Jesus, 2015 And Everything In Between

Isa na yata ako sa may pinakamalakas ang tama na blogger o writer sa earth. Siguro pinaka-corny na din. Hindi ko nga alam bakit nag-yes sa akin si Mich eh. (So far, masaya naman siya ngayon) Hindi ako si Randy Camba, hindi si Junize San Diego, lalong hindi si Joe Bonifacio (mas holy ‘yung mga blog nila, ‘yun na lang basahin mo). Noong mga unang post ko dito sa blog, puro tungkol lang sa lovelife at gospel sinusulat ko. Ewan. Halos puro si Amira nga lang nagbabasa ‘nun dati eh, hanggang sa na-realize ko na may ibang tao pala na nakaka-relate din sa mga sinasabi ko. Kahit papaano, na-extend ko ‘yung love ni Lord sa kanila.

Tsaka ‘uy ah, kahit papaano may mga natutunan din ako ngayong taon, di lang halata. Eto ‘yun:

21111

Sa dubsmash, pwede natin gayahin ang itsura ng taong gusto nating gayahin at magiging kaboses pa natin sila. Pero sad to say, hindi  ‘to applicable sa totoong buhay. Hindi mo pwede gayahin ang faith ng ibang tao dahil hindi naman ikaw sila. Pero honestly, ilang beses ko na sinubukan, at kahit isang beses, hindi nagwork-out. Narebuke ako. Bakit ko kinukumpara ‘yung buhay ko sa kanila? Kaya araw-araw na akong nareremind na PERSONAL ang relationship ko with God. Wala dapat na involved na ibang tao o bagay. Parang ang sarap ng ganun. ‘Yung kayo lang ni Lord, tapos ‘yung sobrang intimate niyo na wala kang ibang mas pinapakinggan at mas pinaniniwalaan kundi Siya lang. Bakit? Kasi mahal mo eh, at mahal ka rin Niya.

At may mga panahon na, sisirain talaga ni God ‘yung plano mo. Kasi baka mapalayo ka sa Kaniya. Baka mawala ka sa will Niya. Masakit? Oo. Pero buti na lang si Lord ‘yan at hindi ibang tao.

222222

Noong bata pa tayo, sa tuwing nasusugatan tayo, anong unang reaksyon? Wala namang natutuwa makakita ng hiwa at umaagos na dugo, di’ba? Kaya umiiyak tayo. Bakit? Kasi natural sa nasasaktan ang umiyak. Kaya OK lang umiyak pag may hardship, pain o struggle, iiyak mo lang kay Lord ‘yan. Hindi madali, wala namang nagsabi na madali eh, pero worth it lahat. Ibigay mo lang lahat sa foot ng Cross. Naiintindihan ni God ‘yung emotions mo kahit na hindi mo ito naiintindihan.

23333

Alam mo ba na on-fire christian ka man o hindi, eh hindi nagbago pagmamahal ni Lord sa’yo? Oo naman ‘no! Miski ako, patuloy pa ding natututo sa ganito. Kailangan ko pa ding i-preach ‘yung gospel sa sarili ko. Mga 10000 times raised to the 100th power. ‘Yung tipong ang kahit na awkward mo na, ang pangit mo na, tapos minsan nadi-disobey mo na si Lord, ‘yun ‘yung mga panahon na ang hirap sabihin na “Wala akong ginawa para mahalin ako ni Lord.” Pero ‘yun ang totoo. At ang prayer ko, na sana di tayo magsawa o maging familiar sa ganitong klaseng love ni Lord.

244444

Sabi ni Pastor Steve Murrell,

Processing pain alone is always a bad idea, you need people around you.

Pamilya. Sila ‘yung mga tao na kasama mo anuman ang pinagdadaanan mo, pamilya eh. Sila ‘yung kasama mo tumawa, ‘yung walang pakialam kung sino ka o ano nagawa mo, tanggap ka pero at the same time pino-point out ka kay Jesus, ‘yung mga tao na hindi natatakot sabihin sa’yo ‘yung mali mo anuman ang kapalit nito. ‘Yung iiyak kasama ka, dadamayan ka at mamahalin ka gaya ng pagmamahal sa’yo ni Jesus. Kaya’t maituturing na blessing talaga ang spiritual family. Heto ang mga minsan baliw pero madalas na masayahing spiritual family ko:

12463950_1244728558874471_1805652884_n

These are the real treasures.

