigil ng panonood ko ng “how to jerk dance” sa youtube: bakit bumebenta tong mga gantong istorya? SRSLY, bakit?

at narealize ko: dahil madaming kabataan ang nakakarelate. at bakit sila nakakarelate? dahil sa tingin ko meron tayong gustong maging reality, may tinatakbuhan tayo. gusto natin makaranas ng adventure, ng thrill, ng romance sa buhay natin. pero hindi natin maranasan kaya nafufrustrate tayo. kaya tumatakbo tayo sa mga kathang kwento, kasi doon para tayong nabubuhay. parang nagigising yung puso nating gutom sa pagmamahal at adventure. because I think, God placed that desire in our hearts: to long for beauty, love and adventure sa buhay.
Si God ang master story teller, ang original Author ng story na hinahanap hanap natin, ang Choreographer ng sayaw na matagal na nating gustong sayawin. Pero hindi natin magawa kasi tumatakbo tayo sa mapait na katotohanan ng buhay natin.

I was reminded that the only true thing in this world is the Cross. Sa Cross, lahat ng broken story, nagiging story of redemption. sa Cross, lahat ng tumatakbo, lumalapit. Sa Cross, lahat ng mapait, tumatamis. That’s the beauty of the Gospel, hindi tayo worthy of a beautiful story, yet God chose us. yung mapait nating buhay, dahil may Jesus, nagiging sweet reality. That’s why wala na tayong time para tumakbo pa sa old stories natin, the Word that spoke and gave meaning to everything bought us with a price. That Word shed blood and life, para makasama ka sa biggest story ever. That’s the beautiful reality. That’s Jesus.

Advertisements