The Analysis Of Your Bitterness Part 2

Image

The Bitter Scale- Sukatin ang iyong bitterness, encircle the letter that represents your answer.

Gaano ka kabitter? (pwede ngayon, pwede dati)

  1. Zero Bitterness. “Just Let it go. Let it go..”

Image

2. Mild. Kakanta lang ako at magkukulong sa kwarto.

3. Moderate. Hindi ko sya papansinin kahit magsorry pa sya.

Image

4. Extreme. Iba-block ko na sya sa Facebook, Tatanggalin ko pa sya sa list of friends ko. Buburahin ko ang cellphone number nya hanggang sa dulo ng mundo.

5. XtraXtraXtreme. Nagsusuper saiyan ako sa galit kapag naaalala ko sya.

Image

6. Game Over. Ayoko na. Bahala siya.

Image

Ayun na nga. Ano ang ginawa ni God para maayos ang lahat ng ito?

Ngayon, idugtong natin ang Cross sa Bitter Scale. Naiintindihan ba natin na may mga nagagawa tayong kasalanan kapag bitter tayo, kailangan natin itong bayaran pero nalalaman ba natin na kinuha ito lahat ni Jesus sa Cross? Kasi..

a. On the Cross, Jesus was holding you. Hindi Siya bumitaw kailanman, hindi Siya napagod at He won’t let go of you. Para kapag napapagod ka na sa lahat, pwede kang tumingin sa Cross at makikita mo na Siya ang sumalo sayo noong bumagsak ka.

 

“The men who were guarding Jesus began mocking and beating him. They blindfolded him and demanded, “Prophesy! Who hit you?” And they said many other insulting things to him.”

-Luke 22:63-65

 

Ikaw ang dapat na nahusgahan, nasapak, at naduraan. Pero Siya ang sumalo, dahil hawak hawak ka Niya. Ilang beses mo na nga bang sinabi kay Lord na ayaw mo na? na nagdududa ka na? hindi mo alam pero nanlalamig at napapalayo ka na sa Kaniya pero paglingon mo nasa likod mo si Jesus, sinasabi sayong “Anak, mahal kita, tara na.”

 

 b. On the Cross, Jesus covered your past, present and future with His love. Oo, lahat. Walang dati. ramdam mo ba na hindi ka makaalis sa nakaraan mo, na para bang napakahigpit ng hawak nito sayo? Pwede ka tumingin sa Cross, at makikita mo na lahat ng sakit ng nakaraan mo nandun na: nakapako.

 

“Why? Because the Master won’t ever walk out and fail to return. If he works severely, he also works tenderly. His stockpiles of loyal love are immense. He takes no pleasure in making life hard, in throwing roadblocks in the way.”

-Lamentations 3:31-33 MSG

 

Pati yung mga kasalanan at sakit ng mga kasalukuyang paghihirap mo, nandun na sa Cross. Eto yung tipo ng pagmamahal na mapapaluhod ka na lang: na hindi mo pa nagagawa ang isang bagay-maganda man o hindi, eh minahal ka na ni Jesus. Kaya ngayon, pwede mo na iwan ang kahapon at pumunta sa napakagandang umagang naghihintay sayo.

 

c. On the Cross, We are forgiven because He was forsaken. Gaano kalalim ka dinala ng pagiging bitter mo o kaya ng mga nagawa mong kasalanan? Sa Cross, mas malalim ang pagpapatawad ni God.

 

“We are punished justly, for we are getting what our deeds deserve. But this man has done nothing wrong. Then he said, “Jesus, remember me when you come into your kingdom.” Jesus answered him, “I tell you the truth, today you will be with me in paradise.”

– Luke 23:41-43

 

Akala natin kaya natin pero hindi pala. Lalo na ang magpatawad. Pero dahil sa Cross, pinatawad ka na ni Jesus, ngayon malaya ka na ding patawarin ang sarili mo at ang mga taong nanakit sayo.

 

d. On the Cross, Jesus bought you. Para tayong nasa auction, ipinagbibili ang katauhan kahit kanino basta may magmahal lang sa atin. Pero sa Cross, binili ka na ni Jesus. He paid the price of humiliation, mockery, insult and death because He loves you. Tayo na yung nakapila para burahin sa mundo pero si Jesus sumisigaw sa likod “Hindi! Akin yan! Anak ko yan! Bibilhin ko yan!”. Kaya ang nangyari, He was not a liar, but He became the lie for you and me. He became the sin. Si Jesus yung naging sexual immorality, yung anger, yung pagnanakaw.

 

“But he was pierced for our transgressions, he was crushed for our iniquities; the punishment that brought us peace was upon him and by his wounds we are healed.”

-Isaiah 53:5

e. & f. On the Cross, Jesus sets you free. Oo, hindi ka hinintay ni Lord na magsorry muna sa Kaniya. While you were still sinning, Jesus already died for you para ipakita sa’yo na ito ang tunay na pagmamahal. Pati yung bitterness mo matutunaw yan sa harap ng Cross. Siya ang nakakita sayo nung gumagapang ka pa sa putik ng bitterness. Kahit noong mga panahon na ayaw mo kay God at tinatakbuhan mo Siya kasi ang dami mong angst sa mundo. Siya yung nagpalambot at nagbuo ng puso mo. Sa Cross, malaya ka ng mahalin si Jesus. Sa Cross, Malaya ka ng magmove on.

Tinanong dati ni Coach Robert Gonzalez: “If you have the opportunity to stand in front of Jesus being crucified and have the chance to ask him while hanging on the cross, what would you ask?” Heto ang ilan sa sagot nila:

–          Am I worth it Lord? I’ve failed and hurt you so many times. Why me?

–          Why do it when you know some will turn their backs on you and hurt you either way?

–          Sa lahat ng ginawa ko sayo bakit mahal na mahal mo pa din kami?

–          Deserving ba ko sa love mo? Kahit alam kong hindi.

–          Why are you still doing this? You only suffer for yourself. You know that were not perfect. IM SO SORRY!

–          Lord maga na po ang mata ko, pwede katabi na lang po kita forever?

–          Bakit ang hirap sa iba na iaccept ka at unahin sa buhay nila? Bakit sa kabila ng tanong kong to, isa ako sa mga taong sinasabi ko?

–          Jesus, can I do anything to ease the pain?

–          Jesus, can we change position?

–          Lord am I worthy of that pain?

Ikaw? Anong naisip mo na itanong?

Ang tanong, tatanggapin mo ba si Jesus sa buhay mo?

——

Image

Advertisements

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s