———————————————————

Sa December 2016 babalikan ko ulit itong post na ‘to. Kasi pakiramdam ko ang daming mangyayari sa 2016 eh. More stories. More learnings. More memories. Pero same Jesus.

Ikaw? Gusto mo din ba ikuwento ang 2015 mo? Sundin lamang ang madali at mabisang steps na ito para maikuwento mo din ang iyong nakaraang taon:

  1. Isalaysay paano ka naging martir sa mga sitwasyon mo sa buhay na sinabi mong “I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason.”
  2. Iguhit ang mga larawan ng mga taong ayaw mong makalimutan. Gumamit ng malalaking crayola.
  3. Ano ang mga naging theme song ng 2015 mo? Wala na bang iba bukod sa nae-nae, sorry at dessert?
  4. Ano ang mga itinuro sa’yo ni God ngayon taon? 1,000 words. Times new roman. Size 8. Single spaced.

 

P.S.

May nakilala din pala akong babae last year na nagpakita sa akin ng ibig sabihin ng tunay na pagmamahal ni Lord. Next blog ko na ikukuwento. 🙂

There’s a lot more coming this 2016. And here’s a glimpse of it. 🙂

12476283_1244603438886983_838119714_n

Faith Sessions With Nica Agpawa

Raw. Radical. Hardcore.

Warning: This ain’t ordinary story you’ll be reading. And I hope and pray, that through her story, God will minister to your heart, and that we will be reminded of who we are in God and how much he loved us.

——

Usually insecure ako, lalo na sa family. Apat kaming magkakapatid and naiko-compare ako sa mga mas matanda sa akin. Ako kasi ‘yung pangatlo. So there are times I feel unloved. Kaya naiinsecure ako. Kaya I craved for people’s acceptance. Nag-start ‘yun nung high school ako. Talagang nagsisinungaling ako sa parents ko para makasama lang ako sa mga friends ko, kasi I feel accepted doon sa mga friends ko na ‘yun, kahit na kung saan saan kami nagpupunta. Dahil I want affirmation sa tao, talagang mag-aayos ako, mag e-excel ako sa studies ko, kasi doon na lang ako kumukuha ng affirmation ng tao.

NICA 3

Noong first year college ako, ininvite ako ni Randy, binabasa ko noon ‘yung Purpose Driven Life, di ko natapos kasi hiniram agad niya. Nalaman ko na christian siya, nagkakuwentuhan kami, tapos ininvite niya ako sa youth service. Ang dami kong excuses dati pero noong first time kong umattend, ‘yung Crossaholic series pa ‘yun. Talagang na-feel ko lang si God. Nag altar call ako ‘nun, November 12, 2011.

Si Ate Rona ‘yung nag-approach sa akin ‘nung altar call. Ayoko pa dati mag 121 kasi sabi ko, commitment ‘yan eh, kailangan ng time. Pero hanggang sa na-touch na lang ni Lord ‘yung heart ko. Na-121 ako, nagla-lifegroup. From that time, na-gain ko ulit ‘yung trust ng parents ko sa akin.

Noong nakilala si God, narealize ko na, hindi ko kailangan gawin ‘yung mga things that doesn’t honor God para lang ma-accept ako ng tao, kasi I am already accepted. Thankful din ako na maaga kong nakilala si Lord kasi ang laki ng effect ‘nun ngayong young professional na ko.

Kasi may mga bagay na hindi ko alam kung paano idi-deal ngayon kung hindi ko nakilala si God.

Noong college days na naging Christian ako, na-prepare ako para sa work ko ngayon. Things like being excellent and working with integrity kahit na nakakapressure. Pati ‘yung pagiging humble. ‘Yun yung tinuturo sakin nung estudyante ako. Ang laking bagay nun kasi kahit na nakakapressure na minsan, ngayon i know how to respond na.

nica 1
Yung first thing na nabago sa akin dati, ay yung mindset ko when it comes to acceptance. Kasi its a big deal for me eh, ‘yung malaman ko na hindi ko kailangan gawin yung mga bagay, ‘yung hindi ko na kailangan pa silang i-please para makuha ko attention nila. Binago sa akin ni God yung heart ko na, alam ko na ngayon na I am chosen, I am royal, and I don’t have to perform. I am already accepted. Kasi it affects kung pano ako kumilos, especially sa bahay, at sa office.

