Hair Salon, Battle of the Bands, and Jesus.

Evangelism? Uhh, okay.

So let me tell a story. This happened way back in 2010. Heed my warning, this is real.

Fresh from Victory Weekend, hindi ko na alam ang susunod kong gawin. Sabi nila pwede na magsimula mag-disciple at mag-share ng Gospel (ang lakas pa maka-convict ‘nung preaching ni Pastor Doc Jun about evangelism noong victory weekend). Kaya noong pasukan, nagsimula akong mag-one2one sa isa kong classmate, kay Jerrom. sabi ko OK na to! tapos na! pero alam mo ‘yun, hindi pa pala tapos si Lord (some will say, “I know right”).

 

so ‘yung one2one naging victory group sa klase, Dahil walang maayos na lugar, sa UMak chapel kami nag-vivictory group. At hindi pa tapos si Lord. Isang chickboy, isang gangster, isang dancer, isang religious, at kaming dalawa ni Jerrom. ganyan ang itsura ng victory group namin linggo-linggo. kaya para kaming may riot lagi kasi habang nagse-share ng word ni God, merong nagsasabi ng “pare, hindi ganyan pare.” tapos makakarinig ka ng “hindi eh, ganito nakasulat sa doktrina. ganto dapat.”, meron pa yung “wait, magkikita kami nung friend kong girl sa taas.” yep. every week. riot.

Nagulat ako kasi makikita ko na lang na magkakasama kaming kumakain araw-araw tapos salo-salo lahat ng pagkain, naglalaro ng counter strike pagkatapos ng klase, nag-rereview kapag exam, bumibisita sa mga bahay linggo-linggo. Pero ang pinakagusto ko ‘yung araw-araw naming na-eencounter si Jesus. hindi sa malinis, organized at maayos na paraan, pero dun sa messy, wild and adventurous evangelism.

Evangelism? Uhh, hindi ko alam na ganito ang adventure na mararanasan ko!

At dahil “lost people matter to God.”, syempre lost people also matter to us din. Kaya para ma-reach out sila, God steered our hearts to run the extra mile.

Bumuo kami ng banda at sumali sa battle of the bands para ma-reach out sila.

Nagpa-relax kami ng buhok sa kabilang baranggay pagkatapos mag-victory group.

at iba pa.

Parokya ni Brandon

Mga bagong relax sa Hair Salon.

Parokya ni Brandon

Parokya ni Brandon.

Ewan ko pero sobrang iba lang. At dahil faithful si God, isa-isa silang nagsurrender ng buhay nila kay Jesus. They were once was lost, but now they’re found. yep, once was blind, but now they can see. Iba lang ‘yung pakiramdam na kahit ano pa yung limitasyon natin, kapag sinabi ni God na gagamitin ka Niya, gagamitin ka talaga Niya, itaga mo sa bato. selyado. kandado.

sabi nga ni Don Miller sa book niya na Blue Like Jazz:

“I never liked jazz music because jazz music doesn’t resolve. Sometimes you have to watch somebody love something before you can love it yourself.”

Minsan hindi natin alam ang paraan ni God para gamitin tayo na mag-evangelize, kaya ang nangyayari, inaayawan natin. Pero kapag nakita natin kung gaano kaganda ang plano ni Lord, at kung gaano kasarap yung privilege na magamit Niya tayo, at higit sa lahat, kapag nakita natin kung sino ang pinakamatapang na nagpakita ng pagmamahal Niya sa Cross para mahanap ulit tayo, magkakaroon din tayo ng compassion to seek the lost as well. hindi madali, pero dahil nandiyan si God, worth it lahat.

 When he arrives, he will call together his friends and neighbors, saying, ‘Rejoice with me because I have found my lost sheep!’

-Luke 15:6

Evangelism? Uhh yes! Check out these other related blogs as well:

http://emmanuellegomez.wordpress.com/2014/07/14/when-bad-things-happen-to-good-people/ by Ems Gomez.

http://www.josephbonifacio.com/2014/07/14/how-will-they-hear/ by Joseph Bonifacio.

http://www.actlikeaman.org/jesus-ticket-heaven/ by Dennis Sy.

http://paolopunzalan.com/2014/07/radical-love-that-demands-a-radical-response/ by Paolo Punzalan.

http://www.gannsdeen.com/2014/07/14/myvictorystory-the-miracle-at-kenny-rogers-roasters/ by Ganns Deen.

http://sofiyichka.blogspot.com/2014/07/open-door-closed-heart.html by Sofia Paderes.

http://iamjekker.com/blog/the-british-singer by Jek Valle.

 

Advertisements

2 Comments

  1. Pingback: The perfect Christian – Set Apart

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s