Everyday I Die.

Ang gusto ko sa pagbablog ay mas tinuturuan ako nito maging transparent sa mga bagay-bagay. hehe eto ang isa sa mga ‘yun. Because i am sick and tired of people covering things up, na hindi naman talaga yun ang totoo. To my surpise, ako pala ‘yun. i am tired of myself pala. i want nothing but Jesus. i want everything of Jesus.

beautiful-tumblr-photos-205034-421158-475-316

Hanggang sa pina-realize sa akin ni Lord na ang nakakaharang pala sa growth ko sa Kaniya ay ang sarili ko. Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong maabot at maachieve, ni hindi ko na nga naririnig ano ba yung gusto Niya sa buhay ko. Tsaka Niya ako ibabalik sa lugar kung saan kami unang nagkita, sa brokenness ko. At ipapakita Niya sa akin na brokenness is beautiful.

I’ve learned a lot through my painful failures.

At naisip ko na, minsan kapag hindi mo na chine-check yung heart mo at hindi mo na chine-check yung walk mo with God, prone ka sa self-deception.

Akala mo okay ka, pero hindi.

Hindi ko alam if you can identify with me pero minsan ang judgmental ko sa mga wala pang relationship kay Jesus, minsan ang judgmental ko din sa mga christian. Naiinis ako minsan sa mga kapwa ko leader. Bakit? Dahil ‘yung mali na nakikita ko sa kanila, ay yung parehas na mali na hindi ko napapansin sa sarili ko.

And it breaks my heart to know all of this. I realized then, grace lang ni Lord makakabago nito. Holy Spirit na lang ang may kakayahan para baguhin to.

Itong traydor kong puso.

Pero.

Here’s the irony of the story.

Jesus says He loves me kahit na nakakainis na yung mga struggle ko. Kahit mukha na kong ewan kakaiyak dahil paulit-ulit na lang yung tumutusok sa puso ko. Kahit na minsan nakakabaliw na hindi ko na maintindihan ‘yung sarili ko. Sabi nya, mahal Niya pa din daw ako. I guess you would never know true love unless you experience it firsthand. My goodness. Nakakatunaw.

If you’re a human, that’s a hard pill to swallow. I can’t even chew the thought.

The Bible calls it, yes, grace.

Heto pa ang isang plot twist.

Kung sinabi Niya na mahal Niya ako. Then, totoo din ‘yung iba Niyang mga sinabi at ipinangako.

Na broken na yung chains.

Na may freedom na talaga ako.

Na dumugo man ako, ito ay para sa aking ikabubuti.

Na hawak Niya na yung kamay ko,

at hindi na kami maghihiwalay pa.

That is why masaya ako to take up my own cross everyday just to follow Him. If carrying my cross means to be broken, to be empty, and to die.

It will be joyful. Because in my brokenness, I am beautiful.

“I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me.”

-Galatians 2:20

And everyday, yes, I die to myself. Because in Him, I live.

tumblr_mkg0llWYcM1rbopkso1_500

Advertisements

Tnx p0h

Salamat!

It’s been a year since this blog was established. Parang dati lang, mga “HU U ka sakin!” ang pinag-uusapan natin, pero kita mo naman, dahil na rin sa mga to, mas nakilala at mas naexperience natin si Jesus. Diba? Salamat din sa kuwento mo. These are not stories of perfect Christians; but the broken yet beautiful testimonies of forgiven people who experienced the unconditional love of God. Sa tagalog, kwento mo at kwento ko.

Narinig ko minsan, ‘when there is brokenness, there is healing.’ Totoo ‘yun. Jesus is our Healer. And yes,

There will be scars, guaranteed. But they’ll be scars that mean something, scars you will tell stories about.”

-No Matter The Cost, Vance Brown

Salamat sa mga taong tumulong para mabuo ang blog na ‘to. Salamat din sa mga taong patuloy na tumutulong sa pagbuo nito. 🙂

Image

Image

Napakasarap magkwento kasama kayo. Alam ko, mas exciting pa ang mga susunod, dahil:

  1. Mahal tayo ni Jesus at;
  2. Ganun lagi sa mga primetime drama.

Salamat ulit. Marami pang mas exciting na kuwento ang paparating. G ka na ba?

There are far, far better things ahead than any we leave behind.”