I usually want the acceptance of people noon pero noong nakilala ko  si God, pina-realize Niya sakin kung gano Niya ko ka-love!
Another is ‘yung handling my finances din. Noong di ko pa kilala si God, mahilig ako manguha nang di akin. At pati yung forgiveness, para sa Father ko. Noong nag-start ako magchurch, ‘yung din ‘yung ‘yung same time na iniwan kami ng Dad namin. Noong nag attend ako, doon ko natutunan mag-release ng forgiveness.

na kahit na ang lalim ng sugat, kahit na minsan paulit ulit nyang gagawin , natuto akong mag-forgive.

I’m still on the process, pero kahit paano natuto akong i-handle ito though lagi akong nasasaktan, pero God is still teaching me to forgive me everyday of my life. At Noong 2013, doon ko fully na-forgive ang Dad ko. God is faithful.
At para sa girls, make time to really know more about God. Christianity is not a game or a joke para maging cool. Stop mo na yung pity party, usually ganun ang nangyayari sa girls eh, and know your season. Kung nararamdaman mo na in a hurry ka, remind yourself of your identity, be reminded kasi at the end of the day ‘yun ‘yung totoo. Focus on Jesus kasi He knows who you are.

—-

Christine Veronica Agpawa

Computer Science

University of Makati

nica 2

Faith Sessions With Michelle Ares

Raw. Radical. Hardcore.

Minsan sobrang kakaiba lang mag-work si God sa buhay natin. Pansin mo, madalas kung sino pa yung mahina, kung sino yung takot, kung sino yung nasa ilalim, siya pa madalas ang ginagamit ni Lord para ipakita ‘yung greatness Niya.

I will let Mich tell how God turned her world upside down.

—-

Napaka-emo ko dati. Broken ako ‘nun kasi lumaki ako sa broken family. Punong puno ako ng hatred. Hatred sa tao at sa buhay. Tsaka mahilig ako magtago ng pain. Sobrang incomplete kasi di ko alam sino ba ang paniniwalaan ko.  Lagi akong confused, sa personality ko, sa identity ko. Basta, ang dami. Lahat dahil sa kahirapan. Pero kahit na ganun, lagi pa din kaming lumalaban ng mommy ko sa mga struggles namin.

Noong 18 years old ako, niyaya ako ni ate keith na pinsan ko, sa church. Ayaw ko nun kasi feeling ko di ko magagawa ‘yung mga bagay na gusto ko, feeling ko pag christian ka na kasi, sobrang holy mo na. Sabi ko ‘nun, “Tsaka na, pag 20 years old na ko.”

mich 4

Eksakto 20 years old ako, ininvite ulit ako ni ate keith sa church non, tapos ang tahimik ko lang, May 13, 2012. Tahimik lang ako nun kasi feeling ko pag nagsalita ako, iiyak na ko. Sa mismong araw din na ‘yun nameet ko yung leader ko na si Nika at yung mga ka-lifegroup ko. At magulo sa bahay namin ‘nung mga time na yun. Doon ko unang naexperience si Lord. Nakilala ko Siya deeper ‘nung time na ‘yun.

May point na walang wala na kami, yung tipong faith ko na lang ‘yung natitira. Ang dami naming utang ni mommy ‘nun, sobrang dami. Tapos every night kukulitin kami ng mga inutangan namin tapos mumurahan kami kasi di kami makabayad. Tapos umiiyak na lang kami. Buong bahay namin nawala, para lang makabayad. ‘Yung 2013 ko, puro struggles, puro hardships, pero doon ko sobrang naexperience si Jesus.

Pag may nangyaring ganito, nandiyan si Jesus. Never ko nakitang iniwanan Niya ko. 1 week na lang graduation ko na, gusto na magpakamatay ni mommy, pumunta sa bahay namin yung leader ko, sila Nika. Pinagpray nila si Mommy. Sobrang radical nila kasi di ko naman sila ka-close, pero dahil may Jesus sila, pinuntahan nia ko. At dahil dun, mas nag-trust ako kay Lord.

