Faith Sessions

1409300904144

I’m taking this blog to the next level! Faith Sessions is a blog series where I will feature testimonies and life stories of people who encountered Jesus and were radically changed-inside and out. I just realized, after watching Heneral Luna, that stories like that are meant to be shared. Oo, kailangan na marinig ng generation natin ang love story ni God para sa’tin! ¬†At gagamitin kong platform itong blog ko para ikuwento ang buhay nila. Exciting ba? I’ll be posting new stories every Thursday night!

Bakit?

Kasi, “We live by faith, not by sight.” -2 Corinthians 5:7

Advertisements

God’s Deafening Silence

Hindi ako normal na pumupunto dahil pagkukwento lang talaga ang gusto ko, pero dahil ito ay tungkol sa confusion, doubt at peace, magbibigay na din ako ng punto kagaya ng mga kaibigan ko na sila Joyce Meyer, Perry Noble, John Piper at Steve Murrell, hehe, at dahil naniniwala ako na ang makakapagpabago lang sa puso natin ay si God, hayaan natin na magsalita Sya sa atin ng personal at baguhin Nya tayo.

Naranasan mo na ba makipag wrestling sa katahimikan ni God? kapag nagdadasal ka sa gabi, hindi mo maintindihan pero parang ang tahimik Niya sa mga panalangin mo? at, naranasan mo na ba ang magduda sa mga pangako Niya? badtrip ba?

Sa gitna ng lahat ng katihimikan Nya at pagsigaw mo sa panalangin mo, meron Syang isang bagay na ginagawa na kailanman hindi Nya tinigilan: ang mahalin ka. You may not hear Him but He is with you, holding you on the palms of His hands.

Sabi ni Jesus,

“I am leaving you with a gift–peace of mind and heart. And the peace I give is a gift the world cannot give. So don’t be troubled or afraid”

-John 14:27 NLT.

Hindi ko alam sa iba, pero isa yan sa mga pinaka matitinding salita na narinig ko kay Jesus. Isipin mo gaano kasweet si Jesus nung sinabi Nya na.. “Right at this moment, I am giving you the peace of mind and heart, at hindi to katulad ng binibigay ng mundo, dahil kelanman hindi ka bibigyan ng kapayapaan ng mundo, pero ngayon sa gitna ng sakti at paghihirap mo, payapa ka.”

hinid man natin Sya marinig magsalita sa ngayon, pero, saglit, sshh. pakinggan mo, pakinggan mo yung tibok ng puso Nya, walang ibang tinitibok kundi pagmamahal Nya para sayo. at mismo si Paul, tinturuan tayo na pakinggan din ang tibok ng pagmamahal na ito. wala kang mababasang ganto sa mga pocketbooks, sa Bible lang meron nyan.

“Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.”

-Philippians 4:6-7

Hindi ko man marinig ang mga sagot sa panalangin ko ngayon, pero payapa ako. hindi ko man maranasan ang pagiging on-fire ng todo-todo ngayon, but I will have a new perspective about God, at higit sa lahat, magstruggle man ako ngayong season, but I will have greater intimacy with God, mas makikilala ko Sya, mas mararamdaman ko yung pagmamahal Nya!

kaya..

“Do not let your hearts be troubled. trust in God, trust also in Me. (Jesus).” -John 14:1

  • DO NOT LET YOUR HEARTS BE TROUBLED. sshh. pray. in every situation, pray. when you fear and doubt God’s promises, pray. it is better to confront than run. I guess hindi tayo sinasabihan ni Jesus dito, pero inuutusan Nya tayo, “Do not let your hearts be troubled”. Bakit kaya? siguro dahil sa simula’t sapul, alam na Nya na madali magduda yung puso natin, mawala lang sa balanse lang ng konti, bumabagsak na. pero ang mas maganda, dinugtungan Nya ng..
  • TRUST IN GOD, TRUST ALSO IN ME. doubt is a trust issue. ang sweet ni Jesus diba? “trust in Me”. sa sobrang gulo ng lahat ng pangyayari, tiwala lang. hindi Nya sinabi na “try to understand what I am doing and who I am”, pero tiwala ang hinihingi Nya satin, na sa tingin ko kapag una mong narinig, mapapasabi ka ng “BAKIT AKO MAGTITIWALA E HINDI KO NGA MAINTINDIHAN?!” that’s why, I think, trust is an act of faith, it’s like you are saying to God: “Lord I don’t know what will happen next. Lord I don’t understand, but I will step out in faith and TRUST IN YOU, though its really hard.”

trust in Him. believe in Him. sabi ng mundo, “to see is to believe.” na kabaligtaran ng sinasabi ni God na, “believe and you will see.”

Jesus died for us to prove that all His promises are true. kaya kapag sinabihan tayo ni God na “trust in Me.”, para na din Nyang sinabi na “trust in what I did 2,000 years ago at the Cross.”