-C.S. Lewis

I’m off and running, and I’m not turning back.”

-Philippians 3:14 MSG

The Analysis of Your Bitterness Part 1

Image

Pampagising ko sa umaga ‘yan dati nung kinder ako. Hindi ko alam bakit pumatok sa mga bata yung itsura nila, para kasing malayong kamag-anak ni Barney, lalo na yung eksena nila na ihahagis sila at babagsak sa lupa isa-isa, tapos laging may nawawalang isa kung saan huhulaan mo kung sino ang nawawala: si Tinky Winky, Dipsy, Lala, o Po. Madalas mawala si Po, kung saan-saan siguro sumusuot bago mag-shooting.

Nilagyan ko ng picture nila para kapag badtrip ka na sa pagbabasa nito, iscroll up mo lang at tignan ang retrato nila pampatanggal stress, tapos scroll down na lang ulit. Game!

November 2013, Dala na din ng burden na tulungan ang mga kaibigan sa church na may struggle, naisulat ko ang post na “The Anti-Backsliding Theory” at “Kapag Naging OK Ako, HU U Ka Sakin”.

https://www.facebook.com/notes/amira-ramlee-sial/the-anti-backsliding-theory/761820117168888

https://heislessthan3.wordpress.com/2013/06/24/kapag-naging-ok-ako-hu-u-ka-sakin/

May kaibigan akong bitter dati, ayaw na niya makita yung taong nanakit sa kaniya kailanman pero wala naman siyang ibang bukambibig kundi yung memories nila dati. Magkaiba ang broken sa bitter. Kaya ang tanong, Bakit may bitterness? Bakit nauso ang paglalaslas pag bitter? At bakit bala ng stapler ang gamit nila?

Ang totoo, ayaw ni Lord na umabot ka na sa puntong yan. Pero napapansin mo man o hindi, madalas itong nangyayari. Dahil..

1. Our hearts are wired to long for SomeoneAng Someone na yun ay si Jesus. Akala natin kapag nakuha na natin yung mga bagay na gusto natin, magiging masaya na tayo. Pero hindi. Gaano man karami ang mag-like ng status natin sa Facebook at gaano man karami ang pumapalakpak sa atin, hindi ‘nun mapupunan ang butas sa puso natin bilang tao.

“Satisfy us in the morning with your unfailing love that we may sing for joy and be glad all our days.”

–Psalm 90:14

Yung DNA ng puso natin, nakakonekta na talaga para maghanap ng magmamahal sa atin, at si Jesus lang ang tanging makakapagbigay nun. Kung hindi Siya, wala ng iba, patuloy tayong maghahanap at tatakbo at maghahanap.

2. We have a tendency to destroy our lives Hindi na kailangan sukatin gaano kabobo ang puso natin, kung saan-saang gulo na tayo nito dinala. Ito kasi ang default mode ng puso natin, ang sirain tayo. Lahat naman tayo gusto magkaroon ng magandang buhay at relasyon, pero bakit hindi nangyayari? Dahil mapanlinlang ang puso natin. Harap-harapan tayong tinatraydor nito.

“The heart is deceitful above all things and beyond cure. Who can understand it?”

– Jeremiah 17:9

Dahil ang kasalanan ay hindi lang naninira ng puso, isa itong nakamamatay na epidemya na kumakapit sa ating isipan, emosyon at gawain. Ganito tayo kalalim dinala ng kasalanan sa buhay natin.

3. We run to our gods when we’re frustratedKaya kapag hindi mo na kontrolado ang sitwasyon o hindi mo na kaya ang pressure, welcome to the “run to your own god” club! Simple lang ang rule: mamili ka ng diyos at lagi mo itong takbuhan. Pwede mong maging diyos ang paghahanap ng acceptance sa tao, pagiging materialistic, pornography, at pagiging busy. But wait, there’s more! nagbabalat-kayo din ito sa katauhan ng self-pity, hatred, pride, at iba pa. pero lahat ng ito ay dumidiretso lagi sa conclusion na gusto natin gawing diyos ang sarili natin. Dahil sa mundong ginawa natin, kaya natin kontrolin lahat.

Pero ang hindi natin alam, mas lumalala lang ang lahat. Magugulat ka na lang, broken ka pa din at bitter. Walang nagbago, mas lumala pa nga eh.