Pumupunta na lagi sa bahay namin si Nika noon para i-121 ako. As in. Pinupursue niya ako. Kahit na kakakilala lang namin. Tapos ‘yung prayer ko ‘nun habang naghihirap kami, sinagot Niya in His time. Doon ko nakita na pag nagpromise si God, gagawin Niya. Nakapasa ako ng board exam. Nakapagturo ako. Nabayaran namin lahat. Nirestore Niya yung buhay namin. More than enough pa!

mich 1

Hindi man ako milyonaryo, pero masasabi ko na, noong nagkaroon ako ng Jesus, ok na eh.

‘yung mga unang nabago sa akin dati, ‘yung mindset ko eh. Kasi lumaki ako na perfectionist ‘yung environment. Nabago ‘yun.

Pangalawa, ‘yung lakas. Dati kasi ‘yung lakas ko nangagaling lahat sa sarili ko eh, pero ngayon na kay Lord na ‘yung strength ko.

Pangatlo, mas nakikilala ko kung sino ba talaga ako. ‘yung value ko as a person.

Sa mga nakakaranas ng hardships ngayon, just believe in Him. Kasi hahayaan ni Lord mangyari ‘yung mga bagay bagay,

na mabreak ‘yung life mo para makapag break in Siya sa buhay mo.

And believe that God will restore you.

—-

Michelle Jane Ares

Bachelor of Science in Secondary Education, English Major

Taguig City University

mich 3

Faith Sessions With Paolo Diomampo

Raw. Radical. Hardcore.

—-

Sa loob ng mahigit 15 years ng buhay ni Paolo, nakatatak na sa isip niya na siya’y isang homosexual. Ilang beses niya nang sinubukan hanapin ang pagmamahal sa ibang mga tao, pero patuloy lang lumalaki ang sugat sa kaniyang puso. But he has now been healed and continuously in the process of healing of the Great Physician. This is his story.

—-

“Ako ‘yung taong nasanay sa atensyon ng tao, lalo na ‘nung bata pa ko. Kasi ako ‘yung paborito eh, kaya hanggang sa paglaki ko, hinahanap-hanap ko ‘yung atensyon na ‘yun. Lumaki akong walang tatay, never ko siya nakita. Kaya it led to the distortion of my identity. Tapos nagpadala na ako sa kung ano ‘yung sinasabi ng mundo, sa sinasabi ng paligid ko.”

FB_IMG_1444682743992

“Before, dahil nga nadistort ‘yung identity ko, dahil wala akong father figure, nagpadala ako sa sinabi ng mundo na homosexual ako, na hindi ako lalaki, na malambot ako. So ‘yun, halos lahat na-try ko: barkada, inuman, kaliwa’t kanan na same-gender relationships. Dahil nga naghahanap ako ng masculine identity, hinanap ko ‘yun sa mga naging ka-relationship ko, ‘yun na ‘yung naging security ko. Dumating ako sa extent na wala na kong limitation sa pagkatao ko, hinahayaan ko ‘yung ibang tao na i-violate ako.”

“Before pa ako naging christian, nirerespect ko na si Jesus eh, pero alam ko hindi pa ‘yun sapat. Hanggang sa noong 2nd year college ako, may event sa mini-theater ng school, nakakatawa kasi as a first timer, maaattract ka kasi ang daming na-aattend, sabi nila parang masaya daw, ang nakakatawa ‘dun, habang nasa same-gender relationship pa ko, umaattend na din ako ng service na ‘yun. Pero dahil nga hindi pa ako deeply rooted, influenced pa din ako ng mundo, nawala ako.”

“Pero after 2 years, noong July 9, 2011, ‘yun ‘yung mismong araw na sinabi ko kay Lord, “God, I will follow you, no turning back, I surrender my life.” So from July 9, until now, 4 years na, I’m walking with God.”

FB_IMG_1444682760352

“Na-encounter ko si Jesus in a way na, noong college ako, sobrang desperate na ko, kasi nagkaroon na ng issue sa org sa school, ang dami ng paninira, sa social media at personal, I needed Someone na panghahawakan. During those moments, wala na. Nakakapagod na. Tapos one saturday, honestly, I heard a whisper saying “Jesus”. As in! Kaya ‘nung time na ‘yun, ‘yung mga nagyayaya sa akin dati sa service na tinatakasan ko, tinext ko agad sila, tapos from that day, umattend ako ng service. And I’ve proven na pag will ni Lord, hindi ka na Niya pakakawalan.”

