I Hate Being OK.

Okay.

“Bro, kamusta?” Tanong sa akin ni Kuya James.

“Ahh. OK lang naman.” sagot ko.

Hindi siya kuntento sa sagot ko, parang ‘yung itsura mo kapag nagpa-load ka ng P50 tapos P30 lang yung dumating, “Paanong OK? Ok na hindi, o OK na maayos naman?” tanong niya.

Nahirapan ako sumagot, sabi ko, “OK na sakto lang.”

Napaisip ko, bakit ako nahihirapan sumagot? At na-realize ko, dahil:

  1. Takot ako malaman niya na hindi talaga ako OK.
  2. Nagli-lead na ako kaya dapat maging OK ako.
  3. Hindi ako nag-quiet time kanina, nagbasa lang ako ng Diary ng Panget.

Kaya napatanong ako, “Ano namang problema kung hindi ako OK?”, at tinuro ng Holy Spirit ang sagot, kasi insecure ako. Na-iinsecure ako sa mga tao, kaya dapat I have to look good, I have to be the best, pero deep inside, hindi na pala ako nag go-grow.

”It is for freedom that Christ has set us free! Stand firm, then, and do not let yourself be burdened again by a yoke of slavery.”

-Galatians 5:1

Kadalasan alam na natin na pinalaya na tayo ni Jesus, pero hindi natin alam kung saan tayo naka-stand. Bakit? Kasi “OK lang” tayo.

Figure 1

Katulad ng graph sa itaas, as the time goes by, our passion and God’s lordship in our lives grow as well. Pero at a certain point, tumitigil na yung pag-grow ng passion at Lordship ni Jesus sa buhay natin. Kelan nangyayari to? Kapag nagiging “OK lang” tayo. OK lang sa lugar kung nasaan tayo, komportable naman e.

Kasi minsan alam na natin lahat. Alam na natin kung paano ngumiti, paano mag-pray, mag-encourage, magstatus ng bible verse sa facebook, mag-lead ng small group, mag-facilitate ng one2one, alam na natin kung paano laruin ang lahat. Alam natin ang chapter 1 to 3 ng one2one pero hindi natin ‘to na-e-experience.

Pero good news: Hindi mo mapepeke si Jesus.

Heto ang natutunan ko: Kapag mas nagiging totoo tayo sa mga struggles at sa sarili natin, mas nagiging totoo din ang pag-ibig ni Jesus sa atin, mas totoo pa sa hininga mo ngayon.

Eh ano kung may mga oras na hindi tayo OK? It does not define us. The Cross defines us. We are all a work in progress, and you and I are going to fight this good fight of faith.

Anong pipiliin mo, ang mamuhay ng nagtatago sa “safe” na maskara ng peke mong pagiging kristiyano, o ang mamuhay sa freedom at shameless life under God’s unconditional love?

God loves real and imperfect people. He loves Martha, Zacchaeus, Nicodemus, Peter, John, Paul, Cholo, Bethel, Paolo, Randy, Amira, Sacha, Jerrom, Au, Marize, Grace. He loves you.

To lead is to follow, and to follow is to be real.

To lead others is to follow Christ, and to follow Christ is to be real.

“But, “Let him who boasts boast in the Lord.”

-2 Corinthians 10:17

P.S.

Dahil sa Cross ni Jesus, you can now be real! Yey! Heto ang ilang practical ways na maaaring makatulong sa’yo sa step of faith na ito:

  1. Get a small group of people or a lone accountable person whom you can be accountable with.
  2. Be honest with yourself and to God during your quiet times, and ask Him to point things in your life that you need to surrender to Him.
  3. Ask grace (His undeserved favor) and receive grace. Yes! Because you are His son/daughter! And let His grace change you.

 

Advertisements

Bigger. Greater. Better. Priceless.

However, as it is written: “What no eye has seen, what no ear has heard, and what no human mind has conceived” the things God has prepared for those who love him.

-1 Corinthians 2:9

5 years ago, hindi ko alam na mapupunta ko sa lugar na ‘to. 5 years ago, medyo wala kong pangarap (hehe). Gusto ko lang manood lagi ng hitman reborn at full metal alchemist. Gusto ko lang makinig lagi sa Secondhand Serenade (feels!), Gusto ko lang magpuyat ng hanggang madaling-araw kakalaro ng Left 4 dead. Gusto ko lang gawin lahat ng gusto ko.

Tapos dumating si Jesus sa eksena at binago Niya lahat. ‘Yung tinatawag nating “purpose”, o yung dahilan bakit ka nabubuhay, dati wala ako ‘nun. Pero nung nakilala ko Siya, binigyan Nya ko ‘nun.

Hindi ko kailanman naisip na ‘to. Wala nga sa plano ko noon eh, Sobrang makasarili ko lang dati. Hindi ko naisip na darating ‘yung panahon na ganto.