4. Therefore, we are doomed and utterly hopelessDahil kung wala si Jesus, hindi tayo mabubuo. At kung wala si Jesus, we deserve it all. Ang buhay natin ay walang pag-asa gaano man natin ito paghirapan pagandahin. We’re all dead in sin. Para lang tayong paikot-ikot sa putik na walang kakayahang ibangon ang sarili natin. Wala.

“What a wretched man I am! Who will rescue me from this body of death?”

– Romans 7:24

Ano ang ginawa ni God para ayusin ang lahat ng to? Naiintindihan ba talaga natin yung “PRICE” na binayaran Niya sa Cross? Sa Part 2 natin pagkwentuhan. =)

JSSLVS U. K?

“palagi ka bang napapaligiran ng good people?”

 

napatigil ako. para niya kong tinanong ng: “close ba kayo ni Coco Martin?”. hindi ko alam paano sasagutin ang tanong ng isang kaibigan.

checkpoint 2013.

 

malapit na matapos ang taon at marami akong natutunan. sobrang dami. at bago ko man lang sila makalimutan, gusto ko na sila ikwento, yung iba dito galing din naman sa ibang tao pero lahat galing kay Lord. tandaan lang ang acrostic na BGC dahil dyan iikot ang kwento na to, hindi yan Bonifacio Global City. BGC stands for B-rokenness, G-race at C-ross. hehe, gusto ko lang makasubok gumamit ng acrostic. Game!

 

on Brokenness.

Siguro ang pinakapunto lagi ng brokenness, ay nawalan ka. Noong highschool ako namatay yung pusa kong tatlo yung kulay, nawalan ako ng kaibigan na lagi kong katabi matulog sa gabi kahit na nagliliparan lahat ng balahibo nya pag bumabangon sa kama. nawalan ka, aminin mo man o hindi naging parte yun ng buhay mo. at aminin mo man o hindi, napalitan nun si Jesus sa puso mo.

…at kaya nabe-break yung heart natin, dahil nabe-break din nito yung heart ni Jesus.

oh, how God loves a broken heart.

 

naalala mo noong time ni Jesus, the woman with the Alabaster Jar? naalala mo kung paano binuhos nung babae yung pabango sa paa ni Jesus at ginamit na pamunas yung buhok nya? She’s giving her everything to Jesus, and He was so pleased with that. solid picture ng love ni Jesus para sa broken people! sa brokenness, everything is so sweet kasi kasama mo si Jesus sa journey. may mga oras talaga na kailangan mo na bitawan kasi unless na broken tayo sa harap ni Jesus, hindi natin maisusuko yung mga bagay na matagal na nating gustong iwan kasi sinisira nun yung puso natin.

*Psalm 51:17, John 6:37, Psalm 147:3

 

on Grace.

sinong nagsabi na hindi mahal ni Jesus yung mga taong nabigo sa pagsunod sa Kanya? si Jesus na alam lahat mula simula hanggang katapusan, sino nagsabi, kapitbahay mo? isang encouragement lang: ang pinagkaiba ng isang taong bitter at taong nakapagmove-on sa kabiguan nya, ay hindi niresist ng huli yung grace ni Lord. kaya sya nakapagmove-on dahil hindi nya niresist yung love ni God, yung Cross. kung nabigo ka, that doesn’t mean na pinabayaan ka na ni Lord, kagaya ng mga naiisip natin (Ayan! ayan! sinabi ng wag makikipaglaro sa apoy, ayan! nag-stumble tuloy!) NO. nandun yung grace Nya nung mismong time na nag-repent ka, and that grace will teach you to say no to ungodliness para hindi ka na ulit mahulog sa kasalanan. kaya ang tanong ay, may galit o bitterness ka pa din bang tinatago? i-surrender mo na sa foot of the Cross. wag mo na iresist yung love ni Lord. 🙂

kaya mo na umasa ngayon dahil may grace si God! And i am talking about real people with real issues and a REAL GOD. nakita ko kung paano nag-overflow yung grace sa buhay ng mga taong ‘to, kung paano sila nakabangon mula sa kabiguan at kung paano sila nababago, lahat dahil sa GRACE.