“Siguro kung di ko Siya nakilala, siguro I am a living a life of ignorance. ‘yung wala kang kaalam-alam na may namatay para sa’yo, na may nagmamahal sa’yo. Pero ‘yung happiest moment ko ngayon, alam ko na ‘yung identity ko, on how God created me, how God predestined me. Hindi na ko influenced ng tao o ng mga pangyayari.

I know my worth now, hindi na ko nagpapadala sa agos ng sinasabi ng mga tao, kasi iba na ‘yung path na dinadaanan ko.

“Yes may mga struggle, kakatukin ka ng past, pero dahil alam ko na ‘yung identity na meron ako kay God, ipaglalaban ko ‘yun, kasi napalanunan naman na Niya ‘yun eh.”

FB_IMG_1444682757404

“Ang daming nabago sa akin actually, pero nagsimula ‘yun sa mga maliliit na expressions, ‘yung mga mura. Hanggang sa mga inumin, kasi before three times a week ako umiinom eh. Hanggang sa mindset, paunti-unti nabago ‘yun, na hindi ko lang basta nababasa sa Bible ‘yung totoong identity ko pero mismo ako nararanasan ko ‘yung truth. ‘Yung gospel.”

Maybe wala pa ako sa patutunguhan ko, pero hindi na ako ‘yung dating Paolo.

“Para sa mga nag-iistruggle na christian na, endure lang. Hindi nagpromise si God na magiging maganda ‘yung buhay mo, pero may worth ka. Yes, hindi madali ang buhay, pero kung alam mo kung Sino ang kasama mo sa laban na ‘to, kung ano ‘yung worth mo, magpapatuloy ka pa din.”

“Hindi ka nag-iisa. God has given your identity to you. Own it. Live it. I pray and I hope na ma-e-encounter mo din si Jesus just as I encountered Him. And believe me, once ma-encounter mo kung gaano kaganda ‘yung love Niya, no turning back na talaga.”

—-

Paolo Diomampo

BS Psychology

University of Makati

FB_IMG_1444682520621

Faith Sessions With Amira Sial

Raw. Radical. Hardcore.

——–

Malakas magmura. Malakas mag-inom. Pero mahina ang puso. Iyan ang pagkakakilala ni Amira dati sa sarili niya. Noong 2nd year high school pa lang siya, nalaman na niya kung gaano ka-broken ang buhay at sinubukan niyang ayusin ang lahat sa pamamagitan ng mga kaibigan at pag-inom, pero wala kahit isa ang nagwork out para i-fix ang buhay niya. Ngunit bumaliktad ang mundo niya nang makilala niya ng personal ang Tunay na Nagmamahal sa kaniya, si God. Imposible? Heto ang story niya.

———

“Hindi ko alam bakit ako sumasaya sa alak dati eh. Dati pa lang relational na ako, nagstart yun nung 2nd year high school ako. ‘Yung mga kaibigan ko, every week iba-iba crush namin. Bawat makita naming guy, pine-flirt namin sila. As in. Tapos every week and everytime may celebration, kapag nananalo sila sa volleyball, inuman na kaagad ‘yun. Kunyari may isa sa amin na nagkaroon ng pera, o kaya kunyari may isa sa amin na malungkot, magkakayayaan na ‘yan, “Oh tara, iinom na natin ‘yan!”