Fast forward, noong nakaraang sabado, nagkaroon ng General Assembly ang LIfeBox APC (Asia Pacific College). Lifebox is our campus ministry throughout the Philippines that prepare students for L.I.F.E. (Leadership, Integrity, Faith & Excellence).

Lifebox APC

Lifebox APC

Lifebox APC

Ewan ko sa iba ha, pero..

It’s really different when you’re living out your purpose.

Iba. Sobrang Iba. ‘yung makakita ka ng mga nababagong buhay dahil kay Jesus, hindi nababayaran ng kahit ano ‘yun. Para kang nanonood ng napakagandang pelikula, at ang matindi nito, kasama ka dun sa pelikula!

Excited na kami sa gagawin pa ni Lord sa mga taong ‘to! At na-realize ko lang din, sobrang sarap gawin ng pinapagawa ni Lord kapag meron kang kasama. Excited na kami dahil nagsisimula pa lang si Jesus sa buhay ng next generation. Testimonies, miracles and stories of salvation are soon to come for God’s glory.

I am part

of something Bigger,

of something Greater,

of something Better;

And it’s all priceless.

Lifebox APC Lifebox APCLifebox APC Lifebox APC Lifebox APC Lifebox APC Lifebox APC Lifebox APC

Lifebox APC Lifebox APC Lifebox APC

Lifebox APC Young Pros!

Lifebox APC Young Pros!

Lifebox Officers!

Lifebox APC Officers!

 

 

Throwback FirstDay

ImageSo First Day of classes mo na. Excited ka na ba? Freshie ka man sa college, o regular na, syempre hindi mawawala diyan yung:

-New Classmates!

ImageBagong mga kaibigan, bagong kakilala. Bagong kakuwentuhan, bagong kasama sa project, bagong katambay sa Market-Market para magpalamig. Pero ang matindi yung kapag parehas pa din yung mga kaklase mo: “ABA, IKAW NA NAMAN?”

-Kasama yung First Day na nga, nalate ka pa sa klase. o kaya late ka na, tapos sobrang tagal ‘nung jeep na sinasakyan mo, o kaya sobrang bagal maglakad ‘nung nasa harap mo.

Image

Pero mas matindi yung 5:30AM ka gumising para pumasok pero wala kang First subject. </3

-Dahil hindi ka sigurado, nagsuot ka ng uniform sa first day, at ikaw lang sa klase niyo ang naka-unifrom. Naks! Loyalty Award!

-Red alert na kapag nagsabi na ang kaklase na: “Nandiyan na si Mam!”, parang “Maghanda na kayo, katapusan na ng mundo nating mga estudyante sa Advance Statistics!”

-Eh papahuli ba naman ‘yung mga minor subject natin? Syempre hindi, kaya papahirapan nila tayo sa dami ng projects at research papers.

Image

-Kasama yung Introduce-yourself-to-class ritual ng lahat ng Prof. Pangalan, Tirahan, Edad, Paboritong Kulay, What is Love? More answers, more chances of winning.

-“Penge wan port.” “Penge wan hap.” “Penge yelo pad.” “Penge indeks kard.” Mga kaklase mong lifetime resolution na kailanman hindi bibili at hindi magdadala ng papel.

-Yung First subject mo 8am-9am. Break mo 9am to 4pm.

-#SelfieSaFirstDayOfClass

Image

-At syempre ang pinakamatindi sa first day..

Image

-Hehe, Joke lang. eto ‘yun. Syempre ang pinakamatinding mararanasan natin ngayong simula ng sem ay si Jesus. Mas makikilala natin Siya! Makakapag-share tayo sa mga kaklase natin tungkol kay God, may mga mari-reach out tayo. Gagamitin tayo ni God para sa purpose Niya! wuhoo! Exciting di’ba? Sa klase ang tunay na platform na binibigay sa atin ni God para mai-share yung pagmamahal Niya. at tsaka oo, may mga miracles na mangyayari. Be in faith. 🙂

Image

ImageAnother year to experience God’s glory. Are you ready to take a stand and see your campus be saturated by the Gospel?

 

“Then Jesus came to them and said, “All authority in heaven and on earth has been given to me. Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age.”

-Matthew 28:18-20

 

G Ka Ba To Build God’s Kingdom?

Image

Do you wanna build a snowman? how about God’s kingdom?