*2 Corinthians 12:9, Romans 8:1, Ephesians 1:6-7

 

On Cross.

kapag gabi at medyo pagod, madalas akong kumakain sa karinderya sa Guadalupe na napapalibutan ng mga club at bar. nung nakaraan habang kumakain ako, naalala ko yung tinanong sakin nung kaibigan ko na ‘yun. napapaligiran ba ako ng good people? nag-isip ako saglit. humigop ng sabaw. sumubo ng ulam at kanin. uminom ng RC, at nag-isip ulit.

at ang sagot ko: HINDI.

Hindi, dahil hindi naman to tungkol sa akin, sa’yo o sa atin. sabi nga sa narinig ko dati sa isang missionary: “the gospel does not change us from bad to good, rather, from DEAD to LIFE.”

most of the time, aminado ako, I’m not good, apart from the saving grace ni Jesus, siguro patapon pa din yung buhay ko.

dahil ang Cross ay istorya ng isang Tatay na pumunta sa putikan para iligtas ang anak Niyang nalulunod at namamatay. dahil ang Cross ay tungkol sa isang taong grasang kagaya natin na nakatanggap ng pagmamahal at grace kay Jesus, at dahil nag-uumapaw lang yung pag0ibig Nya sa puso natin, naipapasa natin ito sa mga kapwa taong grasa, at nababago din ang buhay nila.

dahil ang Cross ang sentro ng puso ni God. dito mo sukatin ang pagmamahal ni Lord sayo kahit na hindi mo to kaya sukatin. dito mo ilagay ang security mo, identity, hope, at ang buong pagkatao mo. dito mo makikita na ang tunay na nagmamahal ay handang mamatay kahit na alam Nyang may mga taong tatanggi sa pagmamahal Nya. dahil ang Cross ang nagsasabi sayong may nagmamahal sayo kahit pakiramdam mo wala.

*John 3:16, Romans 5:8, 1 Peter 2:24

 

 

thank you Lord for everything. all praises, glory and honor goes to You. di ko na kailangan pa iexplain.

—-

december na! woohoo! yesss!

*Cue what the fox say*

Di Ko Kayang Tanggapin

Ang kwento na to ay tungkol sa mga kakornihan natin sa buhay kapag nawawala tayo sa focus kay God. nagiging emosyonal tayo, bitter, o kahit ano. pero kapag itinutok ulit natin ang mga mata ng puso natin kay God, makikita natin na mas may magandang bagay pa pala (yung love ni God) kesa sa mga bagay na pinipilit natin icompromise.

bakit anhirap mag-aral pag may katext? bakit mas madaling iyakan ang mga text ng ex mo kesa sa mga bagsak mong grades? at higit sa lahat, bakit mas lagi tayo nagfofocus sa past natin kesa sa pagmamahal ni God satin? paiiyakin ka na ng pinakamaikling drama ng sarili mong buhay!

——–

——————-

Isang masaya at tahimik na umaga ang sumalubong sa pamilya Ibaniez. Simple lang amg pamilya nila, sampu ang kotse, Olympic size ang swimming pool, 40 ang mga katulong, at may sariling sinehan ang mga kwarto.

Sa simpleng bahay na ito bumaba ang panganay na si Seniorito Marco papunta sa sala galing sa 29th floor ng bahay nila. napawi lahat ng ngiti nya ng makita niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Seniorita Maria Cristina na humahagulgol sa isang upuan.

“Hindi ito maaari! Hindi!” panay ang pagtangis ni Seniorita habang hawak ang isang sulat sa kanyang mga nanginginig na kamay.

“Ate..” bulong ni Seniorito Marco habang hawak ang balikat ng kapatid at ito’y pinapakalma.

“HINDEEEEEE!!!!!!! huwag mo ako hawakan! parang kahapon lang kasama natin sya! bakit nya tayo iniwan?! sabihin mo sakin! masama ba akong tao?! tayo?! wahhhh!!! huhuhu… hindi ko na alam ang gagawin.” patuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Seniorita Maria Cristina.

Binasa na ni Seniorito Marco ang sulat at hindi na rin napigilan ang pagluha ng mabasa ang maikli pero makadurog-pusong mensahe nito:

“Mam/Ser:

Uwe po muna ko samen sa probensya por 2 days. balik din ako.

Love,

Yaya.”

HWAAHHHHHH!!!!! humahagulgol na silang dalawa. mga ilang sandali pa, bumaba na rin ang mga magulang nila na sina Senior Diego at Seniora Marina.