FB_IMG_1444657573611

“Ako kasi ‘yung taong nagrerely sa iba, naghahanap ng love sa ibang tao, ng affection sa iba. Feeling ko kasi kapag gusto nila kong kasama sa inuman, i feel so accepted. Parang feeling ko masaya silang kasama ako, ganun. Kahit na nabubully na ako minsan, badtrip nga eh. ”

“Tapos noong 3rd year ako, manonood kami dapat ng movie sa market market, mga nakapambahay pa kami, jejemon days, tapos sabi ng isa, “tara! touchpoint tayo! masaya ‘yun!” tapos pumunta kami ‘nun, nagtaas ako ng kamay, nagsurrender ako. Pero ang ginawa namin ng mga kaklase ko, ginawa naming tambayan ‘yun. So ilang months naming tinambayan ‘yun, naghahanap lang ng pogi. Nagseservice pa nga ko dati tapos nakainom pa ko. Pero may isang topic ‘nun eh, nasa balcony ako, sobrang nag-strcuk sa’kin. Grabe. Nagpreach si Coach Robert tungkol sa purity tapos tamang-tama ako. Hindi ko namalayan umiiiyak na pala ako, tapos nagtaas ulit ako ng kamay, bumaba ako. naghanap ako ng spiritual leader ko. Nag-meet kami ni ate cielo ‘nun, tapos ayun, tuloy-tuloy na.”

FB_IMG_1444657626141

“Si Amira ngayon? Hmm.. sobrang secured lang ako ngayon sa love ni Lord. Narealize ko na,

Wala sa bagay, wala sa tao, walang kuwenta. Wala sa kanila ‘yung joy at love na gusto ko ma-feel. Nakay Lord lang talaga.

Unang nagbago sakin ‘yung pagmumura. Sobrang lakas ko kasi dati magmura. Nababadtrip sa akin dati ‘yung mga kaklase ko. As in pagpasok ko pa lang ng room dati, ‘yun na kaagad ‘yung word na maririnig sa akin. Nagtatawagan kami dati ni glybelle, “Gly!” tapos mumurahin ko lang siya tapos magtatawanan kami. Ganun kami magbatian dati! ‘Yun ‘yung  unang nabago sa akin.”

“Pangalawa ‘yung pangungupit. Sobrang lakas ko mangupit! ‘Nung na-i-topic namin sa lifegroup ‘yung stealing, narealize ko, “hala! masama pala ‘to!” tapos ‘yun, tinigil ko. tapos ‘yung pangatlo, ‘yung pag-iinom ko. Ngayon, sobrang na-overcome ko na siya. Naaamoy ko pa nga lang, nandidiri na ako eh. Tapos ayoko na ‘yung amoy ng alak. Ayoko na din ‘yung atmosphere ng nag-iinuman.”

FB_IMG_1444657634091

“Natutunan ko ngayon kay Lord ‘yung value ko as a woman. Sobrang naintindihan ko lang ngayon kung gaano ako ka-wonderful kay Lord.

Kung gaano ako ka-priceless, na kahit sinong guy, na kahit sinong tao diyan, hindi ako kayang tignan ng ganun, si Lord lang.

“Habang nakikita mo kasi ‘yung love ni Lord, mas nakikita mo ‘yung identity mo, ‘yun ‘yung hindi kayang ibigay ng mundo. Hindi ‘yun kaya ibigay ng mataas mong grades, o ng taong nagkaka-crush sa’yo, kung maiintindihan mo lang ‘yung love ni Lord sa’yo, doon na papasok ‘yung security at identity mo, na hindi mo na iisipin na wala kang kuwenta.”

“At lastly, tumingin ka lang kay Lord, kahit na nag-iistruggle ka, (normal naman ‘yun eh, tao ka kapag nag-iistruggle ka) I pray na makilala mo din Siya habang binabasa mo ‘to. Ito ang istorya ni Lord sa buhay ko.”

—–

Amira Ramlee Sial

Civil Engineering

University of Makati

FB_IMG_1444657456147

Faith Sessions

1409300904144

I’m taking this blog to the next level! Faith Sessions is a blog series where I will feature testimonies and life stories of people who encountered Jesus and were radically changed-inside and out. I just realized, after watching Heneral Luna, that stories like that are meant to be shared. Oo, kailangan na marinig ng generation natin ang love story ni God para sa’tin!  At gagamitin kong platform itong blog ko para ikuwento ang buhay nila. Exciting ba? I’ll be posting new stories every Thursday night!

Bakit?

Kasi, “We live by faith, not by sight.” -2 Corinthians 5:7

Tama Na Ang Drama!