Dapat talaga dudugtungan ko yung post ni Randy eh, pero eto muna. Hehe. Ayun, So gusto mo na maglead ng small group o kaya mag-serve sa ministry. Sa sobrang excited mo pa nga, nagsign-up ka pa sa lahat ng ministry at tsaka lahat ng kaibigan mo gusto mo ireach-out. Hehe, sorry, pero hindi ka bibigyan ng post na ito ng mga steps paano mag-lead o kaya paano mas gumanda ang ngiti (para sa ushers), gumanda ang boses (para sa music ministry) o gumanda ang powerpoint ng preaching (sa tech). tignan muna natin ang puso natin. Bakit nga ba natin ginagawa ang mga bagay na to? Eto yung mga leadership killers or ministry killers or bahala-ka-basta-yung-hindi-mo-nagoglorify-si-God.

It kills us (or we don’t glorify God) when..

We compare. Aminin natin kahit papaano naging guilty tayo dito. Simple lang, pinapaliit natin si God at nililimitahan natin yung grace Niya kapag nagkukumpara tayo sa ibang tao. Sabi nga ni J.R.R. Tolkien kapag ikinumpara mo ang sarili mo sa ibang tao, hindi ka secured. Hehe joke lang. hindi naman marunong magtagalog si J.R.R. Tolkien eh. Eto yun, wag ka ma-insecure. Maniwala ka kapag sinabi ni God na may purpose ka at mahal ka Niya.

We don’t let go of the past and our fears. Realtalk, hindi ito madaling bitawan. Pero wag mo na kasi titigan! Ibinabalik mo lang yung sarili mo sa kadena, eh pinalaya ka na nga ni Jesus sa Cross. may mga oras din na bumabalik sila (walking dead), pero kapag ganun, lay it down at the foot of the Cross. Walang kwenta ang mga takot at nakaraan natin sa kung ano ang ginagawa ni God sa buhay natin ngayon at sa mga inihahanda pa Niya! #NoteToSelf hehe.

We stumble. Usapang puso: nagtatanong ka kung bakit hindi ka crush ng crush mo eh ang totoo, napapalitan na si Jesus ng crush mo. Actually alam mo na sa sarili mo yun kapag hindi na si Jesus yung center ng puso mo. Kapag yung effort, time, at passion nandoon na sa tao. Secured sa tao at relationships? MU yan-Malabong Usapan. We cannot serve two masters eh. Pero paano maibabalik si Jesus sa center? Repent na. Balik na.

We don’t apply God’s word. Or we don’t walk our talk. O kaya kapag sinasabihan ka ni Lord na ikaw ang unang kumausap sa taong nakasakit sayo para magkaayos kayo, eh hindi mo sinusunod. Tapos masasaktan ka kapag nababasa mo yung “why do you call me ‘Lord, Lord, and do not do what I say?”.

 

Sabi sa Bible, malalaman mo ang puno depende sa kung ano ang bunga nito. No good tree bears bad fruit, nor does a bad tree bears good fruit. Ang tanong, saang puno tayo nakakonekta, pero siguro mas tama, kung kanino tayo nakakonekta. Kay Jesus ba? It all boils down to our relationship with God. Kasi kung tama ang relationship, tama din ang motivation at magiging tama ang action. Oo, may mga oras na guilty din ako sa mga nakasulat sa itaas. Pero buti na lang hindi pa tapos si God sa atin. His grace is sufficient to change and sustain us. Tiwala lang tayo sa Kaniya. At higit sa tiwala, mag-surrender tayo sa Kaniya. Ipinangako naman Niya na mahal Niya tayo at hindi Niya tayo iiwan eh.

Yun! Nacheck mo na. ready na? G na!

Discipleship Like The Avengers

John the Baptist: Bro, eto na yung mga aplikante natin.

Jesus: Sige papasukin mo na.

(pumasok si Peter)

Jesus: Simon, hmm.. sabi dito sa resume mo mangingisda ka. Anong quality ang meron ka na wala ang ibang tao para maging disciple Ko?

Peter: Humble po ako. At tsaka hindi ako marunong magtraydor sa isang kaibigan.

Jesus: based on My omniscience, hindi. Okay next!

(pumasok si Judas)

Jesus: Judas Iscariot, tama ba?

Judas: Opo.

Jesus: so Judas, tell me something about yourself.

Judas: maingat po ako sa salapi.

Jesus: hmm, mukha nga, sabi dito sa resume mo treasurer ka since kinder. Pero handa ka bang traydurin ang kaibigan mo para sa 30 silver coins?

Judas: hmm.. pwidi, pero dipindi..

Jesus: okay, next.

(pumasok si Thomas)

Thomas: hello po. Jeje

Jesus: okay Thomas. bakit mo naisip na maging disciple Ko?

Thomas: hmm.. kasi marami po akong matututunan Sa’yo.

Jesus: ahh.. pero alam mo ba na lagi ko ipupush yung faith mo, kaya mo ba na hindi magdoubt?

John: opo naman!

Jesus: again, based on my Omniscience, hindi. Okay next!

