The Myth of Mr. Perfect

Grade 4 ako nang sumikat ang F4 sa bansa. ‘Yung mga classmate kong babae, nagtitipid ng baon para lang makabili ng poster, keychain, at laminated picture nila Jerry Yan. Obeybe beybe beybeh. Sumikat sila dahil sa TV series na Meteor Garden, at kaya nagkandarapa ang maraming babae sa kanila dahil sa character nila sa drama. Mayaman. Siga. Matapang. Characteristics na kadalasang hinahanap sa isang lalaki. Mr. Perfect kumbaga. Pero 2016 na’t lahat, halos walang nagbago. Heto ang ilan sa mga kinababaliwan ng henerasyon na ‘to:

philnews.ph

(c) philnews.ph

1. The Badboy

Hindi mayabang pero hindi rin ganu’n kabait. ‘Yung tipong kapag may nang-agrabyado sa’yo, kaya niyang patahimikin at sabihan ng shut up na lang kasi malilintikan talaga siya kapag pinakialaman ka niya.

gmanews.tv

(c) gmanews.tv

2. The Pabebe

Op kors! Ipag-iigib ka ng tubig sa malaking aquarium, tatakbo mula Aurora Blvd pa-EDSA, at nangakong hihintayin ka sa tamang panahon.

star cinema media library

(c) star cinema media library

3. The “John Lloyd”

Sabi nga ni Mace sa That Thing Called Tadhana: “Si John Lloyd kasi, hindi ka niya lolokohin. Hindi ka niya papaiyakin. Siya ang iiyak para sa’yo.”

‘Yan at marami pang iba. Ideal guy di’ba? Pero kung hindi ka pa na-orient, gaya ng iba, tao din ang mga lalaki. Nasasaktan, nagkakamali, nakakagawa ng mga maling desisyon sa buhay.

Sorry to spoil you, pero walang Mr. Perfect. Gaano man ka-siga ‘yan, may shortcomings pa din ‘yan. Kaya minsan nakaka-disappoint na ‘yung inaasahan mo, less than what you even expected. Kaya nakaka-frustrate.

Pero guess what, si Jesus ang talagang nag-iisang Mr. Perfect. Hindi ‘yan label na sinabit niya sa leeg Niya para maipagyabang. Hindi. Alam ng buong kalawakan na Siya lang ang tanging perpekto. Perfect enough to die on the cross to save us on our sins and be raised to life to prove that He is the Son of God.

Mayaman? Siya lang naman ang may-ari ng lahat, kahit na mismo ang hanging ihinihinga mo ngayon.

Siga? Lahat ng hari at presidente, gaano man makapangyarihan ay luluhod sa harapan Niya.

Matapang? Nakaramdam Siya ng takot pero buong tapang Niya pa ding hinarap ang korona, ang hagupit, sapak, dura, limang pulgadang pako at isang krus na may bigat na kulang-kulang tatlong sako ng bigas. Heto ang isang parte ng takot na nginuya Niya:

frugalsites.net

(c) frugalsites.net

Dahil ang nag-iisang Mr. Perfect piniling maging mabahong kasalanan para sa’yo na Mr. and Ms. Imperfect. Disgusting? Pero ganu’n Siya ka-willing para lang maipakita sa’yo na mahal ka talaga Niya, at di mo na kailangan pang maghanap ng taong kukumpleto sa’yo, dahil maniwala ka lang sa Kaniya at sa ginawa Niya sa Cross, kumpleto na ang buong pagkatao mo.

Advertisements

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s