“ansakit, bakit ganito ang buhay?” humihikbi ang ilaw ng tahanan.

“malalagpasan din natin to mga anak at mahal ko.” sabi ng Padre de pamilya.

*Cue: Di Ko Kayang Tanggapin chorus na nirevive ng sikat na singer na gumagawa ng cover sa youtube.

(Di ko kayang tanggapin! na mawawala ka na sa akin… napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akin.. hwoooaaa yeeaahh…”

ngunit kung mayroon mang mas malulungkot sa mga pangyayari, yun ay walang iba kundi ang hardinero: si John Lloyd Pascual.

sinasariwa ni John Lloyd ang mga alaala nila ng kaniyang irog habang siya’y nagbubungkal ng lupa. mga alaalang tila binaon na ng kahapon sa walang hanggan. ang mga masasayang alaala ng pagdidilig sa mga orchids, ng pagpapaligo sa dalawampung rottweiler ng mga Ibaniez, ang kwentuhan sa ilalim ng puno ng santol, ang sumpaan sa bukirin.

“dalawang araw. DALAWANG ARAW! o bakit kay tagal mong dumaan! tila pasakit ka sa aking nararamdaman! bawat minuto’y parang dekada sa tagal ng iyong paglakad.”

tunay ngang napakatagal ng takbo ng oras. ngunit mas matagal ang buhos nito sa pamilya Ibaniez.

“A–anak, h–hindi k-ko na kaya…” paputol putol ang hininga ni Seniora Marina habang nanginginig ang mga kamay.

“Mama! mama! huwag kang susuko! huwag kang susuko!” sigaw ng kanyang anak na lalaki.

“Aking Ina, konti nalang! kaya mo yan! konting piga pa!” siya ring sigaw ni Seniorita Maria Cristina habang nagkukusot ng mga de-kolor.

matapos magyakapan at kaunting iyakan pa ulit na sinabayan ng instrumental ng theme song ng drama, ay muling yayakapin ni Seniorita Maria Cristina ang Ina.

“Nagawa natin! ngayon, ang mga pagsubok sa buhay ay tila wala na!” isang ngiti ang nasilayan sa mukha ng Seniorita.

“Hindi pa..” sagot ni Seniorito Marco sa isang nanginginig at basag na boses.

“bakit, kapatid ko?” nagbabadya ng unos ang mga kunot ng noo ni Seniorita Maria Cristina.

“dahil sira ang dryer at kailangan natin ito lahat isampay.” gumaralgal na ang boses ni Seniorito habang sinasabi ang balitang pinagsukluban na sila ng langit at lupa.

napahagulgol na lang ang buong pamilya ng Ibaniez.

maisasampay kaya ng mga Ibaniez ang mga bagong banlaw na damit? malalabanan pa ba ni John Lloyd ang kalungkutan? ano ang naghihintay sa pagbabalik ng kasambahay? dito lamang sa tunay na drama ng sarili mong buhay! di ko kayang tanggapin!

*Cue: Starting verse ng Di ko kayang tanggapin.

“Kahapon lamang.. ay kaysarap ng ating pagmamahalan.. Ang sabi mo pa, pag-ibig mo’y walang hanggan..”

Tears of Worship

We all have hurts, trials, and failures. We often get jealous and offended. We’re human.

Don’t worry, God knows, and He understands because He is the one who created us.  In fact, He didn’t just knew our situations, He even loves us in the midst of our struggles! Romans 8:1 tells us that “therefore, there is now no condemnation, for those who are in Christ Jesus.” God really loves us yet sometimes we think that God’s love exist somewhere in the future, but not the here and now. Paul declares “there is NOW no..” that means, wherever you are today, your struggle & your failures are all under the grace of God.

The reality that Jesus didn’t just die for the future successful you, but for the here-and-now-crying you, is a fact that He died on the blood-stained, tear-filled Cross to save you, and to rescue you from the lies that wants to steal, kill, and destroy your very soul.

Turning worsts to worship. God is patiently and unconditionally loving us, and He is still not done on His work on us.

That’s why in the middle of our trials and struggles, we can worship. The heart of worship is not about the praises and hallelujahs, but the full surrender of ourselves in God. the heart of Worship is Jesus Christ, and His love never fails (1 Cor. 13:8). All these tears and pouring of our hearts have a purpose: to worship.