Buti nalang talaga hindi ganyan si Jesus. Hindi Siya like a boss. Isipin mo kung gaano tayo kamahal ni Jesus sa gitna ng lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang natin sa pagsunod sa Kanya. Jesus does not call the qualified, kasi kung ganun, e di wala na sa atin ang naging disciple Nya! Rather, HE QUALIFIES THE CALLED.

A few months ago, God broke my mindset about discipleship. All this time, I thought it was something clean, organized and perfect. At ano? Isang malaking NO ang isinagot sa akin ni Lord. Isipin mo nung panahon ni Jesus, kung paano Nya hinawakan yung makukulit na labindalawang disciple. May nagyayabang, may nagdududa, may madaling mabadtrip, at kahit na 3 years na nilang nakasama si Jesus with all His miracles, nagtatanungan pa din sila kung sino ba ang magiging pinakadakila sa kanila. Ngayon napapansin mo ba na wala rin tayong pinagkaiba sa kanila? Pero regardless of it all, Jesus loved all of them.

He loves the mess and imperfectness of His disciples. Parang yung gulo lang din noong hindi pa nagkakaintindihan sila Tony Stark, Captain Steve Rogers, Dr. Robert Banner at Thor Odinson. kaya sa huli, nung natuto sila, naging isa sila. Si Jesus, Even to the point of dying on the Cross, loves His followers. kasama tayo doon.

2 bagay lang na sobrang obvious na katangian ni Jesus pagdating sa discipleship: PATIENCE (Mapagtiis) at UNCONDITIONAL LOVE (Walang pasubaling pagmamahal)

Patience– sabi sa Bible, the fruit of the Spirit is love, at ang kauna-unahang nabanggit na katangian ng love ay patience (love is patient. love is kind.) alam na ni Lord kung kalian, saan at paano tayo mabibigo sa pagsunod sa Kanya. Pero grabe yung patience Nya sa atin diba? grabe yung patience Nya sa pag-grow natin. Lalo na sa mga issues na struggle pa din natin hanggang ngayon kahit ilang taon na tayong Christian. Kasama na doon lahat ng sobrang weird na tanong natin sa Kanya (Lord, totoo bang may mga sirena?) Sobrang patient Nya sa pagbabago ng puso natin.

Unconditional Love– reality check when it comes to Christianity: walang pinipili si Jesus para maging disciple Nya, kapag sinabi Nya na gagamitin ka Nya, prepare your heart, gagamitin ka talaga Niya! Makikita mo na God is beyond your limitations! Hindi Sya tumitingin sa kung anong imperfectness na meron ka, sa halip, His grace and power is sufficient to use you sa lahat ng sitwasyon na hindi mo ineexpect. At wala Siyang boundaries sa pagmamahal sayo. Mahal ka Nya at your best, as well as your worst. Unconditional nga e.

Naalala ko yung eksena na nangigigil si Dr. Banner, sabi nya: “That’s right Captain, I’m always angry.”

Ikaw, nanggigigil ka na din ba to share the story of Jesus sa ibang tao? Remember, when Jesus called His disciples?

“Come, follow me,” Jesus said, “and I will make you fishers of men.”

-Mark 1:17

 

Let’s fix our eyes on Jesus. Siya na ang bahala sa atin. 🙂

ANONYMITY

Image

sana maraming pizza sa heaven.

 

Kapag pagod at sobrang nag enjoy sa leaders’ team building, nakakagutom. kaya may picture ng pizza kasi, kasi nga pagod at gutom. wag mo nalang pansinin, hehe. hindi naman tungkol diyan ang post na ito.

 

Ito ay para sa mga leaders na hindi ko kilala, those who disciple and engage people intentionally, those leaders who’s not on the spotlight. Sa mga leaders na nakakaalam na wala sa church ang totoong stage o platform, sa mga leaders na  may iba at mas malaking stage para ipakilala yung pagmamahal ni Jesus: sa bahay, sa classroom kung saan walang kristiyano, sa wtrabaho, sa party, sa bonding.

 

Sa mga taong tumatanggi na makisama sa tinatawag na “flow”, Instead, people who are bold enough to make a stand in the midst of a dirty culture. Sa mga leaders na walang ibang gusto kundi ang makilala si God sa pamamagitan ng discipleship (1 cor. 2:2). For the unknown and anonymous leaders who are making a difference in our generation today.

 

For those who serve not for people, but for the Audience of One. For the leaders who leaves a legacy, not just success. For those who knows that God owns their significance, passion and purity. Hindi ko kayo kilala, pero I salute you guys. sobra. and I guess, may unlimited pizza sa heaven, doon tayo magparty.

 

Do it with all the strength and energy that God supplies. Then everything you do will bring glory to God through Jesus Christ. All glory and power to him forever and ever! Amen.

-1 Peter 4:11 NLT