2 years ago, naisulat ko ang blog na “Dito ka magmove-on” para sa mga taong may matinding pinagdadaanan dahil nakakalimutan nila ang purpose nila.

https://heislessthan3.wordpress.com/2013/06/05/dito-ka-magmove-on/

88888

At isa ko sa mga tao na ‘yun. Kung hindi dahil sa grace ni Lord at sa pagmamahal Niya, siguro patapon na talaga ‘yung buhay ko. Na-experience ko ang healing na binigay ni Lord sa akin, pero hindi ko sinasabi na fully healed na ko, kasi healing is a process, at araw-araw dumadaan tayo sa  mga scalpel ng Great Physician. Healing saan? Sa unforgiveness, insecurities, pride, at brokenness. Wala akong nakitang naging strong christian na petiks ang buhay, lahat dumaan sa matitinding hardship. Nag-aasam ka din ba ng healing at freedom sa buhay mo? ‘Yung talagang napapaiyak ka na lang sa gabi dahil paulit-ulit na lang ‘yung struggle mo? Pwes, para sa’yo to.

Pero bago ang lahat tandaan mo na,

Hindi bingi si God. Hindi Siya bulag. Alam Niya lahat. Kilala ka Niya. Hindi Siya napapagod, at kailanman hindi Siya tumigil na mahalin ka.

Heto ang ilan sa mga bagay na narealize ko sa mga panahon na ‘yun dati:

Jesus makes the broken beautiful.

Sabi ni Alyssa Joy Bethke, “If I had really believed that God loved me. If I had really believed that God pursued me and wanted me regardless of what I looked like, what I did, or what I didn’t do, I think I would be drastically different.”

See? Iba mag-isip si Jesus. Iba. Sobrang iba. Kahit ako na ‘yung mali, Siya yung unang nanuyo para bumalik ako sa Kaniya. At tinatawag Niya pa din akong anak. At kahit na ang messed-up ko na, kahit na ang pangit na ng tingin ko sa sarili ko, He is there to make the broken beautiful.

Duct tape won’t fix anything.

Kahit kailan hindi naging solusyon ang magtago. Hindi sagot ang magagandang facebook status na madaming likes. Hindi solusyon ang maging peymus o magkaroon ng maraming kaibigan. Healing comes when we stop covering up ourselves, and start running to Jesus. Last February, napunta ako sa ER ng isang ospital dahil sa matinding atake ng asthma. Sobrang sikip nang paghinga ko na parang bibigay na ‘yung baga ko. Lumapit sa’kin ‘yung doktor, chineck ang breathing ko, at binigyan ako ng isang round ng ipra-salbutamol, pagkatapos ng 40 minutes,  chineck niya ulit ‘yung breathing ko at tsaka niya sinabi na “tsk. tsk. hindi pa clear ang pathway ng breathing mo. isang round pa.” pagkatapos ulit ng 40 minutes, bumalik siya at chineck ang breathing ko. hindi pa din daw clear ang pathway. isa pa ulit na round. hanggang sa nakalimang round ako, bago tumino ‘yung paghinga ko.

Parang si Jesus. Parang sinasabi Niya na, “Tsk. tsk. barado pa ang buhay mo anak. ang dami pang sins at idolatry. isurrender mo na ‘yan? oh eto ‘yung cross, ‘yung gospel, tanggapin mo. mahal na mahal kita.” stop running. stop covering up. let Him embrace you.

Forgiveness is free. And it’s for you.

To forgive the person who hurt you is to finally free yourself from bitterness and anger. To forgive yourself from the wrong things you have done is to free yourself from guilt and shame. The chains have been broken sa cross. You are no longer defined by your past or by any other person. No. You are now defined by Jesus, by His love. Ang galing ‘no? Wala nang hold sa’yo yung past o yung mga taong nanakit sa’yo dahil ngayon na kay Jesus ka na. And this is not easy. Jesus is the one who enables us to forgive. Kasi kung base lang sa strength natin, hindi natin kaya. Gusto mo makarinig ng isang story? Heto.

And lastly, this.

May forever.

Oo. Kaya tama na ang drama. God loves you so much. You are more than who you think you are! You are loved, forgiven, and accepted. Drop the act. Tanggalin mo na ‘yung maskarang matagal mo nang sinusuot kapag lumalabas ka ng bahay. The cross declares it is done. Ngit na, mahal ka kaya ni Lord!

Aldub-Movie-Yaya-Dub-Alden-Film